CHAPTER NINE

1253 Words
“ARE you somehow related to Corinthian Reedus?” Mikael asked her with curiosity. They were at the lanai enjoying a bacio-flavored gelato for dessert. Napigil ang akmang pagsubo ni Mayumi sa ice cream nang marinig iyon. As far as she could remember ang uncle Lambert niya ang kilala nito. Pinunasan muna niya ang makabilang gilid bibig bago nagawang sumagot. “Yes, sir. She’s my mom.” Nagkatinginan naman ang magkabiyak na Davis. Akmang ibababa niya ang acrylic glassware nang mabilis na abutin iyon ni Alistair. The mug was empty so he scooped another pint from the ice cream tub and handed it to her again. Wala sa loob na inabot niya iyon saka muling inilapag sa round Scandinavian table. “I told you, mahal. She’s connected to them,” said Mikael in a certain voice. “Oo nga. Tama ka, mahal.” His wife affirmed, too. Nahihiwagaan man ay nagawa pa rin ngumiti ni Mayumi. Ang totoo ay ilang beses na niyang nakita ang matandang Davis noong college days niya. Isang buwan s’yang nagbakasyon noon sa poder ng tiyuhin dahil semestral break. She remembered the two would spend weekends watching football games over a bottle of wine or a budweiser. At hindi niya nakakalimutan na madalas nitong ibida ang mga achievements ng panganay na anak. Nasa senior high school nang mga panahong iyon si Ali at graduating naman siya sa kursong Fashion Journalism. Kaya naman hindi pa niya nakikita sa personal si Alistair ay nakilala niya na ito sa pamamagitan ng mga kwentong nakalap niya. She was impressed with the young man since then. “Now, I remember that moment,” Kisses babbled and went on, ikaw ‘yung batang madaldal sa eroplano.” Natawa ang ginang pagkasabi niyon. “At ikaw po ‘yung magandang stewardess na mahaba ang pasensiya.” Mabagal na sabi n’ya bago ngumiti ng matamis. Pakiramdam ni Mayumi ay hinila siya pabalik sa nakaraan dahil naalala niya iyong eksena noon sa eroplano. Paano ipinagpipilitan niyang buksan ang bintana at gusto niyang hawakan ang mga ulap. Kunsumidong tunay ang tiyahin niyang si Mandy dahil paulit-ulit niya itong niyaya na puntahan ang pilot para lang mapagbigyan ang kanyang kapritso. Ang ending hindi rin niya nakuha ang gusto. Natatawa at napailing na lang siya sa throwback na iyon. “Sino nagsabing mahaba ang pasensiya ni Mommy?”Alistair butted in, grinning from ear to ear. “What can you say, dad?” “O, ba’t ako nadamay d’yan? I’m enjoying my gelato here,” anito pero nakangisi rin naman. “Wala akong alam doon sa nangyari sa eroplano.” “Siguro nasa kandungan ka ng ibang chix nu’n, dad,” biro n’ya sa ama. “Prince Alistair, ‘yang bunganga mo! Baka gusto mong ibalik kita sa nutsack ng ama mo.” Pinandilatan tuloy siya ng ina. Sabay na nagtawanan ang mag-ama. Paboritong asarin ng mag-ama si Kisses lalo na at wala doon ang mga anak nitong babae. Wala itong kakampi nang mga oras na iyon. “’Wag mong pansinin ang mga flappy bird na ‘yan, hija. Tayong dalawa naman ang magkausap.” “You have a wonderful family, ma’am.” Sincere na sabi ni Yumi. Inuunti-unti niyang ubusin ang kinakain. Magiliw naman na ngumiti ang ginang. “Thank you, dear. Anyway, you should call me mommy since girlfriend ka na nitong pasaway kong anak.” Muntik nang masamid ang dalaga nang marinig iyon. Maigi na lamang at mabagal lamang ang paraan ng pagsubo niya kung hindi ay mapapaubo siya ng matindi. Nang iabot ni Ali sa kanya ang table napkin ay pasimple pa itong kumindat. Anong tindi ng pagpipigil niyang hindi ito masabunutan. Wagas naman kasi ang kalandian ng binata. “Are you alright?” painosenteng