“Anong namang trip nina Lena at Maricel at biglang nagkainteres sa bahay doon sa malapit sa arko ng barangay natin?” tanong ni Ikay ng mabasa sa groupt chat na binubuo lang nilang apat na magkakakibigan. Dati nga ay tatlo lang sila ngayon ay nadaragdagan dahil nga kay Lena. Mabait kasi si Lena, masipag at talahang mahusay makisama kaya nagaanan nila ng loob. At isa pa ay biktima ito ng mapang abusong si Rigor kaya naman lalong napalapit kay Maricel dahil naman sa pinsan niyang si Marie na brutal na pinatay ng demonyong lalaki. “Hindi ba at naghahanap nga ng mauupahan si Lena? Baka siya ang titira sa bahay na yon,” ang sapantaha ni Geng. “Tara na at doon na nga raw din tayo matulog. Tamang-tama at may bago na tayong tatambayan. Doon naman kasi sa karinderya ay maliit lang ang espasyo kay

