“Ano ba naman ang ulan na ito? Hindi ma tumigil!” galit na galit na sigaw ni Rigor ng makita na naman sa labas ng kanyang bintana na malakas na naman ang pagbuhos ng ulan.
Iniisip niya kasi ang mga pananim niya sa kanyang bukid maging ang mga itik, bibi at mga manok niyang inalagaan ay baka magsilipad na lang sa kung saan.
Ilang araw ng umuulan at hindi siya makapag-ani ng kanyang mga pananim na dapat ay naani niya na kung hindi lang umuulan.
“Palagay ko kailangan ko ng anihin ang mga pananim ko at itago na ang mga alaga ko dahil siguradong walang makain ang mga tao sa paligid ko at baka nakawin ang mga pananim at mga alaga ko,” sabi ni Rigor at saka na nga naghanda ng lumabas. Nagsuot ng kanyang kapote at bota para tunguhin na ang kanyang bukid na ilang araw niya ng hindi nabibisita dahil sa malakas na ulan.
Dahil nga sa walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan ay hindi na nakapagtataka na bumaha na sa kanyang nilalakaran patungo sa bukid. Ngunit hindi ito alintana ni Rigor dahil mas inaalala niya ang kanyang mga pananim at mga alaga na baka nga ninakaw na ng mga taong nakatira sa malapit sa bukid niya.
Palalim na ng palalim ang tubig baha kaya hinubad na lang ni Rigor ang kanyanh bota na malapit ng abutan ng tubig baha kaya binitbit niya na lang.
May ilog na dapat tawiran bago makaabot ng bukid niya ngunit ang ilog na mababaw lang ang tubig ay naabutan niyang malabo ang kulay at rumaragasa ang tubig dahil nga sa walang tigil na pagbuhos ng ulan.
“Punyeta naman! Paano ako makakatawid nito? Baka kapag tumigil ang ulan na ito ay wala na akong anihin kahit isang piraso sa mga pananim ko at wala na akong kahit isang alaga man lang!” inis na inis si Rigor at naghahanap ng mababaw na parte ng ilog kung saan pwede pa siyang tumawid.
Sa isang bahagi ng ilog ay nakakita siya ng lalaki at babae na magkaantabay na tumatawid. Kung siya ay nais makalipat sa kabilang parte ay siya namang nais niyang makalipat sa pinanggalingan ng mga ito.
Madali naglakad si Rigor para puntahan ang parte ng ilog kung saan kasalukuyan pa rin na naglalakad para makatawid ang lalaki at babae na malamang ay mag-asawa.
Hinintay niya munang makasampa na sa pampang ang mag-asawa bago siya lumusong sa ilog at tahakin ang nilakaran ng mag-asawa.
“Kuya, bumalik ka na! Hayan na ang rumaragasang tubig!”
Paglingon nga ni Rigor sa kanyang kanang bahagi ay rumaragasang tubig ang mabilis na papunta na sa kung nasaan siya.
“Kuya! Bumalik ka na! Dalian mo!”
Sigaw ng mag-asawa sa kanya ngunit saktong pagpihit ng katawan niya para nga bumalik sa pampang na ilang hakbang pa lang ang kanyang layo ay inanod na siya ng malakas na pag-agos ng tubig na malamang ay galing sa taas ng bundok.
“Tulong! Tulungan niyo ako!” sigaw niya sa mag-asawa na tumatakbo naman para sundan siya habang inaanod ang katawan niya sa malawak at mahabang ilog.
“Kuya! Subukan mong abutin!” sigaw ng lalaki sa kanya na may hawak ng lubid at ngayon nga ay iwinawagayway ay handang itapon kung nasaan siya.
Palutang-lutang ang ulo ni Rigor dahil sa malakas talaga ang ragasa ng tubig at halos marami na siyang naiinon na tubig.
Ngunit hindi siya nagpapatalo at pilit na lumulutanb kahit nalulunod na siya.
“Kuya! Itatapon ko na ang lubid!” sigaw na naman ng lalaki sa kanya at saka nga mabilis na hinagis sa tubig ang isang dulo ng lubid ngunit hindi nahawakan ni Rigor dahil sa lakas ng agos.
Hindi pa rin tumitigil ang lalaki sa pagtulong sa kanya.
Ilang ulit itinapon ng lalaki ang lubid ngunit laging bigo si Rigor na maabot.
Mas bumilis ang takbo ng lalaki at inunahan ang pagragasa ng malakas na agos ng tubig.
May puno na nakayuko sa parte ng ilog at mabilis na umakyat doon ang lalaki at doon sa itaas ng puno inilaglag ang lubid.
At sa pagdating ng katawan ni Rigor sa tapat ng puno ay nahawakan niya na sa wakas ang lubid.
“Hawakan mo ng mabuti ang lubid, kuya!” sigaw ng lalaki at mabilis na bumaba at itiali ang lubid sa katawan ng puno sabay hila sa katawan ni Rigor.
