“Your OB is a guy? What the fvck, Getrude?!”
“Yes, hun. You got a problem with that? I don’t see anything wrong with it.”
“Ah, really? Marami naman ibang p'wedeng maging obstetrician d'yan, bakit lalaki ang napili mo?”
“Why do you care? I don’t need to explain myself to you.” Walang emosyon na sagot ng dalaga.
"Sana naisip mo 'yan bago mo 'ko inabala sa pag-iinom sa Square Bar. I was having a great time there and you busted out my trip!"
Ah really? Kapal ha!" Mayumi talked back incredulously and breathe out. Tama bang isumbat sa kanya iyon? She felt deeply humiliated by his childish whims. "If you reallt had a great time with that hoe then why do we end up here? Hindi mo dapat iniwan 'yung kaharutan mo kanina, tama?"
“You know what I can recommend someone else to be your doctor.” Hinugot nito ang smartphone sa bulsa at tumipa-tipa roon. “Decline that Janus. I don’t want him checking your, your.” Bumaba ang tingin niya sa maselang parte ng babae at muling umiling na tila ba natalo sa sabong.
“Whatever, Ali. Don’t meddle with my personal affairs and we’re good.” She dismissed him tersely. Mabilis itong pumihit patalikod at muli siyang nilayasan.
“BULLSHIT!” Alistair freaked out for the umpteenth time. “Why does she always have the last word?”
Asar na asar pa rin siya sa tuwing maaalala iyong huling pag-uusap nila ni Mayumi nang nagdaang gabi. Malamang wala siyang pakialam sa personal na buhay ng dalaga dahil wala naman talagang sila. He was just a fling, a delicious boytoy, and a great f*ck and that made him vexed and upset to the stomach. Gigil siya at ipinaghihimutok ang katotohanang lalaki ang doktor ni Mayumi.
Hindi niya matanggap ang ideyang bubukaka ito sa harap ng ibang kalahi niya at parang elementong pag-aaralan. To him, it was cringey, morbid, and nerve-wracking simultaneously. Sa tindi ng pagka-aburido ay hindi niya tuloy maharap ng maayos ang ginagawa. Leona and Erin dashed into his house since six AM earlier. Bakasyon na kasi ng mga ito at naglambing ang mga pasaway na ipaghanda niya ng paborito nilang spicy beef tacos, pork cutlet at baked sushi. He doesn’t have the heart to decline his siblings. Isa pa noon lang ulit bumisita ang dalawa dahil nga busy ang mga ito sa kanya-kanyang aktibidades sa eskwela at sa iba pang mga bagay.
“Kuya, are you okay?” tanong ni Leona mula sa living area. She was dorking against a large bean bag.
“Yeah, yeah. Don’t mind me here." He answered, not looking at her.
“Okay, sabi mo, eh.” Nakatutok na uli ang mata nito sa screen ng tv habang kumakain ng caramel flavored popcorn.
Yamot na ipinagpatuloy ng binata ang ginagawa. Paulit-ulit itong nagpapakawala ng mabibigat na buntong-hininga. Hindi niya alam kung kailan huhupa ang digmaan sa kanyang dibdib. Isinalang niya ang sushi sa loob ng oven at agad isi-net ang timer nito. Pagkatapos doon ay binalikan niyang pagkaabalahan ang pork cutlet.
“Kuyaaa!” malakas na tili ni Erin bago tumakbo palapit sa kanya.
Nabigla man sa lakas ng boses ng huli ay kunot-noo lang na tiningnan ni Ali ang bunsong kapatid. Palaging gano'n iyon lalo na kung may nasagap na latest tungkol sa fashion o sa showbiz world.
“Kailangan ba talagang sumigaw, ha, Erin?” nakasimangot na sita niya rito.
“Paanong hindi ako sisigaw, eh kanina ka pa disoriented. Muntik mo na nga lagyan ng asukal ‘yang meat kung hindi kita tinawag.” Inabot nito ang salt and pepper tube dispenser kanya.
He absent-mindedly snatched it from her. Pagkatapos ay ibinalik niya ang canister ng asukal sa floating cupboard at baka magkamali ulit siya ng dampot. Pagharap niya ay naroroon na rin si Leona. Nakangiti ito, nakatingin sa kanya at nakapangalumbaba sa breakfast nook.
“What are you smiling at?” sinimangutan niya rin ito.
“Wala lang. Nagtataka lang ako kung bakit ang sungit mo masyado ngayon.” Nakangising sagot ng kapatid. “Parang may kakaiba sa'yo, Kuya.”
“Oo nga napansin ko rin. You are yourself today. I think something is bothering you.” Erin seconded in a concern voice. She was busy peeling off the green apples.
Lumipad ang tingin niya rito. “Paano mo naman nasabi na may problema ako?” ingos niya bago pinaalahanan ito. “Watch your hand. Baka masugatan ka.”
“Well, it's just that your aura is kinda dark today. Parang pasan mo po ang daigdig.” Komento ng bunsong kapatid. May maliit at mapang-asar ngiti ito sa labi.
“I couldn’t agree more,” Leona conceded, nodding her head slowly. Taas-baba ito sa upuan dahil pinagti-tripan nito ang lock ng bar stool.
