Laki sa hirap si Hailey. May dalawang kapatid siya, sina Aliyah at Zeus. Siya na ang tumatayong magulang sa kanilang tatlo simula ng mamatay ang kanilang mga magulang.
"Hailey! Alam muna ba ang usap usapan?" Tanong ng kaibigan kong bakla.
"Ang ano bakla? Alam muna man diba busy ako kaya wala akong panahon sa mga chismis diyan." Sabi ko habang tinatapos ko ang Application ko, mag hahanap kasi ako ng trabaho.
"Ito daw na lupang tinitirhan ng Brgy natin ehh! nandito na daw ang may ari! Ang usap usapan papaalisin daw ang mga taong nakatira dito. Naku! pag nagkataon nga naman. Sa hirap ng buhay natin, saan naman kaya tayo lilipat mag hahanap ng tirahan."
"Totoo ba yan? Baka chismis lang yan ha! Alam mo naman dito satin mas malakas ang mga ganyan. Pero kung totoo man ay dapat maka hanap na talaga ako ng trabaho para may maipon ako, kung sakali paalisin na tayo dito sa Brgy.
Problema na nga sa pera, at heto na naman problema pa sa titirhan kung sakali pa alisin na tayo dito."
Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib dahil sa isipin kung pano ko makakaya ang bagay na ito sakali mang totoo ang mga sinasabi nila.
"Ohh siya alis muna ako, bahala na si batman ngayong araw kung maka hanap ako ng trabaho. Kahit ano basta makaraos lang sa hirap." Pagpapa alam ko sa kanya.
"Sige bakla! Ingat."
Ano ba yan! Saang lupalop na ako pumunta wala parin. Nasa liblib na nga ako ng lugar wala talaga akong mahanap na trabaho. Kahapon pa ako nag hahanap ng trabaho. Hindi naman kasi ako pinapalad sa siyudad palagi walang bakante ang mga napupuntahan ko. Kaya napag desisyonan ko na lang sa mga malalayong lugar mag hanap sakaling may bakante kahit katulong or kung ano pa man yan.
"Ay, palaka!!!!"
"Hoy, tumabi ka nga diyan!" Sabi ng driver na dumungaw sa bintanan ng sasakyan. Akala mo naman gwapo!
"Siraulo ka ha! Ikaw na nga ang malapit ng maka sagasa, kung maka hoy ka!!! Kala mo! Labas!" Sa sobrang pagod at gutom uminit tuloy ang ulo ko pinag hahampas ko pa ang harapan ng sasakyan niya.
"Miss ano bang problema? Dapat kasi tumitingin ka sa dinaraanan mo. Pano kung di naka ilag driver ko baka sa hospital tuloy mo. F*ck!"
Nang makita ko ang mukha ng lalaki, bigla akong natameme, naka limutan ko na ang galit ko. Ikaw pa naman may lalabas na parang mala adones na katawan. Yung tipong siya na ang pinaka gwapong nilalang sa mundong ito.
"Ahh ehh. Pa-pasensya na ho!" Sa sobrang init nag labo na ang aking paningin, naramdaman ko na lang na bumagsak na ang katawan ko.
Zac's POV
Nang mahimatay ang babae tinawag ko agad si mang bert at sinabi sa kanya na ipasok na lang ang sasakyan. Binuhat ko agad siya. Pinasok ko muna sa loob ng bahay ng makapag pahinga ito.
Habang mahimbing ang pagkakatulog napansin ko ang dala niyang envelope. Tinignan ko ito. Naghahanap pala siya ng trabaho. Sa ganyang mukhang mala anghel? Dali-dali ko inayos ang envelope ng mapansin gumalaw ang babae.
"Are you alright miss? Nandito ka sa bahay ko. Nahimatay ka miss."
"Ha? ahh ehh. Pasensya na ho sir. Medyo mainit kasi ang panahon. S-sige po pa-pasensya na po sa abala pati narin po kanina. Salamat po. Alis na po ako."
Pero bigla tumunog ang tiyan ko. "Hays! Ano ba yan kakahiya. Sana di niya narinig." bulong konsa sarili ko.
"Miss sandali. Baka di kapa kumakain kaya nahimatay ka. Come join me."
Hindi na ako nakapalag pa kasi hinawakan na niya ako sa braso at tinungo namin ang kusina kung saan naka handa na ang mga pagkain sa lamesa. Pinaupo niya ako. Ako naman ay walang ginawa kundi ang magmasid sa kabuoang bahay niya. No! it's not just a house kundi mansyon. Ang laki naman ng bahay na ito. Siguro mayaman na mayaman siya.
