“Nasaan na naman ang ate Marie mo, Maricel?” tanong ni Rigor sa isang babae na tumutulong sa karinderya ni Marie. Pinsan ito ni Marie, si Maricel. Ito ang madalas na pagkatiwalaan ni Marie sa lahat ng mga pumapasok na pera sa karinderya. “Baka nagpunta sa simbahan, kuya. Kapag kasing ganya na malapit na ang pista ay talagang inaalam ni ate Marie kung ano ang mga pangangailangan ng barangay lalo na ng simbahan,” ang sagot ni Marie na kasalukuyan ng may mga hawak ng pera galing sa maghapon na pinagbentahan ng kerinderya kasama ng calculator, itim na ballpen at notebook na listahan. Napa “tsk” na lang si Rigor sa narinig na sagot sa kanya ng pinsan ni Marie na sa pagkakaalam niya ay dalaga pa. Mga nasa twenties lang ito at kamag-anak na malayo na ni Marie kaya iba ang itsura nito kumpara

