“May sa demonyo talaga ang hayop na Rigor, ano?” sabi ni Josa sabay tawa ng malakas. Nakatambay sila ni Gloria sa tapat ng isang ihawan na nagluluto ng barbecue, isaw, paa ng manok at kung anu-ano pa. Sumasabay pa ang usok ng sigarilyo na ibinubuga ng dalawang babae sa usok na nagmumula sa uling gamit sa pag-iihaw ng mga pagkain. Nag-aabang na naman silang dalawa ng pwedeng pumick-up sa kanila. “Ano pa bang aasahan mo? Ang masamang damo ay masamang damo kaya huwag na tayong magtaka pa. Biruin mo hindi pa gumagaling ng lubos ang mga sugat dulot ng pambubugbog ni Goryo ay nadali naman siya ng mga holdaper tangay pa ang mga kinita niya.” Nakangising sambit ni Gloria “Bwesit na mga holdaper na yon! Sa halip na nagkapera tayo ay wala man lang itinira kahit piso sa kaha ni Rigor. Unang-una

