Chapter 19 Cedrick Kasalukuyan akong kumakain ng hapunan nang may biglang nagdoorbell sa bahay since wala naman akong inaasahan bisita ay binalewala ko pero hindi huminto ang pagtunog ng doorbell kaya wala akong nagawa kundi buksan ang pinto kahit pa hindi ko alam kung sino ang nasa likod nito. Kung bakit naman kasi gabi ay may tao pa ring sige ang pagpindot sa doorbell na akala mo wala ng bukas. Kamot ulo ako naglakad papunta sa pinto at since sanay ako na ako lang mag-isa sa bahay ay nakagawian ko nang magsuot ng boxer shorts lang sa gabi at manipis na sando kapag matutulog na kaya laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang mukha ni Maxene na mugto ang mata dahil sa kaiiyak. Binalewala ko na lang ang suot ko dahil hindi naman ako nakahubad at may suot pa rin nam

