EPISODE 20

545 Words
"THE REVELATIONS" ANG NAKARAAN,  Muntikan ng mapatay si Ruel ng isang nilalang. "Sinakop ko muna ang katawan ni Marife. Nasaan sya?" Tanong ni Sofia. "Doon sya nag punta. " Sagot naman ni Ruel habang iniinda nya Ang kanyang sugat sa braso. Samantala Sina Marlyn, Mia at Aling Coring ay nagmamadaling magtungo sa Kumbento upang kausapin si Sister Salome. ANG KARUGTUNG,  Sa opisina ni Sister Salome. "Marlyn mahigpit kung pinagbilin sayo na. Wag kang magbabanggit ng ganyang usapin sa Labas ng opisina ko." Sabi ni Sister Salome. "Paumanhin Sister salome. Pero nais kung malaman ang tungkol sa MIB?" Tanong nyang muli sa madre. "Ang totoo nyan, kasapi ako ng MIB. Galing ako sa ibang rehiyon. At pinadala nila ako dito sa lugar ng Santo Ignacio upang hanapin ang isang bilanggo." Sagot ni Sister Salome. "Bilanggo? Anong ibig mong sabhin?" Tanong ni Mia. "Isang nilalang na may kakaibang abilidad. Dahil sa isang sumpa ay nagkaroon sya ng isang abilidad na kaya nyang baguhin ang kanyang anyo." Sagot ni Sister Salome. "Shape shifter?" Sambit ni Marlyn. "Oo, Hindi ako sigurado sa aking nakuhang balita. Pero ang sumpa ay kagagawan ng Spear of Wishes." Sabi ni Sister Salome. Throwback>>>> Sa isang bakanteng lupa Kung saan ginawa ni Ignacio Ang kanyang kahilingan na buhayin ang ina nila Davilinda, Mia at Marife. Ngunit katulad ng nauna ay bigo sya. "Akala ko ba totoo yang tungkod mo? Pero bakit walang nangyari?" Tanong ng babaeng kasama ni Ignacio. "Hindi ko Alam Jean. Nung unang ginamit ko to. Ay ayus Naman pero bakit Ang kahilingan kung buhayin pangalawa kung asawa ay bigo pa din." Sabi nya Ilang sandali pa ay umihip ang malakas na hangin, at bawat ihip ng hangin ay sobrang lamig. Hanggang sa nagpakita muli ang matandang babae na kanyang tinulungan. "Hindi galing sa kasamaan ang kapangyarihan ng Tungkod ko." Sabi ng matanda na ngayon ay nagbalik na sa kamay nya ang tungkod. "Tungkod ko! Ipakita mo ang iyong totoong anyo!" Sabi ng matanda at unti-unting nagbago ang anyo ng Tungkod. "Labag sa batas ng tao at sa panginoon ang kahilingan mong bumuhay ng taong patay na! Kaya dahil sa kalaspatangan mo. Ay bibigyan ka ng isang sumpa!" Sabi ng matanda at itinaas nya ang kanyang hawak.  At isang maitim na usok ang lumabas sa Spear at papunta ito kay Ignacio.  "Waaaaggg!!!" Sigaw ni Jeanrio sabay tulak Kay Ignacio.  At siya ang natamaan ng itim na usok. "Anong ginagawa mo?" Alalang Sabi ni Ignacio. "Iniligtas ka!" Ngiting Sabi ni Jeanrio bago sya nawalan ng malay. "Sya ang sumalo ng sumpa para sayo.!" Sabi ng matanda. "Anong mangyayari sakanya?" Umiiyak na Sabi ni Ignacio. "Sya ay magiging kakaibang nilalang. At sya ang sisingil sa mga kahilingan mong baluktot! Ngunit wag kang mag aalala. Maibabalik sya dati kapag patay na ang sumpa." Sabi ng matanda. "Papano?" Tanong ni Ignacio. "Sa tamang panahon. At gamit ang Spear of Wishes." Sagot ng matanda. Back to present "Sinubukan naming tanggalin Ang sumpa ngunit isang gabi. Nakatakas ang nilalang sa kulungan. At Ang nakakatakot baka gamitin sya ng Black Dragon." Sabi ni Sister Salome. "Black Dragon? Sino Naman yun?" Tanong ni Mia.  