"SI MARIFE AT SOFIA"
ANG NAKARAAN,
Pinuntahan na nina Mia at Aling Coring ang kumbento kung saan nakatira ang mga madre.
At si Marife naman ay natuklasan nyang nasa underground ng Emerald Castle si Atty Almie.
"Atty Almie? Ikaw ba yan?" Tanong nya sa babaeng nakaupo sa isang maliit na silya at nakagapos ang mga kamay at paa.
KARUGTUNG,
Sa Underground ng Emerald Castle kung saan nakita ni Marife si Atty Almie.
"Atty Almie? Ikaw ba yan?" Tanong nya sa babae.
"S-sino ka?" Nauutal na tanong ng babae.
"Ako ito si Mar---." Pakilala nya ng biglang may narinig syang papunta sa kinalalagyan ni Atty Almie.
"Marife magtago ka!" Sabi ng isang nilalang na nagtatago sa isang madilim na sulok at sabay hila sakanya.
"Sofia ano ba?" Reklamo nya ng biglang maging isang usok ang nilalang at pumasok ito sa kanyang bibig.
Samantala sina Argelie at Jeanrio pala ang patungo kay Atty Almie.
"Kamusta kana dito? Wag ka nang magmatigas pa atty! Patay na ang amo mo!" Sambit ni Argelie.
"At isa pa atty, Hindi ka mabibigyan ng Loyalty award ni Ignacio. Ano ba kasi pinaglalaban mo?" Tanong ni Jeanrio.
"Teka nasaan Ang mga nagbabantay dito?" Sigaw ni Argelie.
"Brandon, Lucas! Nasaan kayo! Mga hayop kayo. Binabayaran ko kayo upang magbantay bakit Wala kayo dito?" Sigaw ni Jeanrio.
Ilang sandali pa ay nagmamadaling tumakbo papunta sakanila ang dalawang lalaki at tila kakagising lang ng dalawa.
"Nahihiya naman ako sa inyo? Baka naiisturbo ba namin kayo sa pagtulog nyo?" Sabi ni Argelie sabay batok sa Dalawa.
"Hindi po madame. Sa totoo lang po. Kumakain kami ni Lucas kanina. Pero bigla nalang kaming nakaramdam ng pagkaantok." Sabi paliwanag ni Brandon.
"Napakatamad ninyo! Kumakain kayo tapos natulog kayo? Jusko maryusep!" Galit na sabi ni Argelie.
"Totoo po yun Madam. Ang huling naalala ko may tumatawang bata. Madam may multo ba dito?" Tanong ni Lucas.
"Anong multo pinagsasabi nyo? Ilang taon na na kayong nagbabantay kay Atty Balano. Ngayon pa kayo natakot sa multo? Mga lalaki ba talaga kayo?" Sigaw ni Argelie sa dalawa..
"Madam parang Alam ko kung sino ang may gawa ng kababalaghan nayan!" Sabi ni Jeanrio.
"Sino?" Tanong ni Argelie. Sasagot na Sana si Jeanrio nang biglang sumabat si Atty Almie.
"Baka minumulto na kayo ni Senior Ignacio. Kung sya man yung nagpaparamdam. Sana Hindi kayo patulugin sa gabi." Natatawag Sabi ni Almie.
"Hindi si Ignacio. Kundi ang ispiritu ng Spear of Wishes. Kilalang-kilala ko sya." Sabi ni Jeanrio at iginala nya ang kanyang mata sa paligid.
Habang si Marife naman ay kinakabahan na baka siya ay mahuli ng kanyang tiyahin.
"Sandali wag kang matatakot Marife. Kaya nating makatakas dito ng hindi nila tayo nakikita." Sabi ng isang boses na nasakanyang isipan.
"Pap-p..." Sasagot na Sana si Marife nang bigla syang pinigilan ni Sofia.
"Wag kang mag sasalita. Maari mo akong makausap gamit ang iyong isipan. Pinatulog ko ang dalawang bantay ni Atty kanina habang Wala ako sa katawan mo. At mag-iingat ka sa babaeng kasama ng tiyahin mo. Kung hindi ako nagkakamali sya ang aking kambal ispiritu na punong-puno nang pagkaganid sa kapangyarihan at kayamanan. Marahil sya din ang naguutos sa iyong tiyahin na gumawa ng kasalanan." Sabi ni Sofia.
"Kung ganun sofia. Papano tayo makakaalis dito?" Tanong ni Marife.
"Akong bahala Basta mag tiwala ka lang saakin." Sabi ng boses at unti-unting naging kulay berde ang mga mata ni Marife.
Samantala sa Emerald Company...
Papalabas na Sana ng building si Davilinda ng bigla syang harangan ng isang babae.
"Excuse me?" Sabi nya sa babae.
"Hi I'm Davilinda Emerald. If I'm not mistaken? You are Davi Sanchez right?" Tanong ng babaeng nagpapanggap na Davilinda.
