1.

4217 Words
DY "W-what the?" Halos lumuwa ang mata ko sa pagkakatitig sa malapad at matipunong dibdib na sumalubong sa 'kin pagkamulat ng mga mata ko. "Dy, pinagpala ka sa lahat. Ugh!" Bulong ko habang kagat ang labi.Natatakam akong pisilin ang muscle ng lalake nang biglang mapadako ang mata ko sa digital clock. "Gosh! Mayayari na 'ko." Tarantang naitukod ko ang mga kamay sa magkabilang side ng lalake at napaungol. Nuknukan ito ng bango. I'm starting to think gawa sa Tom Ford ang sweat glands niya. Umungol ito kaya natigil ang tangka kong pag tayo. Ilang segundo ko siyang pinagmasdan. Kahit na 'di ganon kaliwanag sa loob ng kwarto, kita kong kissable lips si kuya at may pamatay na jaw. Iyong parang masusugat ka sa pagiging prominent pero go ka pa din kasi gusto mong i-check kung totoo s'ya o aparisyon lang. "Ano ba 'to ang aga-aga, ang lantod ko.!" Inis na bulong ko't maingat na tumayo. Rinig ko ang malalim na pag hinga ng lalakeng kanina or rather kagabi lang ay ilang beses kong namura at nakalmot. "Asan na ba 'yon?" Tumalikod ako't paika-ikang hinanap sa dilim ang dress na nirentahan namin ni Kulas sa shop ni Beauty, ang maton na parlorista ng Franco street. Pihado gigisahin ako ni Kulas ng mga tanong tungkol sa lalakeng tahimik na natutulog sa sofa. Nilingon ko muli ito, sigurado pag gising nito masakit ang likod nito't mga hita. Sa tangkad kasi niya, nakalaylay ang mga binti nito sa sofa. Nagdadalawang isip ako kung gigisingin ko ba s'ya para magpaalam at mai-save sya sa muscle pain. Naipilig ko ang ulo, "Focus, Dy." Ibinalik ko ulit ang atensiyon sa pagkapa ng mga saplot kong basta na lang tinapon ng gwapong herodes na nasa sofa. Well, di ko naman nakita ang mukha n'ya dahil di ito nag abalang i-on ang lights. Base lang ang assumptions ko sa boses, sa muscles at sa mala Olympiad na katawan at endurance nito. Mahabaging santa ng one night stand! Siguradong kukurutin ni Kulas ang singit ko kapag nalamang may eight abs si kuya! Napangiti ako sa naisip. To be honest, I was expecting the typical old, bald, dad-bod movie producer kaya laking gulat ko nang marinig ang boses nito kagabi. Hindi na kasi ako nag abalang tanungin ang boss ng boss ko about sa kung sinong herodes ang gusto n'yang ipakilala sa 'kin. Kagabi isa lang ang nasa isip ko, be f**k or go home broke. Siyempre pikit mata kong pinili ang una't basta na lang tumalon ng walang tanong-tanong. Swerte ko't ang yummy ng sumalo sa 'kin. Oh well, that's the start of our wild sexcapades. Hindi ko napigilan ang pagiinit ng pisngi ko nang maalala ang mga kababalaghang pinag gagagawa namin last night. Talo ko pa ang sumali sa marathon ng tantanan ako nito last night. Until now, I was sore from the tip of my toes hanggang sa dulo ng buhok ko. Isama na natin ang dandruff ko. Gross, but you get the picture. Walang pinalagpas ang lalake kagabi. "Okay,stop na. 'Yong t-back ko na lang," parang baliw na sabi ko habang sinusuot ang skimpy metallic dress na pwede ng pumasang top. Tarantang hinahilap ko ang undies na pikit mata kong binili para lang sa dress na suot. Muli na naman kasing umungol ang lalake. Ayokong magisnan ako nito na nasa loob pa ng kwarto. Isa pa, may shooting kami ng alas-diyes ng umaga and to be honest 'di ko na alam kung late na ba ko or what. Nang muli itong umungol, this time mas malakas, dinampot ko ang sapatos at ang maliit na pouch. Patingkayad akong