Third Person's POV
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Calix Harrison, nagmamaneho siya at pauwi na nga.
Hanggang ngayon pinoproseso niya parin ang nangyari, hindi pa nga siya tuluyang makapaniwala kahapon na akala niya ay nag iilusyon na naman siya, akala niya ay nananaginip parin siya sa mga oras na yun.
But when he saw her yesterday was leave him in Awe parang nag blurred ang buong paligid except lang sa dalaga at wala na siyang ibang nakita pa kundi ito lamang, pinipilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili habang nakatitig sa mukha nito,ang pagpigil niya sa kanyang reaksyon at tanging seryosong mukha lamang ang pinapakita niya rito,kahit gusto niya na itong takbuhin at yakapin.
Bawat detalye ng magandang mukha nito ay tinatandaan niya at di siya maaring magkamali dahil ito talaga ang babaeng napapanaginipan niya.
Sino bang mag aakala na totoo pala ito, at di lang siya baliw na nag iimagine sa taong kailan man ay di pa niya nakita, walang naniniwala sa kanya na totoo ito.
At ngayong araw na ito nga ay ginawa niya ang hindi dapat mangyari, pero hindi niya na mapigilan pa ang sarili, dahil gusto niya lang patunayan na totoo ito at hindi siya nag iilusyon.
Nangyari nga na hinalikan niya ang dalaga, nawala na siya sa matinong pag iisip at nakalimutan niyang student niya ito.
Ano pa bang magagawa niya, sinunod niya lamang ang sigaw ng kanyang puso't isip kaya niya nagawa iyon.
At nang maramdaman niya ang lambot ng labi nito ay para siyang lumulutang sa ere, kung anong pakiramdam niya sa panaginip ay ganun din sa personal.
Matamis ang mga labi nito, at para siyang tigang na paulit ulit hinahawakan at hinahaplos ang kanyang labi, na hanggang ngayon ay parang nakadikit parin ang labi ng dalaga sa kanya.
"fck! i'm going crazy! she's so real.."
Napapailing nalang siya.
NAKARATING na siya ng bahay, ngiting ngiti parin siya at napapailing.
"Wooh, kuya what's with that smile? ngayon lang kita nakitang ngumiti ng ganyan, and it creeps me out."
Bungad agad sa kanya ng kanyang kapatid na babae, naka upo ito sa sala habang naka de kwatro nagbabasa ng magazine, pero ng makita siya agad nitong binaba ang binabasa at tumayo, bineso naman siya nito.
"Naka uwi kana pala? di mo man lang sinabi sa akin na uuwi ka, di sana nasundo kita.."
hinalikan niya ito sa noo, galing pa itong states at di man lang nagsabi na uuwi.
"Nah, it's ok kuya..pero teka wag mong ibahin ang usapan natin.."
Natawa naman siya at inilgay sa sofa ang bitbit niya briefcase at naupo, ganun din ang kapatid niya at naupo sa tabi niya.
"You won't believe what i saw, Mila.."
Malaki parin ang ngiti niya, na mas lalo namang nag pa curious sa kanyang kapatid.
"Bakit ano ba yan kuya? sabihin mo na.."
excited nitong tanong habang niyoyugyog ang braso niya.
"Maniniwala ka ba na nakita ko na ang babae sa panaginip ko?"
Nanlaki ang mga mata nitong napatitig sa kanya at napanganga.
"No way! totoo ba yan? or you're being delusional again kuya?"
Hindi makapaniwalang anas nito.
Napailing iling naman siya habang ngiting ngiti parin, he was very happy right now, hindi maitatanggi sa mukha niya ang saya.
"No fcking way kuya! it's for real?!! saan mo siya nakita?"
May pagkamangha nitong sabi at napatakip pa ng kamay sa bibig.
"This is the worst mila, she's my student.."
Namilog na naman ang mga mata nito na napatitig sa kanya, umawang din ang bibig nito.
"What? she's you're student?!"
Gulat na naman itong bulalas.
Tumango tango naman siya sa kanyang kapatid.
"Baka naman kuya nag iilusyon ka lang talaga, at nakita mo lang sa student mo medyo kahawig kaya mo nasabi na siya yun?"
May pag dududa parin ng kanyang kapatid.
"No sis, she's fcking real, at napatunayan ko yun kanina.."
Nangunot naman ang noo ng kanyang kapatid.
"What do you mean kuya? anong ginawa mo at napatunayan mo na siya talaga yun?"
"I kissed her.."
Nakangiti niyang saad habang hawak ang kanyang labi.
