Avena's POV Tinutok ko ulit ang ballpen sa papel at pinaliit ko ulit ang mga mata ko para mabasa at masaulo ko ang nakasulat doon,pero bigla na naman lumitaw ang gwapong mukha ni Prof. Calix kaya nabitawan ko na naman ng marahas ang ballpen sa mesa sa inis ko ay sinandal ko ang likod ko sa upuan ko at marahas kong sinabunutan ang sarili ko. "Ano bang nangyayari sa akin?!! Aaah!" Naramdaman kong bumukas ang pinto at nilingon ko ito. "Vena! Ano bang problema mo? Kanina ka pa sumisigaw ah?" Naka kunot ang noo ni mama na nakatingin sa akin,inayos ko naman ang buhok ko at binalingan ko ulit ang ginagawa ko kanina. "Wala ma.." Walang kabuhay buhay kong sabi,linggo na ngayon pero feeling ko nasa skwelahan parin ako. "Anak,andito bff mo.." Narinig ko pang sabi ni mama at naramdaman ko ng