Tapos ay muling sinilip ni Erin ang mukha ng kanyang kapatid bago mabagal na umiling. “Natutulog ka pa ba, Kuya? Grabe kasi ‘yang eyebags mo, eh. Sunflower na lang ang kulang dito sa bahay mo kasi pa-zombie ka na po.”
“Brains rawr!” panggagatong ni Leona.
Sabay na tumawa ang dalawang hitad. Hindi na nagsalita si Ali. Hindi pa niya nabistahan ang mukha mula pagkagising kaya baka nga haggard na talaga ang hitsura niya. Paano hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa walang humpay na pag-iisip. Hindi niya sigurado pero bandang alas-kwatro na yata nang dalawin siya ng antok. Ayaw naman niyang uminom ng prescribed sleeping pills dahil naadwaan siya sa lasa ng mga iyon. Hindi niya rin feel ang iba't-ibang klase ng tsaa na ang ina niya mismo ang bumibili. At alam niyang raratratin siya nito ng sermon kapag nalaman ang tungkol doon.
“Ewan ko, ha, pero baka maglasang sama ng loob ang mga niluluto ni Kuya.” Si Erin ulit na humahagikgik.
“Tigilan n’yo ‘kong dalawa. Baka ‘di ko tapusin ‘to.”
Nakasambakol niyang isinalang ang pork cutlet sa electric deep fryer. Saglit siyang napatulala sa kumukulong mantika bago muling bumuntong-hininga. Hindi naman niya gustong maging shock absorber ang mga kapatid, pero kasi hindi pa talaga humuhupa ang inis na nararamdaman niya.
“Hay nako, ang sungit ng mamá. Palibhasa walang matinong jowa, e.” Leona joked, laughing out loud.
Kinuha nito ang isang slice ng mansanas bago mabagal na nginuya. Si Erin naman ay peras na ang tinatalupan ngayon.
“Seriously, Kuya, when are we gonna meet your girlfriend? I mean the legit and considerable one?”
“I don’t do girlfriends.” Sagot niya sa patag na boses.
“Really? Eh, ba't may mga blind item about you and a certain editor?”
“What the hell are you talking about?” He had no idea about what she said.
“It is circulating online.”
“Alam namin na ikaw ang nasa blind item kasi ‘yung plate number mo nakuhanan ng mga mosang.” Erin informed like an investigative agent.
Kumunot ang noo niya, pilit na iniisip ang sinabi nito. At noon niya naalala iyong sinabi ni Leona matapos ang event sa SB. He was not aware of that issue until now. At gayon na lamang ang hampas ng yamot nang maalala niya na naman ang dalaga. He had a hunch that Mayumi was with her doctor by now. Kung anu-ano na ang ideyang pumasok sa isipan niya tulad ng baka magka-interes ang Janus na ‘yon sa babae o di naman kaya ay nag-o-offer ang lalaki ng extra service sa clinic nito. Ah, mababaliw na siya sa kakaisip. Malapit na niyang pagdudahan ang katinuan niya nang dahil sa babaeng iyon.
Nang hindi na siya nagsalita ay nanahimik na rin ang mga kapatid niya. He thanked the universe for that. Nang matapos sa pagluluto ay masayang nagsalo ang magkakapatid sa pagkain. Dalawang oras pa ang lumipas bago nagyaya ang dalawang babae na pumunta sa mall. Nakagayak na ang mga ito at siya na lang ang hinihintay.
“Malalaki na kayo, kaya niyo na ‘yan. Besides tinatamad akong lumabas.” Pang-limang beses na iyong pagtanggi ni Alistair.
Pero hindi pumayag ang mga kapatid niya. Hawak ng mga ito ang magkabila niyang braso at pilit siyang ibinabangon mula sa kama.
“C’mon, Kuya, hindi bagay sa'yo magmukmok dito. Ang panget mo gumanap.” That was Erin.
“Tara na kasi,” ungot naman ni Leona. Hinatak-hatak nito ng mas may pwersa ang kanyang braso.
“Fine. Magbibihis lang ako.”
Hustong narinig iyon ng dalawa ay agad na binitawan ang mga braso niya. Nagtatalon ang mga ito na animo nakakita ng toy store. Hindi niya rin napigilan ang mapangiti. Nang marating nila ang Octagon Mall ay agad dumerecho ang mga kapatid niya sa makeup section. Abala ang mga ito sa pagba-browse ng samut-saring pampaganda at siya naman ay panay ang hikab. Bagot na bagot siya sa totoo lang.
“Leona, Erin,” tawag niya sa mga ito.
“Yes, Kuya?” sagot ng dalawa, ang atensiyon ay nasa mga retractable eyebrow pen.
“I’ll go outside. Sa Chat Box ko na kayo hihintayin.”
“Sure, sure.” Si Leona lang ang sumagot dahil si Erin ay naroroon na sa lipstick section.
“Text me when you're done here.”
Mabilis na pagtango lang ang sagot ng huli. Nang makalabas doon ay balak muna sana niyang mag-banyo pero hindi na iyon natuloy dahil nakuha ng isang pamilyar na babae ang kanyang atensiyon. The woman was in the escalator, giggling while talking to man who looked like a business tycoon. Tahimik na nangngitngit ang kanyang kalooban habang nakamasid kay Mayumi. Tapos ay sinundan niya ng tingin kung saan patungo ang mga ito. The two were heading to the cinema house. On his shoes, in quick long strides, he hollered his way to them and bought himself a ticket.