Samantala sa Kwarto ni Argelie. "Hawak ko pa din ang nilalang na yun. Napatumba man nila ang black dragon. Muli tayong tatayo upang paghigantehan ang mga taga MIB." Sabi nya habang nakatingin sa Labas. "Madam? May tawag ka!" Sabi ng lalaking kasama ni Argelie. "Sino?" Tanong nya. "Si Madam Esmeralda." Sagot ng lalaki. Na agad naman nyang kinuha sa kamay nito at kinausap ang babae sa kabilang linya. "Madam Esmeralda napatawag kayo?" Tanong nya. "Hi Argelie. Kamusta na Ang misyon mo? Nahanap mo na ba Ang Spear?" Tanong ng babae sa kabilang linya. "Hindi pa. Pero nararamdaman ni Jeanrio na nasa malapit lang ang Spear. At palagay ko nakahanap na ito ng vessel." Sagot ni Argelie. "Hindi magandang balita yan. Kelangan mo nang hanapin ang spear!" Sigaw ni Esmeralda. Sa Emerald Castle.. "Dito ako sa silangang bahagi Marife. Este Sofia." Sambit ni Ruel at nagmamadali itong nag tungo sa nasabing lugar. Habang si Sofia Naman ay napadpad sa silid aklatan ni Ignacio. "Lumabas ka dyan! Nararamdaman Kita!" Sabi ni Sofia. Ilang sandali pa ay nagpakita ang nilalang at may suot itong Hood na itim. "Sofia na pala ang pangalan mo!" Sabi ng nilalang. "Kilala kita. Lisanin mo Ang katawan ng babaeng yan!" Sabi ni Sofia. At dahan-dahang tinanggal ng babae ang kanyang hood. "Jeanrio?" Boses ni Marife sa isipan ni Sofia. "Oo Marife. Sya ang babaeng sumalo ng sumpa. Na dapat sa iyong ama. Dalawang buhay Ang nais nyang buhayin noon. Kaya ngayon sinisingil na Ang pamilya ninyo ng dalawang buhay." Sabi ni Sofia. "Dalawang buhay?" Gulat na Sabi ni Marife. "Tama, Dalawang buhay upang ako ay tuluyan ng maangkin Ang katawang ito. Una Ang ama mo marife. At Ang pangalawa si Ruel." Sabi ni Jeanrio. "Hindi ba sya pwdeng pumatay ng ibang tao? Like magnanakaw o sino paman yung may masamang hangarin.?" Tanong ni Marife Kay Sofia. Sasagot na Sana si Sofia ng nagsalita si Jeanrio. "Dahil tanging kadugo lang ng humiling ang sisingilin ko. O Ang humiling mismo. " Ngiting Sabi ni Jeanrio at unti-unting nagbabago Ang kanyang anyo. Sa pagkakataong ito ay ginaya nya Ang wangis ni Argelie. "Hindi ko pwdeng patayin ang kadugo ni Ignacio Kung may inggit at galit ito sakanyang puso. Katulad ng iyong tiyahin. Hindi sya kwalepikado!" Sambit ni Jeanrio. "Bakit si Ruel?" Tanong ni Marife. "Dahil kapatid ni Ignacio si Ruel!" Sabay nilang sagot sa tanong nya. "In short tiyuhin mo si Ruel!" Dagdag na Sabi ni Jeanrio. Habang sa MIB headquarter. "Whoah! Violet gumagalaw Ang Spear of Wishes." Sabi ni David habang nakaturo Ang kanyang kamay sa pulang dot. "Talaga? Ang location?" Tanong ni Denny Ann. "Sa Emerald Castle pa din." Sagot ni David. "Hinanap na natin Yan dyan. Pero Wala tayong nahanap. Naloloka nako!" Sabi ni Denny Ann. At lumapit Naman si Marie sakanya. "Violet, confirmed! Argelie Malig-on is associated with Black Dragon. Pakinggan mo ang recordings na to!" Sabi ni Marie habak may hawak na MP3 player. "Sige akin na. At David? Paki locate mo din si Argelie. We need to make sure Wala sakanya Ang Spear." Sabi ni Denny Ann bago nya nilagay ang earphones sa kanyang mga tenga. "Sure thing!" Sambit ni David.  Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD