Chapter 35 "Kagabi ay nabasa ko ang bagong mga issues ni Clark, Ma’am Sam.” Napatingin si Samantha kay Carol nang magsalita ito, nasa tainga nito ang cellphone at tinatawagan si Karen na sekretarya naman ni Bryan. Nahilot muli ni Samantha ang kaniyang sintido. “Wala akong social media, I was just playing around, baka lang may bagong issues si brat and I was right. So tell me, Carol, ano ang mga issue na bago ni Clark?” tanong niya. Mabibigat ang bawat salita na lumalabas sa kaniya, at mukhang mas sasama pa ang timpla ng mood niya bago ang meeting niya dahil sa mga kalokohan na maririnig niya. “Nahuli po siya sa isang bar na hinaharassed ng mga babae, may mga videos na inilabas tungkol doon. Tinulungan lang siya ng bouncer para makawala siya sa mga babae." Walanghiya ka talaga, Cla