lumapit sa pinto at marahang pinihit ang seradura. Ingat na ingat akong wag magising ang kasama at nang makalabas na doon ko lang pinakawalan ang hiningang pinipigil ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nang makasigurong walang tao, tinakbo ko hanggang dulo at para kong si flash na bumaba ng hagdan. May ilang staff akong nakasalubong na busy sa pag lilipgpit ng mga ginamit sa party. Isang ngiti at alanganing wave ang sagot ko sa nagtatakang tingin ng mga ito. Mabuti't di na ko pinansin pa ng mga ito kaya nakalabas na ko ng malaking mansion papuntang gate. Laking pasasalamat ko nang makitang may paparating na taxi,pinara ko ito at matapos sabihin ang address ko'y sumakay na agad ako. Hila-hila ang dress na suot ko'y hinalungkat ko ang pouch na dala at inilabas ang Oppo na pinamana pa sa 'kin ni Kulas. "Kuya, anong oras tayo makakarating?" Tumingin ang driver sa rearview mirror, "Mga 5:30, miss." "Salamat ho," ani ko pero ang mga mata'y nasa basag na screen ng telepono ko. Mabilis akong nag type ng sagot sa text ni Erlin. Nasa may Malate na daw kasi ang sundo naming van at di ko alam kung aabot ako sa call time. "Kuya pwedeng paki bilisan?" Tahimik na sumunod ang driver habang ako'y lahat na yata ng santo natawag na. Kapag nagkataon mayayari ako kay Sam at sa head ng production staff. Masungit pa naman ang dalawang 'yon. "Hetong bayad. Thanks, Kuya," halos ihagis ko ang dalawang daan sa passenger seat. Mabilis akong lumabas ng taxi at tinakbo ang eskinita papasok sa inuupahan kong bahay. "Kulas!" "Shutang inames kang bruha ka! Bilisan mo kung ayaw mong sa estero tayo damputin," tarantang sagot ni Kulas na dala ang bag ko't isang maliit na paper bag. "Si River?" Nagmamadaling kinuha ko ang cycling shorts na ibinilin ko kay Kulas. Hindi ko sukat akalain na mangyayari sa 'kin to, ang umuwing wala akonb panty. "Borlogs pa. Ako ng bahala sa kanya. Sige na. Andon si Troy sa kanto, ihahatid ka," tinulak ako nito. "Love you. Tawag ako mamaya," iyon lang at para kong nasa amazing race na tinawid ang madilim pang kalsada. "Dy, sakay." "Okay. Wait," sumampa ko sa likod ng pinaka gwapong lalake sa Tondo. Si Troy. Crush ko sana ang mokong kaso masyadong mahangin kung minsan at isa pa patay na patay si Kulas dito. Ayokong ma-broken hearted si bff ko. "Itakip mo to. Kita ko na kaluluwa mo d'yan sa suot mo," hinagis nito ang jacket sa kin na maagap kong sinalo. "Thanks." "Saan ka ba galing?" Sigaw nito habang ini-start ang motor. "D'yan lang. Raket," maikling sagot ko't kumapit sa bewang n'yang batak sa gym. Suki ng gym bakal 'tong tukmol na 'to eh. Minsa naisip ko na mukha na s'yang si Johnny Bravo. "Ganyan suot mo? Wow!" "He! Dami mo tanong, bilisan mo na bago pa ko mawalan ng work!" Pinalo ko ang braso nito. Hindi na ito sumagot pa't pinasibad na ang motor. Isa ito sa mga naging kaibigan ko sa Laurel. Kapag malapit na kong malate sa mga call times ko, siya ang dakilang taga hatid ko. May times na napag kamalan pa siyang boyfriend ko dahil ilang beses din itong nag punta sa set para sunduin ako. Honestly, okay naman si Troy. He's cute. Kung sa scale ng one to ten, he's seven. Well, physically speaking. Matangkad, well-built at mabait. But I don't need him right now or any man for that matter. Masyadong malaki ang responsibilidad ko at napatunayan ko ng palagi ay distraksiyon lang ang mga kalalakihan sa buhay ko. Sabi nga