Chapter 28 Noong araw na iyon naisip ko na lang na baka pagod lang si Cedrick sa biyahe at pamamasyal naming dalawa kaya ganoon. Pero hindi pa rin talaga maalis sa isipan ko ang mga sinabi niya nang gabing iyon. Hindi rin ako masyado nakatulog kagabi dahil sa kaiisip ng mga bagay-bagay kaya bumiyahe kami pabalik sa manila nang windang ang utak ko dahil sa puyat sabayan pa nang hilo dahil sa biyahe. At ang nakaka-inis pa sa buong biyahe ay hindi ako pinansin na Cedrick at hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit ganon siya sa akin. Nakarating kami sa manila at hinatid nila ako sa bahay pagkatapos ay umalis na sila. Dahil araw naman nang sabado ngayon kaya wala akong ganang lumabas nang bahay kaya nag-kulong at nagmuk-mok na lang ako sa bahay habang iniisip kung ano ba ang nagawa ko at n

