Third Person's POV "Listen everyone, this game that we're going to play is 'Flag hunt'. Ipapaliwanag ko sa inyu kaya dapat makinig kayo sa akin, dahil ang ayaw ko sa lahat ay paulit ulit ang sinasabi ko, i told you already that..so focus sa lahat ng instructions ko, understood?!" Halos pasigaw na ang pagkakasabi ni Calix sa kanyang mga istudyante, dahil nakikita niya ang ibang babaeng istudyante niya na parang walang planong makinig sa kanya dahil nakatulala lamang ang iba habang nakatitig ito sa kanya. At naiinis na nga siya sa mga ito, pero nagtitimpi lang talaga siya upang hindi makapag mura sa mga ito, pero ilang beses na siyang nakapag mura sa isip niya. Wala naman siyang ibang gusto na tumitig sa kanya kundi ang nag iisang babae na kinahuhumalingan niya ngayon. Nabaling ang atensy

