“Maricel, sigurado ka bang nasa bakasyon si Ate Marie? Tinawagan mo na ba siya? Nakipag video call na ba siya sa isa inyo o nagpadala ng selfie kung nasaan siya ngayon?” usisa ni Geng na nais magpahiwatig sa kaibigan na maaaring wala naman talaga sa bakasyon si Ate Marie bagkus nakabaon na ang katawan nito. Nahinto sa pagwawalis ng harap ng karinderya si Maricel ng marinig ang mga tanong ni Geng. “Hindi ba nga at galit siya sa akin kaya nauunawaan ko kaya hindi niya talaga ako kakausapin lalo na ang magsend pa siya ng selfie kung naasan lugar man siya sa kasalukuyan.” Ang malungkot na sagot ni Maricel na inayos pa ng husto ang kanyang hawak na walis. “Hindi ba at kahit ano namang mangyari ay hindi pinapabayaan ni Ate Marie itong karinderya niya? Bakit ngayon ay dahil lang sa galit siya