"Kain na. Huwag kang mahihiya miss- ahm. Your name?"
"Ha? Hi-hailey po sir, Hailey Delos Reyes po"
"Ako naman si Zac, Zac Monteveres. By the way, sorry hindi naman sa pakialamero ako, I accidentally see your envelope. Your looking for a job? Right? Ano bang natapos mo?"
"Graduate High School lang po sir. Sa hirap po kasi ng buhay di na po ako nakapag aral ulit. Pero bumabawi po ako sa kapatid ko na sila na lang ang makapag tapos."
"I can help you. Sakto lang, wala akong katulong ngayon. I you want as a maid?"
"Naku sir! Ok lang po. Kahit ano pa po yan! Importante po may mabuting trabaho! Thank You Lord!" Di na ako maka pag hintay sa pag uwi pra sa magandang balita para sa mga kapatid ko. Medyo nailang din ako ng kunti sa pagtitig niya sakin. Kaya umayos ako. Di ko lang talaga mapigilan ang mapasigaw sa kasiyahan.
"That's good! So, bukas na bukas pwede ka ng magsimula."
"Sige po sir. Bukas na bukas po!" Sabay saludo sa pantasya ko. Este! kay Sir.
"See you tomorrow Hailey"
"Sige po sir. Maraming salamat po."
"No worries. Bukas may ipapakilala ako siya ang magtuturo sayo sa mga gawaing baha. Pahatid na lang kita kay manong Bert."
HABANG nasa biyahe kami alam ko na pulang-pula ang mukha ko. Gusto kong sumigaw dahil may trabaho na ako. Panay nga ang tingin sakin ng driver siguro napansin niya na papangiti ngiti ako minsan.
"S-sir diyan na lang po ako sa kanto. Di po kasi kakasya ang kotse. Papasok pa po kasi ang Brgy namin." Pag sisinungaling ko sa driver. Mabuti ng dito na lang baka ma tsismis pa ako ng mga tao na bumaba ako sa magarang sasakyan.
"Sige po Ma'am"
"Naku! Sir Hailey na lang po. Katulong lang naman po ako ni Sir Zac."
"Ako naman si Robert. Kuya Bert na lang din. Buti may kapalit agad si Sir sa dating katulong niya. Pasensya na pala sa nangyari kanina."
"Okay lang po Kuya bert. Kasalanan ko naman po di ako tumitingin sa dinadaanan ko. Sige na po kuya bert baka gabihin po kayo sa daan." Pag tatapos ko para di na humaba pa.
"Ohh siya iha alis na ako. Kita na lang sa mansyon."
Pagdating ko sa bahay nag bihis muna ako at saka nag ayos ng makakain namin ngayong gabi. Sakto lang din dahil nandito na sila aliyah pagdating ko sa bahay. Pa kanta-kanta pa ako habang nag luluto. Nang matapos na tinawag ko na ang mga kapatid ko.
"Aliyah, Zeus halina at ng makakain na tayo! At may sasabihin ako sa inyo" sabi ko sa dalawang kapatid ko na busy sa pag assignment sa kanilang paaralan.
"Ano po yun ate? May boyfriend ka na ba ate? Kaya pala ang saya mo sa pag luluto ano te?" sabi ng maharot kong kapatid na si aliyah.
"Anong boyfriend pinag sasabi mo? Baka ma una kapa kay ate magka boyfriend ehh! Si kuya dale nga di niya pinapansin, pakipot pa kasi ito si ate mabait naman si kuya dale at boto kami sa kanya."
Hay naku! Si dale na naman. Si dale pala kaklase ko siya nung Highschool. Naging matalik ko na kaibigan din. Kahit hindi ako nakapag tapos ay hindi nag bago ang pakikisama niya sakin. Sa katunayan nga nanliligaw siya sakin. Tumigil lang sa pangliligaw ng sabihin ko sa kanya na wala pa akong panahon sa mga ganyan. Ang priority ko ngayon ay ang mga kapatid ko ng makatapos at magkaroon ng magandang buhay. Nagising na lang ang ulirat ko ng makitang nag babangayan si Zeus at Aliyah.
"Hep! Mag babangayan na naman kayo." Kita ko ang pag nguso ni Aliyah kay Zeus na kinainis niya.