"What?! you kissed you're fcking student?!! that's not good kuya!"
Napatayo na ito sa gulat, pero hindi man lang siya natinag sa pag sigaw ng kanyang kapatid, pati katulong nila ay napatingin na din sa gawi nila dahil lang sa pagsigaw nito.
"Kuya that's prohibited! hindi pwede yung ginawa mo, paano pag inireport ka nun?!"
May pag aalalang bulalas nito.
Alam naman niya na may posibilidad na mangyari iyon, pero wala na siyang magagawa, nagawa niya na at hindi siya nagsisisi.
"I know sis, pero hindi ako nagsisisi.."
Ngumiti siya rito, pero nanatiling nakangiwi ang kanyang kapatid na nakatingin sa kanya.
"I think you're insane kuya.."
Tumayo naman siya at hinarap ito.
"You know that I've been dreaming about that girl a year, and you know also that I've been looking for her for almost a year..and now that i found her, sa tingin mo ba pakakawalan ko pa siya?"
Napabuntong hininga na lamang ang kanyang kapatid at tumango tango na lang.
"Yes i know that kuya.."
Ginulo naman niya ang buhok ng kapatid niya kaya napasimangot ito.
"Pero kailan ko siya pwede makita at makilala kuya?."
Na i-excited na naman ito.
"You can go to the university, to see for yourself.."
Tumango tango naman ito.
"Are you going to stay here?"
"No, i have my own house kuya, pinuntahan lang kita dito para kamustahin, at nakikita ko naman na ok ka pa alright.."
Napahagikhik naman ito at pilyong ngumiti.
Napa iling iling na lamang siya rito pero may ngiti parin sa mga labi.
Di nagtagal ay nag paalam na din ito sa kanya, at siya naman ay umakyat na papuntang kwarto niya.
Nang makarating siya kanyang kwarto ay pumasok siya agad, bumangad agad ang medyo kalakihang portrait na nakadikit sa pader sa ibabaw ng kanyang kama.
Tinitigan niyang mabuti ang mukha na nasa portrait at napangiti siya ng malawak.
"It's really you.."
Mula sa hugis ng mukha, kilay , kulay itim na mata nito, mahabang pilik mata, matangos ang ilong, natural na pinkish na pisngi nito, at ang matamis na labi nito na paulit ulit niyang naangkin sa panaginip niya, at ngayon ay sa personal na mismo, kahit pa sandali lang iyon pero ramdam na ramdam niya ang init ng kanyang katawan sa mga oras na yun.
Kung paano siya nag iinit sa panaginip niya habang hinahalikan at inaangkin ito ay ganun din sa personal, ang pabango nito at ang natural na amoy nito, na nagpapawala sa kanya sa katinuan, katulad na katulad talaga kaya walang duda na ito na talaga ang dalagang napapanaginipan niya halos gabi gabi, binabaliw siya ng dalaga.
Naalala niya kung kailan niya ito unang napanaginipan, he was only 27 that time ng mapanaginipan niya ang dalaga, it was hot and steamy dream, sa simula ay akala niya nag iilusyon lang siya dahil limang taon na din ang lumipas na hindi siya nagka girlfriend at nang naghiwalay sila nung huli niyang inibig na babae, kaya hindi niya na naranasan muli ang pakikipagtalik.
Pero simula ng mapanaginipan niya ang dalaga akala niya ay isang gabi niya lang mapapanaginipan iyo at hindi na mangyayari, pero halos gabi gabi niya na itong napapanaginipan, kaya para na siyang mababaliw sa kakahanap kung sino ang dalaga, kahit kailan di pa niya ito nakita sa buong buhay niya, pano niya naman mapapanaginipan ang taong hindi niya kilala at pa niya kailanman nakita.
Kaya kahit imposible ay hinanap niya ito sa tulong ng kaibigan niya na may mataas na antas pero lumipas ang ilang buwan ay wala parin, kaya nawalan na siya ng pag asa pa.
Na hanggang panaginip nalang talaga siguro ang dalaga sa kanya.
Pina portrait niya pa ang mukha nito, hindi lang isa kundi marami at yung iba ay nakatago lamang, iba't ibang anggulo ang pag guhit nito sa dalaga.
Ang nasa harapan niya ngayon ay nakahiga ang dalaga habang nakangiti sa kanya, pero hanggang sa may balikat lang nito ang pagguhit.
Kung ano ang nakikita niya sa panaginip ay yun ang pinaguhit niya, ang mga reaksyon nito.
"I've waited for this day, My Avena.."
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi, sabay na nilagok ang alak sa baso na hawak niya.