CHAPTER 02
YANNIE'S POV
kanina pa Ako paikot ikot dito sa kwarto ko ng higa subalit hindi parin Ako makatulog, gawa ng paulit ulit pa ring pumapasok sa isip ko ang paghalik na ginawa ng siraulo kong boss kanina.
Ayy mali....dahil hindi ko na nga pala siya boss! at hindi na ako babalik pa don ever!
"Hoyyy...ate ano ba? Ang likot likot mo naman Jan sa baba!" rinig kong wika ng Kapatid kong si sharielle.
Dahil double deck Ang kama namin nasa baba Ako at siya naman sa Taas! Iisa lang din Ang kwarto namin since maliit lang ang bahay namin. Sakuo lang sa Aming pamilya.
Ilang saglit pa ay saka ko naman naisipan na e search ito sa socmed. And to my surprise? Sikat siya maging sa socmed dahil at halos lahat ng naka follow dito eh, mga babae! Isa na doon si laria. Meron din itong picture na kasama siya.
++++++++++++
Kinabukasan......
Habang nagluluto ng pang almusal namin ay may kung sino naman Ang kumatok sa pintuan ng bahay namin.
"Ano ba Sha...? Wala ka bang naririnig? Tingnan mo kung sino yung tao sa labas!!" pasigaw na sambit ko sa Kapatid kong nasa upuan lang abala sa pagkakalikot ng cellphone niya.
Padabog pa itong bumangon at sinunod Ang utos ko.
Ako naman ay tinikman Ang niluluto kong pansit, madalas ganito Ang umagahan namin para maka menus sa gastosin.
"aaaacckk!! Omg! Kuyaaaa!! " halos mayanig Ang bahay sa tindi ng sigaw ni sharielle, kaya naman inis pa akong sinigawan ito.
"Ano ba naman Yan Sha?....kung makasigaw ka kala mo may sunog!!" inis na bulyaw ko dito.
"ateeee.....daliiii!!!" muling tili nanaman nito.
Kaya naman pinatay ko na Ang kalan dahil saktong luto na Ang niluluto ko.
" Ano ba Sha? Hindi ka ba titigi-" Hindi Kona natapos ang sasabihin ng bumungad sa harapan ko si sir Dave...
Anong ginagawa niya dito? At paano? Oo nga pala his connection! Bakit pa Ako magtataka.
" at Anong masamang hanhin naman ang nagdala Sayo rito?!" inis at naka Taas Ang kilay na Sabi ko sakaniya.
nasa bahay Ako kaya hindi ko ito tatawaging sir dahil una salahat hindi na niya ako empleyado, at pangalan hindi naman siya kare-respeto.
"Ganyan ka ba bumsti sa manliligaw mo?" pa cute pa nito.
"Halaaaaa....totoo? Ate? Aaaacckk!!" nakakairita na talaga Ang kaingayan nitong batang ito eh!
" Ano ba Sha? Titigil ka ba o kakalbuhin kita? Doon mahhain kana!" utos ko rito.
Kaya naman padabog pa itong naglakad patungo sa kusina. Nabaling naman ang tingin ko Kay Dave pagkatapos.
"Hoyyy? Ano nanamang paandar ito? Anong manliligaw na pinagsasabi mo? Ang kapaaalll!" inis na wika ko.
Napatingin naman Ako sa mga dala nito! Ano Yan groceries? pamudmod sa pamilya ko ganon? Suhol?
" At kailan mo pa nabalitaan na may foundation dito para mag donate ng groceries??" pag mamaldita kopa rito.
" ano Yan suhol?" wika kopa.
" Pwede ba? Pagsalitain mo naman Ako pwede?" halata sa boses nito ang inis.
narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ni mama.
"Kayong dalawa....Ang aga aga Ang ingay niyo nanaman? At may bisita pa tayo?" Si mama.
"Bwesita kamo!!" pagpaparinig ko.
"Yanyan...ganyan ba tumanggap ng bisita?" sita sa akin ni mama.