"Anyway, may trabaho na ako. Alam niyo naman na di naka tapos si ate ng pag aaral diba? So ang work ng ate niyo ay katulong. Di ko pa alam kung magkano ang sweldo baka bukas pag usapan namin ng amo ko. Pero sure ako na ang sweldo ko kakasya sa araw araw nating pangaingailangan."
Tuloy-tuloy kong sabi sa kanila. Alam ko naman na kahit anong trabaho ang pasokan ko ay wala silang angal. Palagi nilang sinasabi basta marangal ang trabaho.
"Mabait ba amo mo te? Mag ingat ka te sa trabaho mo ha." Dami pa naman kumakalat sa news na may mga amo na salbahe daw."
Pag aalala ni aliyah sa kalagayan ko. Kung alam lang nila gano ka bait? For sure naman mabait yun. At saksakan pa ng gwapo. Na tigil ako sa pag papatansya ko ng tabigin ako ni zeus.
"Ate natameme ka diyan? Sino po ba amo niyo? Lalaki ba or Babae? Tanong sakin ni Zeus.
"Lalaki. Ang alam ko siya lang mg isa sa bahay nila. May mga kasama siya pero puro kasambahay."
"Ano ba pangalan te? Gwapo ba? May asawa ba?" Chismosa talaga si Aliyah kahit kailangan.
"Ikaw daming tanong ano?" Na bwe'bwesit na parang kinikilig pa ako.
"Zac Monteveres."
"Ate jackpot!!!" Di ko alam kung anong jackpot na napapapatili pa kaya sinakyan ko na lang.
"Oo jackpot na jackpot kasi may work na si ate." Pag sasakay ko sa kanya.
"Ate naman ehh! Di mo ba alam? Sikat yan sa industriya. Ang alam ko pangalawa siya sa pinaka mayaman dito sa pilipinas madami daw business niya, siya din po ang owner ng School namin at namamahala mula ng mamatay ang Mama niya. Alam ko din model din po siya sa ibang bansa pero panan dalian lang yata kasi siya ang pumalit sa papa niya sa pag mamanage ng business nila. Kakauwi lang daw niya galing ibang bansa. Pero may usap usapan daw na masungit siya. Pag dating kasi sa trabaho gusto niya pulido lahat. Yung tipong perfect! Kaya tawag sa kanya Mr. Perfect sa School namin."
Sa daming nalaman ko sa kapatid ko. Di ko na alam anong sasabihin ko. Bsta ang na agaw pansin ko sa kapatid ko ay yung pag ngiti at tili niya sa ka gwapohan niya. Hay bahala na!
"Ganon ba? Di-di ko alam. Parang natatakot na tuloy ako. Pero bahala na! Trabaho ang pinasukan ko. Aayusin ko ang trabaho ko para sa atin. Teka nga! Saan mo naman niyan nalaman Aber!!?"
"Ate naman chismis nga diba? Malamang sa School. Pag dumadating po kasi siya doon napapatili mga babae sa kanya. Lalo na sa mga guro namin. Parang malalaglag na mga panty nila." Tawang-tawa si Aliyah habang nag kwe-kwento. Ako naman ay hindi rin maiwasan ang ngumiti ng kaunti.
"Ikaw na bata ka! Chismosa ka talaga! Huwag mong sabihin pati ikaw? Naku! aliyah ha."
"Di naman ate. Grabe siya ohh. Crush lang naman ate."
"Palusot pa. Hala sige na kain na tayo. Na stress tuloy ako sayo. Ma aga pa pasok ko. Kung masungit ang boss ko dapat lang di ako ma late sa trabaho ko."
Pagka gising ko dali-dali akong nag luto ng almusal at nag ayos ng sarili. Kinakabahan pero may kaunting excitement kasi unang araw ko sa trabaho kahit na katulong lang. Buti na lang at na gising na si Aliyah.
"Ang aga mo naman ate. Uy! si ate excited! Excited ka ba te kasi gwapo ang boss mo?" Tawa ni Aliyah habang tinatanong ako.
"Alam mo ikaw ang aga-aga ng bwe'bwesit ka ano? Ma aga ako kasi sabi mo masungit si Sir Zac. Imbes unang araw ko, baka huling araw ko na rin kung late pa ako baka pa tanggal niya agad ako. Sige na alis na ako. May almusal na diyan. Kumain muna kayo bago tumuloy ng paaralan."
"Ito naman si ate di mabiro. Sige na ate. Mag iingat ka. Goodluck ate!."
"Kayo rin. Uwi ako ng maaga pag wala na akong trabaho. Oh siya. Babosh na!"