ni Kulas, aamagin at sasaputin na lang siguro ako bago ko ulit makatikim ng luto ng Diyos. Well, don siya nag kakamali. Napangiti ako nang maalala ang lalakeng iniwan kong hubad at tulog sa sofa ng malaking mansion sa Makati. Walang-wala ang muscles ni Troy sa kanya. Alam ko kasi nabilang ko kagabi. Eight freaking abs! At ang bango. Siya lang ang lalakeng nakilala kong habang tumatagal at nagpapawis, lalong bumabango. Kumunot ang noo ko. Cal. Yes, he told me his name was Cal. Ano kayang ibig sabihin non? Short for Calvin? Calcifer? Caloy? Napabungisngis ako sa huling naisip. Ang gwapo n'yang Caloy kung ganon. "Hoy! Napano ka? Andito na tayo. Tawa ka nang tawa d'yan." "Ay, sorry. May naalala lang ako," nahihiyang bumaba ako ng motor at inabot ang bag ko. "Babayaran na lang kita sa katapusan Troy ha? Sama ko na 'yong utang ko from last week." "Ayos lang, Dy. Sabi ko naman sa'yo kung sinasagot mo na ko eh 'di tapos na problem mo." Umismid ako sa kanya. "Sinagot kita, remember?" "Ha? Sagot na ba 'yon?" "Oo. Anong sabi ko sa'yo nung sinama mo ko sa Intramuros?" Kumamot ito sa ulong natatakpan ng helmet. "A-ano...no." "See? Nag tanong ka kung may pagasa ka. Sabi ko 'no'. Sagot 'yun, Troy," inilagay ko sa kamah n'ya ang helmet. "Hindi ko na problema kung 'di mo nagustuhan. Okay?" "Hay! Aga-aga, nabasted na naman ako. Pang 56 na 'yan, Dy." "Tse! Binilang pa. Lumayas ka na. Salamat ulit at ingat ka," tinalikuran ko na ito nang makitang panay ang kaway ni Erlin sa 'kin. "Bye, miss sexy!" Lakad-takbo na tinawid ko ang kalsada at ng makarating sa gilid ng van ay isinuot ko muna ang jacket na inilagay ni Kulas sa bag ko. Ayokong makita ng mga kasamahan ko ang party dress outfit ko. "Dy, tara!" Ani Erlin at kinuha ang dala ko. "Thanks." Tahimik na pumasok kami sa van. Mabuti at may kalahating oras pa ko bago ang call time. May oras pa para mabura ko ang make up at makapag bihis sa loob ng van. "Wow! Dy, ang ganda mo ah! San ka nag party?" Bati ni Sanna ang isa sa mga extra na kasamahan namin. I rolled my eyes. Humarap ako sa kanya't plastik na ngumiti. "BGC." "Oh! Taray naman. May nakilala kang sugar daddy? Balato naman," patuloy nito na sinagot ko ng matalim na tingin. "Pwede ba, Sanna. Ang aga-aga nang iimbyerna ka," salo ni Erlin sa babaeng ewan ko ba ba't umiikot ang tumbong kapag nakikita ako. "Why? May masama sa sinabi ko? Hello! Wag na tayo magmalinis pa no. Sa trabaho natin at sa sitwasyon n'yang kaibigan mo, hindi imposible na ialok n'ya ang katawan sa kung sinong willing na magbayad. Stop being a prude." "Anong prude? Ingudngod kaya kita, makita mo." Pinigilan ko ang kamay ni Erlin. "Tama na," bumaling ako sa kaibigan ko't marahang tumango. "Pathetic!" Ismid ni Sanna na nakaupo lang sa tapat namin ni Erlin. "Sanna, oh.." inabot ko ang mentos sa kanya. "Ano yan?" "Candy." "I know, gaga! Hindi ko kailangan n'yan," maarteng sabi nito na nginisihan ko. "No. Kailangan mo to para bumango yang bibig mo. Ang sangsang ng mga lumalabas eh!" "What the..?" Tinaasan ko s'ya ng kilay habang ang mga kasamahn naming extra din ay panay ang tawanan at palakpakan. "Bakit? Totoo naman ah! Ang baho na nga ng ugali mo, pati bibig mo ang bantot din. Ako napipikon na 'ko sa pagiging echosera mo eh!" Tumayo ako't inilagay ang kamay sa bewang. "Ano bang problema mo sa 'kin ha? Hindi ko kasalanan kung nakaka stress ang ganda ko. Believe me, dumaan din