Kaya naman inirapan ko nalang si Dave! dahil sa inis dito. Kita ko naman ang bahagyang ngisi nito.
" "Para dito ba yang dala mo?" usal pa ni mama.
"Ahh...yes po tita, here!" Sabi nito sabay abot kamy mama ng mga dala niya, feeling close pa ang Loko.
++++++++++++
Kasama namin siya ngayong kumakain ng umagahan dahil niyaya na rin siya ni mama.
" Sana dalasan mo Ang pagpunta rito!" si mama na kinainis ko.
" Ma...!" sita ko sakaniya.
" Siya nga kuya Dave....para masarap lagi ulam namin!" si troy naman-bunso sa Aming magkakapatid 5 years old siya.
" Bakit? Masarap naman yung luto ko ah?" pag angal ko dito. Kumunot naman ang noo nito sa akin. Ang cuteee!!
" pero ate, palagi nalang kasing pancit eh! nagsasawa na ako!" reklamo pa nito na ikinasinghal ko.
Medyo kapos din kasi kami sa pera kaya kung ano lang ang kasiya yun nalang!
" Kuya oh....luto Yan ni ate, masarap Yan!" pagbibida naman ni sharielle sa luto ko sakaniya.
Bahagya naman akong napatawa!
" Wag na...I'm sure naman hindi Yan kumakain ng ganyan!" inis na usal ko.
Alam ko naman na magrereklamo lang Yan! Bistado na kita!
" Hmmm....masarap nga! maybe I should come often just to try this one!" bulalas nito.
Nabigla naman Ako dahil halos maubos pa nito Ang nilagay sakaniya ng Kapatid ko. hindi nalang Ako nakapagsalita dahil hindi mo mababakas sa Mukha nito ang pag iinarte.
" See? Sabi Sayo kuya eh! Sarap no?" si Sha naman. na may ngiti sa labi.
Napatingin naman Ako sa pamilya kong masayang kumakain, kahit papaano ay nakaramdam Ako ng saya sa puso ko.
Ang sarap pagmasdan na ganito sila kasaya at kasiglang kumain! Nakakataba ng puso.
Pero hindi Ang isa Jan, I'm sure naman puro pagkukunyare lang yan! bakit kaya naparito Ang manyakis na ito? I'm sure may balak nanaman ito.
" Siya nga pala, saan mo ba nakilala Ang anak kong ito?" pag iimbistiga ni mama.
" sa kampanya ko ho!" tipid na sagot niya.
Kita ko naman sa Mukha ni mama Ang pagkagulat, tsss! papansin talaga ito eh!
" bakit ilang taon kana ba?" tanong pa ni mama.
Hindi naman Ako nakatingin sa kaniya pero nakikinig lang Ako sa mga pagsagot niya.
" 28 po!" sagot ulit niya.
"Bata ka pa pala! bakit ka naman nandito" ano ba itong si mama Ang daming tanong.
" kokombinsihin ko po sana si....yanyan na bumalik na sa trabaho as my secretary!" pagpapaliwanag nito.
" totoo ba Yan? wala ka ng trabaho?" gulat na tanong ni mama.
Bahagya naman akong nahiya dahil hindi ko rin pinaalam sakanila na wala akong trabaho at kasalanan ito ng bwesit na ito! Feeling mabait, kala mo kung singing hindi makabasag-pinggan.
Babaero naman!
"O-oo ma!" tipid na sagot ko.
" Ehh...bakit naman?" si mama.
" mas mabuti pang kumain nalang tayo! Daming tanong!" Sabi ko nalang saka isinubsob Ang sarili sa pagkain.
napatingin naman Ako sa gawi ni Dave na seryosong nakatingin sa akin. Pinandilatan ko lang ito para ipabatid Ang inis ko.
Kuhang kuha mo talaga Ang inis ko ngayon. Ano?
" Don't worry hijo, Ako na Ang kakausap sa anak ko! Kailangan din kasi namin ng pera Ngayon eh! hindi ko naman alam na wala na pala siyang trabaho!" pagpapaliwanag ni mama.
