“Mister Rigor, Suva, pwede ka ba naming maimbitahan sa presinto para sa ilang mga katanungan tungkol sa pagkamatay ni Miss Josw Ilagan na natagpuan na palutang-lutang ang naagnas ng katawan sa ilog,” anang pulis na kapapasok lang sa loob ng karindery ni Marie. Lahat ng mga tao lalo na ang mga kumakain sa karinderya sa kani-kanilang lamesa ay napatuon ang tingin sa dalawang pulis lalo ng lapitan ng mga ito si Rigor at tanungin. “At bakit kailangan niyo akong imbitahan para tanungin sa pagkamatay ng babaeng yan?” matapang na sagot ni Rigor. Lumapit na sa tabi niya si Marie para siya ay saklolohan na. “Mabuti pa ay sumama ka na lang ng matiwasay para malaman mo kung bakit, Mister Suva. Mga simpleng katanungan lamang ito at maaari ka ng umuwi pagkatapos,” giit pa ng pulis. “Malamang na n