ako sa depression lalo na 'pag nakikita kong mukha ko sa salamin.This is my curse, Sanna. Swerte mo na-spare ka," seryosong sabi ko't ipinungay pa ang mga mata sa harap ng nang gagalaiting kasamahan. Halos lumabas ang gums ni Erlin sa kakatawa sa mga pinag sasabi ko. Hindi naman ako ganito pero minsan kasi sumusobra na si Sanna sa kaka bully sa 'ming dalawa. Isa pa, kulang ako sa kape. I can only deal with bullshits kapag nasapian na 'ko ng caffeine. "Kapal ng mukha mo!" Namumula ang mukha na dinuro ako nito. "Mas makapal yung mukha ng ex mong manyakol! Mag move on ka na, pwede ba? Naka anim na girlfriend na s'ya ikaw nag sa-sour grape pa din," pang aalaska ko. Nang lalo itong manggalaiti sa galit, napangisi ako. I know it's always about her loser ex na 'sing tigas ng adobe ang kapal ng mukha. Umismid ako. Akala n'ya inagaw ko sa kanya 'yon. Pwe, hindi ako kumakain ng tira-tira. "Why do you care?" "Why do you care?" Gaya ko sa sinabi nito at sinadya ko pang landian ang boses. Natawa nang mahina si Erlin sa tabi ko. If may natutunan ako sa pagtira sa Tondo iyon ang ang pagiging palaban. I've been living on the wrong side of town for 8 years now and this exchange, mani sa 'kin 'to. "Bruha ka talagang babae ka. Makaatikim ka sa 'kin," namumula ang mukhang tumayo ito at akmang hahablutin ako pero umawat na ang mga kasamahan naming lalake. "Tama na, girls. Lahat tayo masesesante. Settle your problem kapag tapos na ng shoot. 'Wag ngayon," awat sa 'min ni Perry ang isa sa mga extra na kasama din namin sa teleserye. "May araw ka 'din sa king bruha ka," bulong ni Sanna bago ito bumalik sa pagkaka upo. Nagkatitigan lang kami ni Erlin at sabay na bumungisngis. "Gaga ka talaga, Dy. Aatakehin sa inis si ate mo girl dahil sa kabaliwan mo." "Hmp! Siya naman nag start eh. Kung binigyan mo ako agad n'yang kopikong hawak mo, 'di sana may pasensiya ko kay Sanna." Umiling lang ang kaibigan at inabot sa kin ang mamig na kape. Napangiwi ako. I want my coffee, hot and dark but beggars can't be choosers, right? Hot. Dark. Gising na kaya s'ya? Napangiti ako. Lihim akong nagdasal na sana ito na ang simula ng magandang carreer ko't pag angat ko mula sa laylayan ng pagiging extra ng pinilakang tabing. Higit sa lahat, para kay River. "CUT! s**t NAMAN, DY. Ano ba? Sabi ko 'yung blocking mo dapat dito," galit na bulyaw ni Direk Joss. Tumayo ito at nanlilisik ang matang lumapit sa amin ni Erlin, ang kasama kong assistant nurse sa scene. "Dito. Putang ina!" Bulyaw nito habang ipinapadyak ang paa sa marker sa sahig. Napayuko ako. Sana bumuka ang lupa't lamunin ako ng buo. Ramdam kong buong tao sa set ay nakatingin lahat sa 'min. "Sorry po, Direk," mahinang sabi ko sa direktor naming kinulang na naman yata sa kape ngayong araw. "Isa pang pag kakamali, Dy. Makikita mo!" "Y-yes, direk. Sorry talaga." "Direk Joss, pasensiya na kayo kay Dy. A-ako ho ang mali," salo ni Erlin at inapakan ang kanang paa ko. Gustong umikot ng mga mata ko sa sinabi ng kaibigan at kasamang dakilang extra sa set. Bakit ba s'ya nag aaksaya ng panahon na mag-sorry sa direktor naming pi-pitong piraso na lang yata ang buhok sa bumbunan? Kasalanan ba namin kung nakalimutan na namin ang bilin ng production staff kaninang alas-dos ng madaling araw? Yes, kaninang alas-dos ang briefing namin tungkol sa mga blockings at lines namin na puro yes doc at noted po lang naman. Malamang inampaw na ang