" Ma...!" Singhal ko.
" ano ba yannie? bakit ka ba ganyan? Nagmamagandang loob lang yung tao?!" si mama naman sa seryosong tono.
Kung alam mo lang ma! Bait baitan lang Yan!
" ma naman....maghahanap po Ako ng trabaho, don't worry! Pero hindi sa bwesit na lalaking ito!" inis na Sabi ko.
" Yannie?" si mama.
+++++++++++++++
Ilang minuto pang nakatitig si yannie sa salamin, dahil naninibago siya sa posutra niya ngayon.
" Bwesittttt!!! Kailangan ba talaga ganito? Pwede namang oversized shirt nalang!" pagrereklamo nito sa sarili.
".ateee? dalaga kana! isa pa, Ang gwapo at sikat ng manliligaw mo! Kailangan presentable ka tingnan lalo pa't secretary ka niya." si sharielle naman na inaayos Ang bistida ng Kapatid niya.
Masayang masaya ito dahil kilala ng lahat si Dave dahil sa sikat nga ito sa socmed.
"Pwede ba Sha? Hindi ko siya manliligaw! Hindiii...okay? Isa pa kung hindi lang dahil sainyo nila mama, do you think babalik Ako don? Hindi!" inis na wika naman ni yannie.
" Bakit? May makikita ka bang ganong lalaking halaga sa pag tatrabaho dito sa tabi tabi ha?" ang mama naman yannie na naka pamewang pa.
++++++++++
Samantala sa office naman ni Dave ay nakangisi lang naman itong pinaglalaruan Ang pansulat niya. Habang nasa malayo Ang tingin.
Bigla naman nitong naalala Ang naging pagkikita nila ng pamilya ni yannie.
*FLASH BACK*
"OO NA....Sige na....pasalamat ka mabait Ako, at fyi lang ha? ginagawa ko ito dahil Kay mama hindi dahil Sayo!" pagpapaliwanag pa ng dalaga sakaniya.
"Okay....oh before I forgot! This one is for you! Wear it tomorrow, I don't like seeing you like an i***t in my office!" pagbabara naman nito sa dalaga na nakapagpausok ng ilong nito sa Galit.
"Ang kapal talaga ng Mukha mo ano? Kung hindi ka sana nagpunta pa rito! Tahimik Ang mga Buhay natin pareho!" si yannie na inis na inis na.
"Too bad, kung hindi mo sana Ako sinampal tahimik talaga!" pilosopong sagot nito.
" At bakit hindi? Kung napakabastos mo namang tao? oh baka naman sanay ka lang sa mga babaing para sa lahat!" deritso at prankang usal ng dalaga.
" Para lang sa kaalaman mo ha? Ayoko sa lalaking para sa lahat!" mariin na wika pa nito.
Hindi nalang nakapagsalita pa si Dave at nagpigting nalang ang mga panga nito sa inis. Para kasing natamaan siya sa sinabi ng dalaga.
"See you at my office tomorrow!" wika nalang nito sabay alis.
Sandali namang namuo Ang katahimikan Kay yannie ng umalis na ito, kasabay niyon Ang malalakas na buntong hininga nito.
*END OF FLASH BACK*
++++++++++++++++
Samantala....
Hindi naman mawari ni Dave kung bakit ba siya nag aaksaya ng oras sa dalaga? Kung gayong wala lang naman ito sakaniya? Na marami namang nagkakandarapa para sa posisyon niya.
Ngunit sa haba ng panahon ni Dave as a CEO ay Ngayon palamang ito naka ingkwentro ng babaing kagaya nito. Walang pakialam sa nasa harapan nito basta masabi nito Ang nais nitong sabihin.
Iyon ang naging rason kung bakit ganon nalang Ang ginagawa nito para sa dalaga, dahil naisip ni Dave na mukhang may thrilled na ito ngayon.