tanong ni Ali. “Yeah, I’m okay. Medyo nagulat lang kasi speed naman pala si Mommy.” Then she felt his big hand against her back. She abruptly straightened her back and mentally cursed. Pagkatapos ay bahagya niyang sinilip ang binata at hindi nakalampas sa paningin niya ang nakakalokong ngiti sa mapupulang mga labi nito. Sure, she loved how his hand glide up and down against her pop art designed dress. Ali was slowly killing her soflty by his sweet, hot, sssinviting caress. She was damn affected. Guilty. Maya-maya ay malakas na tumawa si Mikael bago hinapit palapit ang asawa sa katawan nito. Kisses rolled her eyes heavenwards. Tinampal din nito ang dibdib ng katipan. “Speed and smooth talaga ‘yang nanay mo kaya nga di na ‘ko pinakawalan niyan noon. Now you know why I’m madly in love with your mom.” Pagmamalaki nito sa anak. Malawak ang ngiti at taas-baba ang makakapal at aristokratong mga kilay. “Sure, dad. Pero ang alam ko pinaiyak ka ng matindi ni Mommy dati." “Oo. Mapanakit ‘yang nanay mo noon.” And just like that their laughter floated in the air. They call it a night at eleven. Dahil maagang pinagpahinga ni Kisses ang mga kawaksi ay sina Ali at Mayumi na ang nagtulong sa pagliligpit. Ang binata na ang naghugas at ang dalaga naman ang nag-presenta para isalansan sa cupboard ang mga iyon. Iniwan siya saglit ng lalaki dahil ihahanda raw nito ang kwarto kung saan siya matutulog. Nasa panghuling baso na siya nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Walang nagawa ang dalaga kundi ang ngumiti na lamang. Ano pa ba naman ang ipag-iinarte niya gayong nauna na nga silang magtabi sa kama. She’s not a virgin maiden anymore so why bother? “My parents liked you,” he said and rested his chin on her shoulder. “I like them, too. Masarap silang ka-chikahan. Lucky you for having them.” “E, ako?” “You’re asking me?” she questioned, trying hard not to chortle. Ibinaba ng dalaga ang hawak na baso bago pumihit paharap. Automatic na dumausdos pababa ang mga braso ni Ali bago mahigpit na lumingkis sa kanyang beywang. “You know what I mean, babe.” His lips curved into a sexy pout. “Ngayon alam ko na kung kanino ka nagmana,” she bit out, “smooth and speed ka rin pala, eh.” Then after a while she looked at him intently. The man was so adorable…like her cat. Hindi na niya pinigilan ang pagtawa pero nanatili naman seryoso ang ekspresyon ng kaharap. Halatang napipikon na ito sa kanya kaya naman lumayo siya ng bahagya at saka tumikhim. “You know I’m grateful for everything you’ve done today. Taking me here is so refreshing after that drama back in the station. And I wanna apologize for the mess I made, I mean for snatching your car and almost breaking it into pieces.” She paused and breathe out. “But you see I’m not interested in hooking up with you. I have nothing to do with you, hun.” Tahimik na nag-alburuto ang damdamin ni Alistair sa deklarasyon ng dalaga. Maliwanag na nire-reject siya nito. Sa pangalawang pagkakataon ay ipinadama ni Mayumi kung gaano siya kawalang kwentang nilalang. Naisip niya tuloy ang mga babaeng nasaktan n’ya noon. He doesn’t believe in karma but in that instant he felt it to the flesh and bones. Nagtagis ang kanyang mga bagang pero nanatili siyang nakatulala sa magandang mukha nito habang tuloy-tuloy ito sa pagsasalita. “So, are we cool now?” Inilahad niya ang isang kamay at bumaba ang tingin ni Ali doon. “Friends?” Hinawakan niya ang kamay ni Mayumi at ipinaskil ang pinakamatikas niyang ngiti. “With benefits.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD