Dahil tuluyan na ngang nalason ang isip ni Rigor ang isip ni Lena ay pumapayag na agad ang babae kapag gusto ni Rigor na may mangyari sa kanila. Naging kasambahay na rin si Lena sa bahay ni Rigor kaya malaya ng nakakapasok ng pabalik-balik ang babae sa loob nito. “Lena, nariyan ba si Rigor?” ang tanong ni Gloria na nasa labas ng gate. Nakasimangot ang babae at pawis na pawis. Wala man lang payong laban sa mataas na sikat ng araw. “Narito siya, ate Gloria.” Ang sagot naman ni Lena. “Buksan mo ang gate at gusto ko siyang makausap.” Utos ni Gloria ngunit hindi sumunod si Lena dahil nagpapahinga ng ganitong oras si Rigor at ayaw na ayaw nitong naiistorbo. “Teka lang ate at tatanungin ko muna ang amo ko bago kita papasukin,” ani ni Gloria ng makitang pilit binubuksan n Gloria ang gate na

