EPISODE 17

563 Words
"KAARAWAN NI MIA PART2"  ANG NAKARAAN, Nakita na nina Mia at Marife si Marlyn. At sa darating na kaarawan ni Mia. Balak nilang surpresahin si Davilinda sa pagbababalik ni Marlyn. ANG KARUGTUNG, habang nagmamadali si Davilinda magtungo sa kanyang kotse. Bigla syang hinarangan ng impostor na Davilinda.  "What?" Pagtataray nya sa babae. "Where are you going Miss Sanchez?" Tanong ng babae sabay hawi ng kanyang buhok. "Not of your business! Umalis ka dyan!" Sabi ni Davilinda sabay tulak sa babae. Bago paman nya nabuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan ay may sinabi ang impostor sakanya. "Again stay away from my future husband!" Sabi ng babae. Dahil nagmamadali si Davilinda ay di nalang nya ito pinatulan. Agad niyang pinaandar ang kotse at pinaharurot nya ito. Samantala sa Emerald Castle. Nakatitig si Ruel sa larawan ng kanyang dating amo na si Ignacio. "Senior gabayan nyo ho Ang mga anak nyo.!" Sabi ni Ruel. Hindi nya namalayan na narinig pala sya ng impostor ni Marife. "Siya ba ang aming ama?" Tanong nito. Tinitigan ni Ruel ang babae sabay sabing. "Hindi mo ba sya naalala Miss Marife? Nakakapagtaka kung agad mong nalimutan ang mukha ni Senior. Eh sa pagkaalala ko. Sa apat na magkakapatid ikaw ang malapit Kay senior noon. Palagi kang nagtutungo sa kanyang Silid upang manghingi ng librong babasahin. At Isa pa Hindi ko na nakikita ang librong ibinigay ko sayo Miss Marife?" Sabi ni Ruel habang ginigisa nya ang impostor. Tyempo namang dumating ang impostor ni Mia. "Ruel? Wag ka ngang masyadong matanong! Tandaan mo! Kasalanan mo Kung bakit kami nawala! Hindi mo kami binantayan sa park" Sabi ng impostor na Mia. Nang marinig iyon ni Ruel ay napatawa ang tapat na butler ni Senior Ignacio. "Seryuso? Hindi ko kayo binantayan sa park? Sa mga kwento nyo palang at galaw nyo? Halatang Hindi kayo ang mga anak ng aking dating amo." Sabi ni Ruel sabay talikud sa dalawa. Ngunit bago sya umalis ay may sinabi pa ito sa dalawa. "Tandaan nyo, walang sekreto ang mabubunyag. Katulad din kayo ng kastilyong ito! Maraming Sekreto!" Sabi nya. Habang sa Emerald Company naman.. Nagulat si Marichu sa kanyang nakita sa status ng kompanya. "Hindi ito maari! Ang laki ng nawawalang pera ng Emerald Company." Sabi ni Marichu habang nakatitig sa laptop. Sa likuran naman nya ay Isa sa mga kasama nya sa Team Davi. Na si Kelly. "Hindi nagkakamali ang aking mga nasiyasat Marichu. Hinack ko pa ang system ng emerald company para Makita Ang real status ng kompanya ni Senior Ignacio. Mukhang fake lang ang pinapasang report ni Madam Argelie saatin." Sabi ni Kelly. "Siguradong matutuwa si Davi nito. Kaso, Kelly kelangan pa nating magkalap ng mga ibendensya Laban Kay madam Argelie. Unang misyon Kelly, pabagsakin si Madam Argelie sa Board. At kapag naapalis natin sya. Siguradong si Madam Davilinda na ang magmamay-ari ng kompanyang ito." Sabi ni Marichu. "Wag kang mag aalala Marichu. Maghahanap pa ako ng mga ibendensya Laban Kay madam Argelie." Ngiting Sabi ng babae. Samantala sa bahay ni Aling Coring. Naghanda