"Ang kapal confident pa syang gamitin ang pangalan ko!" Sabi nya sa kanyang isipan at ngumiti ito sa impostor na Davilinda.
"Yes ako nga? And why?" Tanong nya sa babae.
"Your pretty naman. But gusto ko lang sabihin na. Stay away from my boyfriend!" Sabi ng impostor na Davilinda.
"Oh? Sino pala ang nobyo mo?" Tanong ni Davilinda.
"Si Mr. Edward Sanders. Ayukong Makita kang umaaligid sa boyfriend ko. Matagal kaming hindi nagkita. But now kukunin ko ang dapat na saakin." Sabi ng impostor na Davilinda.
"Alam mo nakakatawa ka? Ang boyfriend mo ang lumalapit saakin. And regarding sa matagal kayong Hindi nagkita. Wala akong pakialam? First of all Hindi Kita kilala and second? I don't understand. what do you mean by kukunin mo ang dapat na sayo? May inagaw ba ako sayo? Sa pagkakatanda ko, Wala! And are you sure na may makukuha ka saakin? Nakakatawa ka Miss Emerald." Natatawang Sabi ni Davilinda.
Habang Ang impostor na Davilinda ay namumutla ito sa hiya dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao.
"Your barking at the wrong tree." Sabi ni Davilinda sabay flip ng kanyang buhok at naglakad ito palayo sa impostor na Davilinda.
Habang sa Kumbento...
Pagkabukas ni Marlyn ng kanyang pintuan ay bumulaga sa kanya si Sister Salome na may kasamang dalawang babae.
"Sino sila sister Salome?" Tanong nya sa madre.
Si Mia naman ay di nya mapigilan ang kanyang sarili na yakapin Ang kanyang nakakatandang kapatid.
"Ate Marlyn. Si Mia ito!" Sabi nya habang nakayakap kay Marlyn.
"Mi-Mia? I-ikaw na ba yaan? Nauutal na tanong nya habang nakayakap ang kanyang kapatid sa kanya.
"Oo ate. Ako to!" Sabi ni Mia at Ipinakita niya ang kanyang suot na kwentas.
"Naalala mo ate? Ito yung ibinigay ko saakin noong kaarawan ko sa Orphanage. Sabi mo pa noon sa mama mo to. Ibinigay mo saakin to." Umiiyak na Sabi ni Mia.
Nang makita ni Marlyn ang kwentas na suot ni Mia ay tumulo ang kanyang mga luha ng di na namamalayan.
"Ikaw nga Mia! Patawarin nyo ako napabayaan ko kayo!. Sorry!" Umiiyak na Sabi ni Marlyn sa kapatid.
Sina Sister Salome Naman at Aling Coring ay nakatingin sa dalawa at naiiyak na din.
"Masaya ako para kay Marlyn." Naiiyak na Sabi ni Sister Salome.
Balik sa Emerald Castle..
Ligtas na nakatakas si Marife sa tulong ng kakayahan ni Sofia.
"Ano young master? Nakita mo ba Kung sino ang nadoon sa underground?" Tanong ni Ruel Kay Marife.
"Oo Ruel. Si Atty Almie. Kelangan ito malaman ni Ate Mia at Davilinda." Sabi ni Marife.
"Pero Young master. Papano Kung magtanong sila. Sasabihin mo ba sakanila na hawak mo si Sofia?" Sabi ni Ruel.
"Oo nga naman Marife. Hindi pa natin nahuhuli Kung sino ang nilalang na pumatay sa tatay mo!" Sabi ni Sofia.
"Ako na ang magsasabi Kay Davilinda. Pag nakabisita sya ulit dito. Sa ngayon Young master. Bumalik muna kayo ni Sofia sa Santo Ignacio. " Sabi ni Ruel habang nakatitig sa mukha ni Marife na ang kanang mata ay kulay berde.
"Tama si Ruel Marife. Kelangan nating bumalik ng bahay. At baka hanapin tayo ni Aling coring. Hindi ko sila maramdam dito. Dahil malayo tayo sa Santo Ignacio." Sabi ni Sofia.
"Sige magpapaalam nako Ruel." Sabi ni Marife at biglang may bumusina.
"Sino yun Ruel?" Tanong ni Marife.
"Young Master narito na Ang mga impostor. Sila ang pinakilala ni Madam Argelie sa tao upang takpan ang pagkawala nyo. Magmadali kayo young master umalis na kayo!" Sabi ni Ruel at nagmamadali itong umalis papuntang gate. Habang si Marife ay nagtatago sa matatas na halaman sa hardin.
"Bat ang tagal mong buksan Ang pintuan Ruel?" Sigaw nang isang matangkad na babae.
"Marahil sya ang nagpapanggap na Davilinda.!" Sabi ni Sofia.
At kita naman ni Marife si Ruel na humingi ng tawad. Ngunit sinampal ito nang babae.
"Ang kakapal nila. Babawiin namin ang nararapat na saamin!" Galit na Sabi ni Marife habang nakayukom Ang kanyang mga palad.
Itutuloy...