"TEAM DAVI"
ANG NAKARAAN,
Sino kaya ang nilalang na kausap ni Marife. At ano kaya ang kaugnayan niya sa Emerald Castle?
Samantala nasaan na kaya si Atty Almie?
ANG KARUGTUNG,
Sa kumbento...
"May imumungkahi ako sayo Marlyn, para mabawi mo ang Emerald Castle at mga ari-arian nyo. Kelangan mo ng taong may kaalaman sa batas!" Sabi ni Sister Salome habang nagluluto kasama si Marlyn.
"Tama ka Sister Salome, at Alam ko kung sinong makakatulong saakin." Sabi ni Marlyn.
Samantala sa underground ng Emerald Castle..
"Atty? Kamusta kana?" Sabi ni Argelie habang kinakausap ang babaeng nakaupo sa silyang maliit at nakagapos ang mga kamay nito.
Nang marinig ng babae ang boses nya, ay dahang-dahan itong iniangat ang ulo at sabay sabing...
"Magbabayad ka sa ginawa mo! Isinusumpa kita!" Sigaw ng babae.
"Whatever, pasalamat ka hindi mo naranasang mabaril at patayin ng Killer sa loob ng kwarto. Oops? I forgot muntik ka na palang patayin ni Jeanrio." Pang-aasar na Sabi ni Argelie.
"Mga halimaw kayo!" Sigaw ulit ng babae at dahan-dahan namang lumapit sakanya si Jeanrio at sa isang iglap ay nagbago ang anyo nito. Humaba ang mga pangil at naging kulay pula ang mga Mata nito.
Na syang naging dahilan upang masindak ang babae.
"Tama na yan!" Saway ni Argelie na agad namang sinunod ni Jeanrio. Ibinalik nya ang kanyang itsura sa dati.
"Atty Almie? My request is so simple. All you need to do is to signed this paper para tuluyan nang mailipat sakin ang mga kayaman ng mga Emerald." Sabi ni Argelie.
"Over my dead body! Hindi ko yan pepermahan! Patayin nyo na lang ako." Sabi ni Atty Almie. Na naging madungis na ito dahil sa ilang taong pagkakakulong sa underground ng Emerald Castle.
"Hindi natin sya pwdeng patayin Argelie, kelangan nating makuha ang last will ni Ignacio. Kahit di nya permahan ang mga hawak kung dokomento." Sabi ni Jeanrio.
"Alam ko! Pwes patuloy syang pahirapan!" Sabi ni Argelie na agad namang kumuha ang kanyang mga tauhan ng isang latigo at iniabot ito sakanya.
"Bakit nyo inaabot sakin to? Kayo nang gumawa! Mga gong gong!" Sigaw ni Argelie.
"Madame, Ito na po yung buntot pagi na inutus nyo saamin. Hindi na po Yan yung latigo na gawa sa plastik. Baka gusto nyo pong subukan?" Sabi ng lalaki.
"Talaga ba? Sige!" Sabi ni Argelie habang mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa latigo.
"Kung magmamatigas ka Atty. Ay hindi Tayo aasenso!" Sigaw ni Argelie sabay hampas ng latigo sa balikat ni Almie. Pagkadampi ng latigo ay agad nakaroon ng pasa. Hanggang sa nagkasugat ito dahil sa paulit-ulit na paghampas ng latigo sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Tanging impit dahil sa Sakit ang maririnig mo Kay Almie nang sandaling hampasin sya ng Latigo.
Habang sa Emerald Company...
Kausap ni Davilinda si Marichu at may nabubuo na silang plano para kay Argelie.
"Pinatay nila ang aking mga magulang, kitang-kita ko Kung Sino Ang bumaril sakanila. At walang iba kundi ang babaeng yun!" Galit na Sabi ni Marichu.
"Tahan na Marichu. Kung gusto mong makaganti sa kanya. Hindi natin kakayaning dalawa si Argelie. Ang gusto maghanap ka nang mga taong inagrabyado ni Argelie. Magbubuo tayo ng isang grupo para sabay sabay nating pabagsakin ang babaeng Yan!" Naiiyak na Sabi ni Davilinda.
"May kilala na ako Miss Davi, at papunta na sila ngayon dito." Sabi ni Marichu.
"Magaling, pagbabayaran ng babaeng yan ang kanyang mga kasalanan." Galit na Sabi ni Davilinda.
Samantala sa Santo Ignacio. Habang papauwi na Sina Aling Coring at Mia sakay ang isang trisikel. May nahagip na isang pamilyar na mukha ang babae. At agad niya itong tinitigan ng maagi.
"Sandali lang kuya ihinto nya na muna. Sandali!" Sabi ni Mia sa driver.
"Bakit Mia? May naiwan kaba sa Palengke?" Tanong ni Aling Coring.
"Si Ate Marlyn ba yun?" Tanong nya habang nakatingin sa babae na may kasamang dalawang madre.
"Nasaan?" Tanong Naman ni Aling coring.
Nang lingunin ito ng babae ay tyempo namang nakaalis na ang sasakyan na tinuturo ni Mia.
"Hindi ako maaring magkamali Aling coring. Si Ate Marlyn talaga yun.!" Sabi ni Mia.
"Kung Hindi ako nagkakamali Mia. Sina Sister Salome at Agnes ang mga yun." Sabi ni Aling Coring.
"Kilala mo sila?" Tanong ni Mia.
"Oo nasa isang kumbento sila. Ang Santo Ignacio. Malapit lang sila saating Kubo." Sabi ni Aling Coring.
"Talaga puntahan natin. Gusto ko lang makasiguro kung si Ate ba talaga yun." Sabi ni Mia.
"Sige pero kelangan muna nating iuwi ang mga pinamili natin. Pagkatapos nyan ay magtutungo tayo doon sa kumbento." Sabi ni Aling Coring.
At tumango lang si Mia bilang pagsang-ayon.
Balik naman kina Davilinda At Marichu..
Pinakilala ni Marichu ang kanyang mga kasama na gustong gumanti kay Argelie.
"Pero guys, hindi tayo mamamatay tao! Gantihan natin sila sa paraan na legal. " Sabi ni Davilinda.
"Naiintindihan namin Miss Davi. So anong una nating Plano?" Sabi ni Marichu.
"Simple lang, pabagsakin si Argelie Emerald." Ngiting Sabi ni Davilinda.
At nagkatinginan naman ang kanyang mga kasama nang marinig ito.
At sa underground ng Emerald Castle...
"Lord ikaw na ang bahala saakin. Sana iligtas mo ang mga anak ni Senior Ignacio." Umiiyak na Sabi ni Atty Almie.
Itutuloy....