“Lagi ka yatang nakatanaw sa labas ng gate, Lena? May hinihintay ka ba?” tanong ni Rigor ng mapansin na panay ang lingon ni Lena sa labas ng gate habang nagwawalis sa tapat ng bahay. “Ha, Kuya? Wala naman. May naririnig lang kasi akong mga yabag ng mga paa kaya akala may dumadaan,” ang sagot ni Lena at saka na itinigil ang pagwawalis ngunit may kumatok at tumawag sa gate. Biglang kumalabog ang dibdib ng inosenteng babae na buong akala niya ay sina Josa at Gloria ang dumating at may dala ng magandang balita sa kanya tungkol kay Kokoy. Simula kasi ng mangako ang dalawang babaeng na aalamin kung saan posibleng inilibing o tinapon ni Rigor ang bangkay ni Kiko ay araw-araw ng nag-aabang si Lena sa pagdating ng dalawang babae. Ngunit agad na napawi ang ngiti sa mga labi ni Lena ng hindi sina