Ngunit lumalaban ang lakas ng pagragasa ng tubig kaya naman ang babaeng asawa ng lalaki ay nakihila na rin sa lubid mailigtas lang si Rigor sa posibilidad na malunod sa ilog.
Konting hila pa ng mag-asawa ay matagumpay na nga nilang naisampa ang katawan ng taong iniligtas nila sa tiyak na kamatayan.
“Salamat!” bulalas ni Rigor ng nakadapa pa sa pampang ng ilog.
Nanghihina talaga ang kanyang katawan dahil para siyang nakipagbuno sa maraming kalaban.
Sa lakas ng rumaragasang tubig na tumatama sa kanyang katawan ay para siyang nakikipagsuntukan na walang kalaban-laban.
Hingal din ang mag-asawa sa pagtutulungan na mahila ang katawan ni Rigor para maligtas.
“Kuya, ano bang gagawin mo sa kabilanh ilog? Hindi mo ba alam na mas malaki na ang tubig baha roon? Kaya nga kami ng asawa kong si Lena ay nagmamadali ng lumipat dahil nga wala na kaming kasama sa lugar namin dahil nagsilikas ng lahat dito sa kabila?” anang lalaki na tinulungan pang makatayo si Rigor dahil talagang nanghihina pa ang kanyang katawan.
“Ang ibig niyo bang sabihin ay mas malaki ang tubig baha sa kabilang bahagi nito?” ang hindi makapaniwalang tanong ni Rigor ng maisip ang kanyang bukid.
“Oo, kuya. Malayo-layo kasi ang bahay namin ng asawa kong si Kokoy kaya nahuli kami sa paglipat,” saad ng babaeng Lena pala ang pangalan habang ang lalaki pala ay si Kokoy.
“Kung ganun pala ay wala na akong maililigtas pa sa mga pananim at mga alaga kong hayop na siyang dahilan kung bakit ako pupunta sa kabilang bahagi ng ilog.” Napatingin pa si Rigor sa kung saan banda ang kanyang bukid.
Wala na pala siyang maaabutan at muntik pa siyang mamamatay.
“Wala na talaga, kuya. Wash out na pati ang mga bahay kubo na na tirahan ng ating mga ka baryo. Maging ang aming bahay ay nasira na rin ng bagyo kaya nga wala na rin kaming nabitbit dahil basa na lahat.” Kwento pa ni Kokoy sa lalaking sinagip sa kamatayan.
“Bueno, maraming salamat pala sa pagligtas niyo sa akin. Kung hindi niyo ako pilit na iniligtas ay baka kasama na ako ng mga alaga kong lulutang-lutang sa tubig baha.” Pasasalamat ni Rigor sa mag-asawa dahil kanina ay iba na ang takot na nadama niya dahil talagang nalulunod na siya.
“Wala po iyon, kuya. Kahit sino naman ay handang tumulong lalo na sa kalamidad na tulad ng nangyayari ngayon,” ani Kokoy.
Handang tumulong?
Hindi si Rigor. Kaya nga siya nagpumilit na makatawid sa kabilang pampang ay dahil iniisip niyang baka nakawin ang kanyang mga pananim at mga alaga dahil magugutom ang halos mga tao dahil walang pagkain at walang pagkukunan nito.
Maglalakad na sana ang tatlo patungong bayan ngunit hindi muntik madapa si Rigor ng hindi mapansin na may malaki pala siyang sugat sa kanyang talampakan na hindi tumitigil ang pag-agos ng dugo.
“Aray! Kaya pala medyo may kirot akong nararamdaman ay nawakwak pala ang talampakan ko,” daing ni Rigor na hindi makahakbang dahil may malaking hiwa sa kaliwang talampakan.
“May panyo ka ba, Lena?” tanong ni Kokoy sa asawa ngunit umiling ito. Ang ginawa na lang ni Lena ay pinunit ang laylayan ng kanyang mahabang saya at siyang ibinigay sa kanyang asawan si Kokoy para itali sa talampakan ni Rigor na hindi tumitigil ang pagdurugo.
“Tara na, kuya. Ihahatid ka na namin sa bahay mo dahil hindi mo kakayanin na maglakad mag-isa.” Alok ni Kokoy kay Rigor na agad ng umakbay sa kanyang balikat kahit iika-ika ay matiyaga silang naglakad pabalik ng bayan kahit pa ang baha ay hanggang baywang na nilang tatlo.
Wala na rin silang makitang tao sa labas dahil nga sa sobrang lakas ng ulan ay zero visibility na talaga.
“Doon ang bahay ko, Kokoy,” sabi ni Rigor sa lalaking matiyaga siyang inakay kahit pa pwede na siyang iwan ng mag-asawa at iligtas ba lamang ng mga ito ang sarili nila.
Sinagasa pa rin nilang tatlo ang malakas na buhos ng ulan at ng mas lumalaki pang tubig baha.
