Hindi naman ako naghintay ng matagal at nakita ang galit na itsura ni Mr. Moroco na lumabas. Nasa likod niya ang ilang bouncer na bitbit ang mga nambastos sa akin sa loob at may bangas na silang lahat.
Kagat labing napayuko ako at handa na sanang mag-sorry nang dumiretso siya sa sasakyan niya sa tabi ko at dinaanan lang ako.
Binuksan niya ang pinto sa passenger's seat at matalim ang matang tinignan ako.
"Sakay."
Napakurap kurap ako, "S-Sir?"
"I said get in!"
Napatalon ako sa sigaw niya kaya mabilis akong sumakay sa nakabukas na sasakyan at napakagat ulit ng labi.
Kung makasigaw akala mo may ginawa akong malaking kasalanan sakanya. Nakaramdam ako ng kaunting sama ng loob pero mas lamang ang hiya.
Sumunod naman siya sa pagsakay sa driver's seat at agad na binuhay ang makina nito.
"Remove that maskara, they can't see your face here."
Walang salitang sinunod ko nalang ang gusto niya. Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakatali ng maskara ko sa likod at habang ginagawa ko iyon ay titig na titig siya sa akin.
He deeply sighed when he finally saw my face.
Napausog ako ng maigi sa upuan ko nang lumapit siya sa akin at kinulong ako sa magkabilaang bisig niya.
Napahawak ako sa kaniyang dibdib nang mabigla dahil doon, akala ko ay hahalikan niya ako pero gano'n nalang ang hiya ko nang inabot lang pala niya sa gilid ko ang seatbelt at siya na mismo ang nagkabit no'n.
"S-Sorry," mahina at halos mabulol pa ako sa paghingi ng tawad.
"What for?" He asked with his forehead creased.
Hindi pa rin siya lumalayo sa akin. Ang seryoso at nakakabighani niyang mata ay diretso ang tingin sa akin, parang pati kaluluwa ko ay nakikita na niya.
"Kase nagkagulo pa kanina sa loob, ayoko lang po talagang mag table..."
"I won't let that happen, I hired you as a dancer, not a prostitute for my horny customers, I'll handle them for you," ika niya.
Tumahimik nalang ako nang sabihin niya 'yon. Nagmaneho siya paalis ng bar nang hindi man lang tinatanong kung taga saan ako, mukhang alam na kase niya ang address ko at basta nalang akong ipinagmaneho.
"Next time, sa likod ka na ng stage bumaba. I'll put two of my bouncers there, they'll protect you," he said with a hint of an authority on his voice.
Ako lang? What about the other dancers? Ayokong mag-isip sila ng masama tungkol sa akin kung ako lang ang may gano'n. Ayoko ng special treatment, gusto ko pantay pantay kami. Uso pa naman ang inggitan, ayokong magkaroon ng kaaway dahil lang doon.
Seryoso ang mukhang nilingon ko siya. Diretso naman ang kaniyang mata sa harap dahil nagmamaneho siya.
"Lahat po kaming dancers ay kailangan no'n, Sir. Hindi lang ho ako ang pwedeng mabastos anytime," angil ko.
"Then I'll put more bouncers around the stage, but of course, you're the priority–"
"Sir, mawalang galang na po pero hindi ko gustong ma-trato ng iba kesa sa ibang dancers, baka pag-isipan pa nila ako ng masama."
Nakita ko ang pagdiin ng hawak niya sa manibela at ang pag igting ng kaniyang panga.
"Then accept my offer, Ms. Levetri. If you accept it, hindi mo na kailangang mag trabaho sa Hades, you can live a luxury life without financial problems and without experiencing any harassment."
Napaiwas ako ng tingin sakanya at yumuko.
Ayan nanaman siya sa offer niyang nakakababa ng dignidad.
Feeling ko bayaran lang ako.
"Patawad po pero hindi ko talaga gusto ang ino-offer mo, madami ka pang pwedeng makuha diyan," halata ang lungkot sa boses ko.
Nanubig ang mata ko pero tumikhim ako para pigilan ang mapaiyak. Nagiging emosyonal na ako. Hindi ko alam kung ba't bigla akong naging sensitive.
Siguro dahil tuloy tuloy ang pasok ng problema, idagdag mo pa ang kahihiyan na naranasan ko kanina.
Nagpatong patong na sila kaya siguro nakakaramdam na ako ng pagod at lungkot. Tao lang din naman ako, may pakiramdam.
"Diyan nalang ako sa may waiting shed," tinuro ko ang shed na mismong kanto namin.
Hindi na makakapasok ang sasakyan niya sa loob dahil makipot ang daan. At ayoko rin namang hanggang sa loob ay ihatid pa niya ako. Hindi bagay sa bilyonaryong tulad niya ang makatapak sa malansa at maduming kalsada.
Walang kibong pinarada niya ang sasakyan niya doon. Bababa na sana ako nang pigilan niya ako sa braso.