utak namin dahil alas seis na ng gabi kami sumabak sa eksena. Ano bang gusto nila, sa bawat pag ihi at paghinga namin i-memorize namin ang mga bilin nila? No way. "S-sorry, Direk. Di na ho mauulit," mahinang sabi ko. "Talagang hindi na! Last chance n'yo ng dalawa 'to. Ang dali-dali ng ipinagagawa ko sa inyo, sa'yo, hindi mo pa magawa," nakapameywang na ani 'to. Sarap busalan ng bibig at sabihing 'di ikaw ang gumawa pero siyempre nag pigil ako. Wala 'kong 'K'. Karapatan at kwarta. "Yes p-po, direk. Aayos na po. Sorry talaga." Masakit man sa pride ko pero wala akong magawa, ayokong madamay si Erlin sa kagagahan ko. Ang hirap ding maghanap ng raket sa panahon ngayon. "Good. Another take. Umayos kayo ha?" Tumlikod na ito't naglakad pabalik sa pwesto. "Kung makapag aksaya kayo ng rolyo, akala n'yo mga bida," bulong nito na 'di nakalagpas sa pandinig ko. Naikuyom ko ang mga kamay dahil malapit na 'kong makapatay ng tao sa sobra galit. Baka imbes na trophy ang mahawakan ko, rehas ang hinihimas ko pagminalas. Huminga ko nang malalim at bumaling sa kaibigan. "Hayaan mo na, Dy. Calm down." "Leche talaga yang nawawalang kapatid ni Barney eh! Naku kung 'di lang talaga madami ang exposure natin sa movie na 'to, nag quit na 'ko," bulong ko sa kaibigan habang hinahatid ng tanaw ang direktor naming panay pa din ang daldal. "Sshh! Marinig ka. Oh, heto yung props mo. Ayusin mo na okay? Napapagod na ko sa kaka-push sa dibdib ni kuyang pasyente natin." Tinapunan ko ng tingin ang lalakeng kanina pa siguro naiinis sa 'min ng kaibigan. "Sorry, Reynante. Tama ba? Pasensiya ka na." Nag okay sign ito at umayos na kami ni Erlin. Isang take lang at nakontento na sa arte namin si direk Joss kaya pinayagan na kaming magpahinga. May dalawang scenes pa kasi kaming ite-take at mahigpit na bilin sa aming tatapusin 'yon ngayong gabi. "Dy, tara. Doon tayo sa may kanto, may nakita akong tusok-tusok," excited na hinila ni Elrin ang kamay ko't lumabas kami ng malaking bakuran kung saan kami nag so-shooting. Isang lumang hospital sa Bulacan ang location namin sa loob ng dalawang araw dahil mas mura at mas kaunti ang mga nakatira sa lugar na 'yon. Mas madaling ma control ang crowd. "Ang takaw mo na naman, Erlin. Nagtitipid ako di ba?" Binawi ko ang kamay mula sa kanya at binagalan ang paglalakad ko. "Dy ang kj mo. Ililibre kita, sige na." Napangiti ako. "Talaga? Sige. Apat na isaw sa 'kin tas anim na baga." "Ang epal mo din eh. Buraot ka talaga!" "Anong buraot? Nga-offer ka di ba? Tinanggap ko lang. 'Kaw itong epal," binelatan ko ang kaibigan at tumakbo palapit sa street vendor. "Hello, kuya. Siya po magbabayad," turo ko sa papalapit na si Erlin at inilagay na sa kumukulong mantika ang sticks ng paborito naming pagkain ng kaibigan. "Hello mga miss magaganda. Kuha lang kayo, may buko juice din ako." "Pass kami kuya. Mas kailangan namin ng kape," ani Erlin habang isinasawsaw ang hawak na kwek-kwek sa garapon ng sauce. "Luto na 'yong sa'yo, bruha ka. Bilis doon lang ako," at nagpatiuna na itong maglakad sa ilalim ng punong mangga. Sumunod ako sa kaibigan at bago pa ko makaupo sa harap niya, tinadad agad ako nito ng tanong. "Kumusta? Tumawag na ba?" "Hindi pa ko nakakaupo oh. Talo mo pang NBI mag imbestiga," inis na sumalampak ako upuang kahoy at isinubo ang baga. Gutom ako and food is lifer for me. Makapaghihintay si Erlin. Pero ang totoo, pinanghihinaan na ko. Ilang araw na ang nakakalipas simula nang mangyari ang pag ge-gate crash ko sa isang party and well, ang daring na make or break, swallow your moral stunt ko. Pero wala, nganga pa 'din. Walang production na tumatawag. Hayup. Na-scam ba ko? "Oh heto tubig, mabilaukan ka. Ang siba mo, Dy." Kinuha ko ang bottled water na inabot niya at mabilis na uminom. "Can't blame me. Hindi masarap 'yung packed lunch na ibinigay kanina." "Okay. Going back, anong nangyari?" Yumuko ako't wala sa loob na pinaglaruan ang takip ng mineral water. Paano ko ba sasabihin kay Erlin na 'di pa ko tinatawagan ng production staff ni Direk Gino kahit pa ginawa ko na ang bagay na sinumpa kong 'di gagawin ever. Bukod sa best friend kong si Kulas o Nikolas, si Erlin lang ang pinagsabihan ko ng problema at ang kapit-patalim kong desisyon. Kasabay ko itong nag audition dati para sa PBB kaso parehas din kaming 'di pinalad kaya hayun nauwi kami sa mga extra acting jobs. Napaka bait nito at kalog kaya mabilis kong naka gaanan ng loob. Kaya heto, kapag may problema ako or siya, hahanap kami ng malapit na tusok-tusok saka mag ra-rant. Speaking of rant. Last week, na-laid off ako sa set ng isa sa malaking project na natanggap ko sa tanang buhay ko ng pagiging extra. Imagine my shock nang sabihin sa 'kin ng talent manager na gaganap akong kaibigan ng kontrabida sa isang series sa tv. Ibig sabihin mahaba ang airtime exposure ko, meaning malaking pera ang kikitain ko. Pero 'di pa man ako nakaka apat na araw sa shooting na sesante na ko. Mas mabilis kasing gumana ang kamay ko kaysa sa utak, kaya ayun nasampal ko ang leading man ng palabas at manyak na si Jules Guzman. Akala n'ya makukuha n'ya ko sa gandang lalake niya, sukat ba namang hipuan ako sa loob ng dressing room. Sa galit nasampal at nasapak ko siya sa mukha. Of course, kahit anong paliwanag ko sa producers at bosses ko, siya ang kinampihan. Life is unfair but I have to accept it. Anong laban ng dakilang extra na gaya ko sa isang heartrob, di ba? Ending, tsugi ang beauty ko sa set. "Wala pa din eh." "What? Pero five days na ang nakakalipas ah. Ba't ganon?" Nag angat ako ng tingin at nakita ang kaibigang nakahawak sa baba nito. "I don't know, Erlin. Malapit ng maningil yung landlady ko," nasapo ko ang mukha at inis na inihilamos ang palad. "Sumabay pa yung tuition ni River." "Kumusta naman ang makulit na 'yon?" "Na kay Kulas. Hindi pa din ako nagbabayad sa isang 'yon," tukoy ko sa matalik na kaibigan. "Naku malapit naman na ang pay day natin, don't worry," pagpapalubag loob ni Erin. "Feeling mo tatawag sila? Ayokong pakabahin or what, pero sayang kasi yun. Nasa mga 30K din ang kita mo don sa loob ngtwo weeks na taping. Malinis na sa tax at mga cut ng buwaya sa itaas." Lalo akong nanghina sa narinig. Mukhang goodbye 30k na ba? Pero wala pa naman akong naririnig na balitang nai-offer na ang role sa ibang mga artist—sikat man o hindi. Ibig sabihin may pag asa pa ko. "Nganga pa din. Sinunod ko naman lahat ng payo n'yo. Nagmaka awa ako kay Direk Gino," naramdaman kong nag-init ang pisngi ko nang maalala ang napagusapan namin ng direktor. "Tamang party pinuntahan mo diba?" Taas-kilay na tanong ng kaibigan ko. Tumango ako. "Yes. Victory party noong You, Again." "Eh ba't wala pa din?" "Ang alin?" Sabay kaming napatalon ni Erin nang may biglang sumabat sa usapan namin. "Holy cow! Lander, ano ba?" Nahampas ko ang matangkad