Hirap na hirap na silang maglakad dahil din sa malakas na ihip ng hangin na humahampas sa kanilang katawan.
Ngunit dahil sanay naman sina Lena at ang asawa niyang si Kokoy sa bukid ay napagtagumpayan nilang akayin si Rigor patungo na sa bahay nito.
“Kuya, mabuti pa ay agad na nating linisan ang sugat mo. Mahirap na at baka kapitan ka ng leptospirosis,” suhestiyon ni Kokoy at inutusan na ang asawa na kumuha na mainit na tubig.
Itinuro naman ni Rigor kung nasaan ang kanyang first aid kit para nga magamot ang kanyang malaking sugat.
Takot din mamamatay agad si Rigor dahil paano na lang ang kanyang mga kayamanan.
Itinuro rin ni Rigor ang lagayan ng kanyang mga damit at sinabing kumuha na lang din ang mag-asawa ng kasya sa mga ito para makapagpalit na rin.
Nakapagpalit na silang lahat ng tuyong damit at maayos na rin ang sugat ni Rigor na pinagtulungan din na gamutin ng mag-asawang pinagkakautangan niya na ng kanyang buhay.
Ayaw na ayaw ni Rigor na nagkakaroon ng utang na loob ngunit pasalamat na lang siya at buo ang loob ni Kokoy na iligtas siya kanina sa ilog kung hindi ay malaking katatawanan sana ang kanyang pagkamatay.
Tatawanan lang siya ng mga taong galit sa kanya at baka sabihan pa siya ng mabuti nga at namatay siya.
Maraming galit kay Rigor nangunguna ang mga kamag-anak niyang hindi makahingi ng kahit anong tulong sa kanya. Idagdag din ang mga taong may utang sa kanya na nalalakihan sa pagpapatubo niya ng kanyang pera.
Kaya laking pasalamat talaga ni Rigor sa mag-asawang Kokoy At Lena.
“Kokoy, Lena, saan nga pala ang punta niyong dalawa? Uuwi ba kayo sa bahay ng mga magulang niyo?” tanong ni Rigor sa mag-asawa.
Nagkatinginan ang mag-asawa.
“Naku! Ang totoo niyan, Kuya Rigor, kaya hindi kami umaalis sa bahay namin ni Lena ay wala naman talaga kaming ibang pupuntahan. Napilitan na lang kaming umalis ng liparin na ng malakas na hangin ang bahay kubo namin.” Sagot ni Kokoy.
Nag-isip si Rigor at napatingin sa bahay-kubo sa tapat ng kanyang bahay. Binili niya ang bahay kubo na yon bilang pahingahan ngunit hindi niya na rin nagagamit. Kumpelto sa gamit ang bahay kubo. May mga gamit pang luto at may cr din sa tabi nito.
“Ganun ba? Kung ganun ay manirahan na muna kayo sa bahay-kubo ko na kanina ay dinaanan natin na halos katabi ng gate,” alok ni Rigor dahil tinablan siya ng hiya sa sarili dahil utang niya na ang kanyang buhay sa batang mag-asawa. Palagay niya ay mga edad beine años lamang sina Lena at Kokoy.
“Hindi na kami tatanggi, kuya Rigor. Wala talaga kaming pupuntahan ni Lena kung hindi ang makipagsiksikan sa evacuation area.”
Napatango na lamang si Rigor.
Kapag humupa na ang baha at bagyo ay aabutan niya na lamang ng pera ang mag-asawa pampagawa ulit ng bahay ng mga ito.
Hindi niya naman basta matataboy sina Kokoy at Lena dahil nga sa laki ng tinatanaw niyang utang na loob sa mga ito.
Ano ba naman ang patirahin niya ng ilang araw o linggo sa kanyang bakuran kumpara sa paghabol ng mga ito sa inaanod niya ng katawan sa ilog.
“Lena, pwede bang ikaw na lang ang maghanda ng kung anong pwede nating makain? Hindi talaga ako makatayo para makalakad man lang ay ipaghanda kayo ni Kokoy ng pagkain,” sabi ni Rigor kay Lena na suot ang isang lumang damit ni Rigor.
Maliit lang si Lena kaya ang damit ni Rigor ay nagmistulang isang dress na sa katawan ng babae.
Ngunit hantad pa rin ang mapuputi at makinis na hita ni Lena idagdag pa ang nakabakat nitong s**o dahil walang bra na suot.
Dahil nga malamang na bata pa ay tayong-tayo ang mga s**o nito na para bang nagmamalaki sa kung sinong nakakita.
Malamang na wala rin itong suot na panty kaya ng tumalikod ito para tunguhin ang kusina ay hindi maalis ang mga mata ni Rigor sa likod bahagi ng babae.
Waring nakaramdam ng kung init sa katawan si Rigor habang nakatitig sa pag-indayog ng pwet ni Lena.