"I'm sorry. I won't force you to accept it, Demselle. I respect your decision, sorry to bother you," seryoso ngunit malumanay ang boses niyang sambit.
Ibang iba sa boses niya kanina sa loob ng Hades.
Bumaba ako ng sasakyan niya nang hindi siya kinikibo hanggang sa pagpasok sa eskinita namin ay hindi ko na muling nilingon pa para malaman kung nandoon pa ba siya.
Laking pasasalamat ko nang makitang tulog na ang mga kapatid ko pagpasok ko ng bahay. Hindi na kase ako nakapagpalit ng damit at naiwan ko pa nga doon ang bag ko na may lamang mga extrang damit.
Ayokong makita nila akong nakasuot ng halos kita na ang kubong kubong dahil hindi rin nila pwedeng malaman na nagta-trabaho ako bilang pole dancer sa isang bar.
Lalo na si Midel. Mag-aaway lang kami no'n dahil kahit ako ang panganay ay mahigpit siya sa akin pati kay Brinella dahil parehas kaming babae. Siya na ang gumagawa ng mga bagay tulad ng pag-protekta sa amin, siya ang tumatayong tatay sa amin minsan.
Naligo ako at nagbihis sa loob lang ng kinse minutos. Nagpatuyo lang din ako ng buhok at chineck kung may pagkain pa ba kami sa cabinet, medyo nakahinga ako ng maluwag nang makitang madami pa kaming stocks.
Grabe magtipid sa ulam ang mga kapatid ko.
Natulog akong laman ng isip ang nangyari kanina pati na ang itsura ni big boss na nakakapagpabilis ng t***k ng puso ko.
Nagising ako dahil sa amoy ng tocino na piniprito kaya napatingin ako sa orasan ko.
Alas singko pa lang, ang aga naman magluto ni Midel. Tulog pa si Brinella sa tabi ko.
Pupungay pungay ang matang lumabas ako ng kwarto at hindi si Midel ang naabutan kong nagluluto.
Si Maddi.
"Goodmorning, bruha!"
"Madz, ba't ikaw ang nagluluto? Okay ka na ba?"
Hindi ko siya nadatnan dito kagabi kaya malamang ay umuwi ito sakanila.
"Medyo okay na, nakainom naman na ako ng gamot, gusto ko na rin pumasok ngayon kaya dito na ako nagluto, walang almusal sa bahay," wika niya.
Naupo ako sa harap ng mesa at hinilot ang sintido. Medyo nahihilo rin kase ako.
"Nasaan ang kapatid ko?"
"Ayun, lumabas. Bibili raw sila ni Johann ng pandesal. Gisingin mo na rin si Bri at sabay sabay na tayo mag-almusal, may pasok pa sila, 'di ba?"
Lantang tumayo ako at bumalik sa kwarto. Ginising ko ang aming bunso at tsaka nagligpit na rin ng hinigaan.
"Kamusta naman kagabi? Malaki ba ang tip–"
"Maddi!" Agad ko siyang pinandilatan.
Tinakpan naman niya ang sariling bibig nang ma-realize na hindi niya dapat tinatanong 'yun sa harap ng mga kapatid ko.
Nag peace sign siya sa akin at nagpatuloy sa paghahanda ng mga almusal.
Kahit kelan talaga, walang preno ang bunganga nito.
Muntik na ako doon!
Habang kumakain din kami ay may napansin ako sakanya. Kanina pa tunog ng tunog ang kaniyang cellphone at mukhang may ka-text. Kinikilig pa ito habang nagta-type kaya na-curious ako kung sino ang kausap niya.
Pinauna ko na ang mga kapatid ko sa pag-aayos at nang makapasok na sila. Si Aling Leti muna ang nagbabantay kay inay, nag presinta siya dahil wala naman daw siyang ginagawa sakanila.
Naghugas lang ako ng plato, naligo at umalis na rin kami ni Maddi.
Habang nasa jeep kami ay tinanong niya ulit kung kamusta ang naging performance ko kagabi. Sinabi kong ayos lang at hindi na binanggit pa ang kaguluhan at ang paghatid sa akin ni big boss.
Ayoko nang pag-usapan pa iyon. Hindi lang niya ako titigilan hanggat hindi ko naku-kuwento lahat ng detalye. Kaya mas magandang manahimik nalang.
Nakarating kami sa campus at saktong pagpasok namin sa gate ay nakasalubong namin ang grupo nila Paulo na papasok na rin.
Dumako ang mata niya sa akin at tipid na ngumiti bago kami nilagpasan.
"Ay, snobber na ang admirer mo, Dem! Himala ata at hindi ka kinulit?"
"Hindi na niya ako kukulitin, kaya huwag ka nang magtaka kung makasalubong natin siyang hindi namamansin, para na rin matahimik ang fans club niya."
Natawa siya, "Fans club na puro mukhang binatog!"
Nagtawanan nalang kami hanggang sa makapasok sa classroom. Wala pa si poknat kaya nagkuwentuhan muna kami.