ng munting salo-salo sina Marife at Mia at pinagtago muna nila si Marlyn. "Narito na si Ate Davi." Sabi ni Marife. "Saan?" Ngiting tugon ni Mia. Nang tingnan ni Aling Coring ang labas ng bahay ay Wala silang nakitang kotse na nakaparada o taong dumating. "Wala naman?" Sabi ni Aling Coring. "Nararamdaman ko si Ate Davi."sambit ni Marife. Nagulat man Sina Aling Coring at Mia sa mga sinabi ni Marife ay binalewala nlang nila ito. Hanggang sa may kotse ang pumarada sa harap ng bahay ni Aling Coring. Biglang nag bukas ang pintuan ng kotse at lumabas si Davilinda na nagmamadali itong pumasok sa Loob ng bahay ni Aling coring. Nang makita nila si Davi ay niyakap sya ng kanyang dalawang kapatid. Sabay sabing. "Kamusta kayo dito? Ngayon lang ako nakapunta ulit. Delikado kasi kapag nasundan ako ni Tita Argelie" Paliwanag nya. "Ganun ba. Hayaan muna. Kumain ka muna." Sabi ni Aling coring.  Lumapit si Mia Kay Davi sabay sabing. "May surpresa kami sayo." "Surpresa? Para saakin? Di ko Naman kaarawan." Sabi ni Davilinda. "Lalagyan ka muna namin ng blind fold ate. Sandali!" Sabi ni Marife habang nilalagyan ng piring sa mata si Davi. Agad naman tinawag ni Aling Coring si Marlyn na nagtatago lang sa maliit na silid. Pinaharap nya ito kay Davilinda. "Tapos na ba.?" Tanong ni Davilinda. "Sge ate pwde mo nang tanggalin!" Sabi ni Mia. Nang tanggalin ni Davilinda ang piring sa kanyang mata. Ay nagulat sya sakanyang nakita. Biglang sumikip Ang kanyang dibdib at tumulo ang kanyang mga luha. "Ma-Marlyn? Ikaw na ba yan?"  Nauutal na Sabi ni Davilinda. Ngumiti si Marlyn at niyakap Ang kapatid sabay sabing. "Anong Marlyn? Ate Marlyn! Hindi ka padin nagbabago. " Naiiyak na Sabi ni Marlyn. Hanggang sa di niya mapigilan ang umiyak . "Sorry Hindi ko kayo na protektahan Kay Tita Argelie. Kung Alam ko lang ang totoo nyang ugali!" Sabi ni Marlyn habang yakap nya Ang kanyang tatlong kapatid. Umiiyak Naman si Aling Coring sa kanyang nasaksihan. "Ang mga tagapagmana ni Senior Ignacio ay muli nang nabuo." Sabi nya sabay punas ng kanyang mga luha. Wala namang inaksyang oras si Davilinda at Pinaliwanag nya sa kanyang kapatid ang mga nanyayari sa emerald castle.  "Hayup talaga ang babaeng yan. Kelangan nating mahanap si Atty Almie. Dahil nasakanya Ang totoong dokomento para mabawi natin Ang emerald castle." Sabi ni Marlyn. "Matagal nang nawawala si Atty. Sinubukan ko syang hanapin sa kanyang bahay at probinsya ngunit ni Isa sakanyang pamilya ay Walang nalalaman Kung nasaan nag tatago si Atty." Malungkot na Sabi ni Davilinda sakanyang kapatid.  "Kung ganun? Tutulong ako sa misyon mo Davi. Hindi pwdeng maupo nalang ako dito. Ako Ang nakakatandang kapatid kaya dapat ako ang gumagawa ng paraan."Sabi ni Marlyn. "Ate ako na Ang bahala. Sguro mas mabuti pang ikaw nalang mag hanap Kay atty? Lahat nggalaw ko ay may mata sa opsina. Magiging panatag din ako ate if ligtas ka. Minsan ka na ding pinagbantaan ni Tita Argelie." Sambit ni Davilinda "Kung ganun kami na Ang maghahanap sakanya!" Sabi ni Marlyn. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD