-Thirty.One- Third Person’s NAKATULALA lang si Shiinel. Naglalakad siya pero hindi niya alam kung saan siya eksaktong dinadala ng mga paa niya. Basta gusto niya lang makalayo, nagbabakasakaling makalimot o mabawasan ang sakit na nararamdaman niya. Kahit anong pilit niya, patuloy na umukilkil sa alaala niya ang mga naganap kanina. Si Nick, yung babae at ang halik na pinagsaluhan nila. Hindi sana ganoon kasakit kung hindi sinalubong ni nick ang mga tingin niya, na tila balewala lang ditto kung masaktan man siya. Alam niyang nasaktan niya si Nick, pero kailangan bang ganoon ang ganti? Hindi pa ba sapat para sa lalaki ang sakit na unti-unting pumapatay sa kanya? Ni hndi niya alam kung papaano pa magsisimula, wala ng natira sa kanya. Niyakap niya ang sarili ng biglang humihip ang ma

