Avena's POV SABADO ngayon at nakatunganga lang ako ngayon dito sa bahay habang nanonood ng tv, sa mga nagdaang araw ng klase ay iniiwasan ko na magtama ang mga mata namin ni prof. Calix dahil hindi ko parin makalimutan ang nakita ko nung araw na yun. kahit makasalubong ko siya ay agad kong iniiwas ang sarili ko sa kanya. Ewan ko ba pero ayaw ko talaga na magtama ang mga mata namin, napa iling na lamang ako dahil ayaw ko sanang maisip ulit iyon pero kusa talaga sumisingit sa isip ko ang nangyari. "Vena!" "Bakit po mama?" Sagot ko kay mama na nasa kusina, mula sa pinto ay dumungaw naman siya. "Naghahanda ako ng pagkain pananghalian para sa papa mo, pwede bang ikaw maghatid nito sa kanya?" Tumango naman ako, ok lang naman kasi wala akong ginagawa tapos malapit lang din ang factory dito

