Calix POV Kakalabas ko lang ng office ko nang may dalawang istudyante na bumati sa akin galing sila sa pagtakbo at nang makita ako ay napatigil sila at bumati sa akin, ngiting ngiti ang mga ito at nagpapa cute pa sa akin. "Good afternoon po, prof calix.." "Good afternoon.." Bati ko din sa mga ito, at tumalikod nadin sila pero naglalakad nalang sila, narinig ko naman na nag salita ang isang istudyante. "Dalian natin, mukhang may away atang magaganap sa canteen." Sabi nung isang naka ponytail, ako naman ay nasa kanilang likuran lamang at hinay hinay lamang ang paglakakad ko. "Eh, sino daw ba yung mag aaway?." Tanong ng isa. "Yung mga students ni prof calix.." Bigla akong na alerto sa sinabi nila, hindi din nila halata na andito lang ako sa likod nila. "What did you say?" Gulat na

