“Ha? Te, hindi ba bago ko naman iabot sayo ang lahat ng benta ay pinapakita ko na muna sayo at binibilang ko na muna sa harap mo? Kaya paano mangyayari na kulang?” ang sagot ni Maricel kay Marie na nagtanong tungkol sa kwenta ng pera dahi ng ideposito niya sa bangko ang kinita ng karinderya sa loob ng isang linggo ay malaki ang nawawala. May listahan kung magkano ang lahat ng kinita sa loob ng isang araw pero hindi tugma sa bilang ng pera. Araw-araw kapag sarado na ang karinderya ay bibilangin ng lahat ni Maricel ang lahat ng kinita pagkatapos ay ililista na sa listahan ni Marie at saka pa nila bibilangin ng ilang beses ang pera bago isilid ni Marie sa kanyang bag at iuuwi sa kanyang bahay at sa iipunin at sa biyernes ng hapon ay dadalhin ni Marie sa bangko para ideposito ang kinita ng is