Hindi na panot ang pangalan niya sa akin, poknat na. Hindi lang siya ang pwedeng magbago ng itatawag, kung para sakanya ay mayabang ako, edi para sa akin naman ay poknat siya.
Atleast sa akin totoo. Ulo niya ang pruweba!
Sanay na kami ni Madz sa ugali niya kaya natiis namin ang tatlong oras na klase niya na syempre, hindi mawawala ang mga pasaring niya.
Hindi kumpleto ang araw no'n na hindi kami nasasabon. Parte na ata ng buhay niya iyon at mukhang malalagutan siya ng hininga kapag hindi nagawa.
Papunta na kaming dalawa ngayon sa canteen dahil kailangang kumain ni Maddi para makainom na rin siya ng gamot. Nakalimutan kase niya kanina dahil sa kakamadali.
Habang naglalakad ay panay ang tinginan at bulungan ng mga estudyanteng nakakasalubong namin. Kahit iyong mga nakatambay lang sa hallway ay kung makatingin parang gusto na kaming ibitin patiwarik.
"Nako, kung hindi lang ako kagagaling sa sakit, tutusukin ko mata ng mga 'yan," ani Madz na napansin din ang kanilang mga tingin.
"Hayaan mo na, lagi naman silang ganiyan."
Umirap nalang siya at dumiretso sa isang table na pang dalawang tao lang sa dulo ng canteen. Ako na ang bibili ng pagkain namin kaya pumwesto na siya doon.
Medyo may kahabaan ang pila kaya nag-antay pa ako ng halos kinse minutos.
Nang sa wakas ay ako na ang bibili ay tsaka naman may tumabig sa akin at sumingit sa unahan ko.
Apat silang babae at sa tingin ko ay mga nasa 2nd year.
"Ops, we're sorry. Dapat muna kaseng inuuna ang mga nagbabayad ng tuition kesa sa scholar lang," nagtawanan sila.
Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili. Hindi ako pumapatol sa bata kaya nginitian ko nalang sila.
Naghintay ulit ako ng matagal dahil in-order na ata nila ang buong menu dito makapang-asar lang.
Bago pa sila umalis ng pila ay pinasadahan pa nila ako ng nakakasuyang tingin.
"Anong sa'yo?" Masungit na tanong naman ng tindera.
"Dalawang cheesecake ho, tsaka dalawang bottled water," sagot ko.
"Ano pa?"
"Wala na."
Walang ka amor amor na nilapag nito sa harap ko ang mga binili ko, inabot ko rin naman agad ang bayad at nabuburyong umalis doon.
Pati tindera ngayon ma-attitude na. Pare-parehas nalang sila ng ugali rito. Mabuti at last year na namin ni Maddi at magtatapos na kami. Hindi na namin kailangan makasalamuha ang mga ganitong klase ng tao.
Nakakasawa rin.
Buti at nalagpasan namin 'yun sa loob ng apat na taon.
Pabalik na sana kami sa classroom dahil tapos na ang break time nang harangin kami ng grupo nila Leia, kasama ng iba pang fans club ni Paulo at halos nasa isang dosena rin sila.
Oh, geez. Not today, please...
"Ang kapal talaga ng mukha mong magpakita pa matapos mong saktan ang feelings ni Paulo!"
"Pinagsasabi mo?" Nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
Pupunta sana si Maddi sa harap ko para harangan ako pero pinigilan ko siya. She can't argue with them now, medyo masama pa ang pakiramdam nito at hindi ko hahayaang masayang pa ang laway niya sa mga 'to.
"At nagmamaang-maangan ka pa? How dare you reject a guy like him? Saan ka kumukuha ng lakas ng loob–"
"Pwede ba!" Sigaw ko sakanya dahil kanina pa ako naiirita at hindi ko na kaya pang manahimik nalang.
Mula canteen ay puro nalang tulad niya ang nakaka-encounter namin. Nagsisimula nang uminit ang ulo ko.
"Baliw na baliw kayo sakanya, hindi ba? Dapat nga at mas natuwa kayo dahil pinalayo ko na siya sa akin, eh. Tigil tigilan niyo nga ako sa mga ka-bullshit-an niyo!"
Hindi na ako nakapagpigil at nasigawan ko na sila. I'm trying to stay patient, pero pinupuno nila talaga ang pasensya ko.
"We want you out of this university! You're bringing such shame to all of us! Beggars shouldn't be allowed here!" She shouted back.
At dahil doon, hindi na rin napigilan ng kamay ko ang umangat at dumapo ng malakas sa kaniyang pisngi.
Nagulat silang lahat.
"Beggars my ass! Hindi dahil pinanganak kang mayaman ay may karapatan ka nang mang-apak ng tao! Shut the hell up or hindi ako mangingiming ingudngod 'yang mukha mo sa semento–"
"How dare you, b*tch!"
Bago pa man niya mahablot ang buhok ko ay may pumigil na sa kamay niya at humarang sa gitna naming dalawa.
"Get your filthy hands out of her, or I, myself, will kick you out this university."