Hindi naman pala ganon ka boring Ang Isang ito, subalit mukhang nababasag Ang eardrums niya sa lakas at kaingayan ng boses nito.
saglit pang napatingin si Dave sa pintuan ng office niya ng bumukas ito, Ang Akala niya ay si yannie na ngunit si laria lang pala.
Ang dating sekretarya niya. pumasok ito saka mabilis na lumapit sa deriksyon niya! wala namang kakaiba sa reaksyon ng Mukha ni Dave.
Naka upo ito Ngayon sa swivel chair niya kaya naman laking gulat pa niya ng kumadon doon Ang dalaga.
"Laria...stop! What do you think your doing?" pagsita naman niya dito.
Lalo pa ng simulan nitong halikan Ang leeg niya na ikinainit ng katawan niya.
" What's wrong sir? Diba lagi naman natin itong ginagawa? Bakit parang hindi ka parin nasasanay?" malalagkit na wika ng dalaga sakaniya.
" I said stop....! Wala ka bang naririnig?" inis na Ang boses nito.
" bakit ba? ayaw muna? Dahil ba sakaniya ha?" May malakasang wika nito sakaniya.
++++++++++++
YANNIE'S POV
Saglit pa akong napatingin sa pamilya ko na umaasa sa akin, kaya naman pikit mata kong isinuot Ang heels na bigay ng amo ko.
Saka tumayo ng tuwid sa harapan ng salamin namin. nandito naman sa tabi ko si sharielle na inaayos Ang damit ko.
Naka white off should Ako na pinstungan ng itim na paldang halos ilang pulgada na Lang sa sobrang ikse. Normal pa ba ang ganito?
" Omg!!! Ateeee! Ang Ganda mo!" si sharielle habang nakatitig sa akin.
Ngayon lang din kasi Ako nito nakitang ganito, naka ayos! Dahil hindi naman talaga ganito Ang hilig ko.
" Tingin mo? Hindi Ako sanay?!! feeling ko pag tumuwad Ako kita na Ang panty ko nito!" inis na usal ko.
Natatawa nalang itong pinagmasdan Ako!
" Ateeee! Bagay na bagay Sayo! Isa pa ngayon lang naman ito diba? I'm sure! Maglalaway Sayo si kuya Dave nito! Hmmmm....Ngayon palang kinikilig na ako!" parang kitit kiting wika nito.
" Hoyyy Ikaw bata ka! Tumigil ka nga dyan! Kung ano ano iniisip mo! Mas mabuti pa atupagin mo yang pag aaral mo...mala-late kana oh!" wika ko sabay turo sa wall clock namin.
Kaya naman sumimangot pa ito.
" Oo nga pala, yung Kapatid mo ha? Baka makalimutan mo nanamang pakainin mamaya!" paalala kopa.
" Oo na oo na....alis na Ikaw din mala-late na!" wika nalang nito saka Ako tinulak palabas ng pinto.
++++++++++
Habang naglalakad sa building na owgmamay Ari ng boses ko ay napapansin ko namang kakaiba Ang mga tingin sa akin ng babaing employees niya.
Don't worry dahil trabaho Ang pumunta ko hindi kagaya niyo! Tsk.
Bago tuluyang pumasok sa office niya ay napahinga muna Ako ng malalim!
Okay Yan...relax! huwag magpa stress Ngayon? Ha? Tsssk. Umiinit na agad ulo ko maisip ko palamang Ang Mukha ng amo ko.
Pagbukas ko naman ay bumungad kaagad sa akin Ang amo ko at ang dating sekretarya nito, naka kandong pa ito sa kaniya.
Nagulat Ang mga ito sa naging pagpasok ko. Kaya naman dahil sa gulat niya ay kaagad itong napatayo sa kinauupuan niya, dahilan para mahulog sa sahig si laria.
"Arayyy!" daing nito.
Ngunit kita kong Hindi siya pinansin ni sir.
"You came?!" bulalas nito....
++++++++++++++
Itutuloy.....