“Marie, magpapaliwanag ako,” habol ni Rigor kay Marie kahit tinalikuran na siya ng babae ng malaman ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Maricel na pinsan nito. “At ano pang kailangan mong ipaliwanag, Rigor? Narinig ko ng malinaw na paulit-ulit mo pa ngang binanggit ang pangalan ni Maricel habang nagtatalik kayo ng isa sa mga barkada ng pinsan ko. At dinig na dinig ko rin anong balak mong gawing kababuyan na gusto mong sabay-sabay na babuyin? Anong klaseng utak meron ka? Anong klaseng kaisipan meron ang isang tulad mo? Nakakasuka habang pinapakinggan ko kaya ng barkada ni Maricel. Halos bumaligtad ang sikmura ko lalo ng marinig ang pangalan ng pinsak ko. Kaya ano pang dapat mong ipaliwanag, Rigor? Kaya nga hindi na talaga ako dapat magtaka kung magkasabwat talaga kayo ni Maricel para pagn