at poging lalakeng nakatayo sa likod ko. As always, ang fresh n'ya kahit jeans at powder blue cotton shirt lang ang suot n'ya. Hanggang saan kaya ang narinig n'ya? "Treat ko sana kayo kaso binubugbog mo ko. Wag na lang," he grins at di namin naiwasan ni Erlin na kiligin ng lihim. Isa si Lander sa mga second lead ng palabas at madami na din itong fans. Pero hindi gaya ng iba, mabait ito't di snob.Plus of course, gwapo. "Binibiro ka lang eh. Hindi kami tatanggi sa grasya ni Erlin, di ba?" Pinalakihan ko ng mata ang kaibigan na mabilis sumakay sa trip ko. Sana 'di na mangulit ang lalake tungkol sa pinag uusapan namin ni Erlin bago ito dumating. "Oo nga, Boss Lander. Treat mo kami kahit ano Jollibee. Happy meal sa 'kin." Binatukan ko si Erin. "Gaga, sa Mcdo 'yon." "Ay, sorry na. Pipapangiti ko lang si Lander," anng kaibigan ko't nag puppy eyes pa kay Lander. "You two are funny. Oh siya. Tara, papa order ako kay Simang," aya nito at marahang naglakad pabalik sa set. "Ibigay mo sa kapatid mo yung toy ha? Kelan mo ba dadalhin ulit sa set 'yon?" Lingon na sabi ni Lander sa 'kin. "May klase pa eh. Yaan mo next time," nahihiyang sagot ko. "Shoot. Gustong-gusto kong kausap 'yun kahit medyo bulol." Natawa ko sa sinabi nito. Totoong bulol sa letter R si River. Kaya siguro tuwang-tuwa ang mga kasamahan ko sa makulit na 'yon dahil napag babaliktad nito ang L at R. "Naku 'pag dinala ni Dy yung kapatid n'yang yun sa set, di ka na naman papansinin ni Simang. Nakay Liver baby boy ang atensiyon nilang lahat." Natawa kami ng sabay ni Lander sa comment ni Erlin. "Marunong na s'ya sa name n'ya. Alam n'ya ng bigkasin ang River ngayon." "Good," ani Lander at ngumiti ng matamis sa 'kin. Napahinto ako saglit sa paglalakad dahil parang na-dislocate ng bahagya ang atay ko sa smile ni Lander. Ba't kasi ngingiti ng ganito tong taong 'to? "Ehem.." Nalingunan ko ang nakangising si Erin at ang nagtatakang tingin ni Lander. "Tara na baka mag bago isip ni Lander sa treat n'ya." "Ha? Ay, sorry naman. May inisip lang ako." "Gaga ka. Wag ka pahalata na crush mo 'yan. Yari tayo kay Monica," bulong ni Erin na sinadyang sabayan ako sa paglalakad. "Baliw! Masama bang kiligin ng slight? May mata kaya ko." "Nag re-remind lang." Umirap ako sa kaibigan at sumunod sa gwapong second lead nang bigla itong matigilan sa tapat ng pinto. "s**t. Mukhang pack up tayo ah!" "Ha? Bakit naman?" Naguguluhang tanong ko kay Lander. "See that? VIPs," turo nito sa gitna ng malawak na lobby ng hospital Nakatayo malapit kay Direk Joss si Direk G at ang isang lalake na papasa ng lolo namin ni Erlin. He's bald, lanky and rich. "Sino yan? Yung kasama ni Direk G?" Takang tanong ni Erlin. "That ladies ...is the owner of Stardust production. The great, Kit Lacson." "W-what the f?" Kit? Stardust? Ikninurap ko ang mga mata ng ilang ulit. Nang bahagyang lumingon sa gawi namin si Direk G at nakita kong matalim itong nakatitig sa 'kin, noon lang nag sink in ang lahat. So much for waiting for the call. So much for hoping na may darating na isang prince charming at ise-save ang gaya kong damsel sa sobrang stress. Right now, iisa lang ang malinaw. I'm in deep s**t at 'di na yata ako makaka ahon. Kung hindi ako nasalo ni Erlin malamang gumawa na naman ako ng eksena sa harapan ng mga bosses ko. "N-no..." Oh, God! Nice one, self. You f**k the wrong guy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD