“Nasaan kaya sina Ate Gloria at ate Josa? Napahamak na kaya silang dalawa dahil sa pagtulong sa akin na mahanap ang katawan ni Kokoy?” naguguluhan na tanong ni Lena sa kanyang sarilu pero pinipilit na umakto na normal para huwag makahalata si Rigor. “Hello, Miss.” Medyo nagulat pa si Lena ng biglang may nagsalita ngunit ng mas nagulat siya ng biglang may sumilip na malaking tao sa gate at nakangiti pa ito sa kanya. Si Marcel. Akto na sanang magmamadaling lumakad papasok ng bahay si Lena ng tawagin siya ulit ni Marcel. “Hindi ka ba natatakot na kasama ang hudas na kasama mo diyan sa loob ng bahay na yan? Demonyo yan kaya huwag mong hayaan na mahawa ka ng kasamaan ni Rigor,” sabi pa ni Marcel na naging seryoso ang hilatsa ng mukha habang nagsasalita. “Ano bang kailangan mo, kuya?” tano

