Avena's POV "Teka lang prof Calix.." Agad niya naman akong binitawan nang makarating na kami rito sa parking area, humarap siya sa akin at tiningnan ko siya ng masama. "Bakit ka ba nandito? sinusundan mo ba ako?!" Tumaas naman ang isang kilay niya, hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng cap at bahagya siyang naka duko sa akin. "Why would i do that?" Bakit nga ba Avena? wala ka naman sa kanya. Bakit ba ako mag aasume? "Babalikan ko si Cedrick doon.." Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang maglakad, pero naramdaman ko nalang na lumutang ako sa ere. "Hoy! ano ba! i-ibaba mo ako!" Nagpumiglas ako habang buhat niya ako na parang isang sakong bigas, wala man lang kahirap hirap niya akong inalsa gamit lang ang isang kamay niya, nang makarating kami sa kotse n

