#AUTHOR's note.
Hi Guys... this is your Miss AA... the real and one and only ANDREA Almonte...
handog ko sa inyo 2 in 1 series ng Fuentebella's Pride and Glory/ seriesb1&2
FUENTEBELLA'S Pride and Glory
EMBRACING THE FORBIDDEN
The Story of PJ Fuentebella and Xandra Delgado.....
Isla Fuentebella is enchanting. A peace and quiet life living in that island. Magandang trabaho, payapang buhay at kalooban, tahimik at magandang kapaligiran, mababait na kaibigan, at higit sa lahat, buhay na malayo sa panganib at karahasan. Then, she met him. The gorgeously and devilishly handsome, the dashing debonaire CEO of Fuentebella Hotel And Resort. At ang mahalin ng lalaking ito, ang piliting angkinin ang kanyang puso, ang alukin siya ng kasal upang magkaroon ng perpektong pamilya ay isang pangarap na kanyang hinahangad. So, she'd accept his marriage proposal. And it's seems like everything is perfect. Hanggang matuklasan niya ang katotohanan... isang masakit at nakakagalit na katotohanan...
____________________________________
PROLOGO
TOKYO JAPAN...
Narita Airport
Makakatakas na siya... makakalaya na siya...
Pabuntong-hiningang minasdan niya ang pasaporte at plane ticket na hawak. Saka lumingap sa paligid... sa mga taong nagmamadali sa paghakbang... ang iba ay halos tumakbo na para hindi maiwan ng flight nila...
At last, makakabalik na ako sa pinanggalingan ko. Sana lang, tuluy-tuloy na ito. I'm tired! Ayoko nang tumakbo, ayoko nang magtago. Gusto ko na ng tahimik na buhay...
Nang humakbang siya papasok sa depature area, minsan pa ay pasimple siyang lumingap sa paligid.
Nais pa rin niyang makasiguro na walang panganib na nakasunod sa kanya... walang kaaway...
Nang makatiyak na walang anumang panganib ay nagpatuloy siya sa paghakbang...
Hanggang sa wakas, narito na siya sa loob ng eroplano, nakaupo sa naka-assign na upuan para sa kanya...
Kuyom ang kamaong napapikit siya...
At nang magsimula nang tumaas ang dambuhalang sasakyang-paghimpapawid, malalalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan...
Mukha talagang makakatakas na siya...
Ah, sana nga... sana...
Ipinikit niya ang mga mata at ninamnam ang masarap na pakiramdam na iyon na dulot ng isiping makakalaya na siya... higit sa lahat, makakalayo na sa panganib..