Chapter 31 - No way

1053 Words
Lily's Pov "Don't ever dare to touch me" Sinubukan niyang magpumiglas pero ibinuhos ko ang lakas ko para di siya makawala. Matalim din ang kaniyang mga tingin sa'kin, alam kong maganda ang kaniyang mga mata ngunit wala akong pakielam dito. Mas diniin ko pa yung pagkakasandal sa kaniya, " SABIHIN MO SAKIN, ANO ANG RASON NIYO PARA GAWIN ANG LAHAT NG ITO?" sigaw ko at tinignan siya ng matalim. Napatigil siya sa pagpupumiglas at binigyan niya ako ng nakaasar na ngiti dahilan para mas lalo akong manggigil sa kaniya. "What are you talking about? I don't even know what are you---" "STOP ACTING LIKE A CLUELESS, YOU ARE AN EVIL DREAMER" sabi ko at pinagdiinan ko talaga ang dalawang salita na 'Evil Dreamer'. Mas lalong nanilim ang paningin ko sa pagmumukha niya, tila umakyat lahat ng dugo ko dahil tinatawanan niya lang ako na parang tanga. Hindi ko namalayan sinakal ko siya ng mahigpit at muli siyang nagpumiglas. Himala, he's not strong like how Nef described him. "LILY! DON'T!" Narinig kong malakas na tawag saakin ni Mr. Peligro dahilan para madistract ako sa ginagawa ko. Napalingon ako sa kanila at tumatakbo papalapit saamin. Narinig kong napaubo yung lalaki "I will never let myself be caught for those weak like you" sabi ng lalaki at nagkaroon ng pagkakataon para tuhudan niya ako sa tiyan dahilan para mabitawan ko siya at muling tumakbo. "BUMALIK KA DITO" sigaw ko. Napahawak ako sa tiyan ko, bigla na lang ako nakaramdam na hirap sa paghinga. Napasandal ako sa pader. What the heck, he managed to escape again. What am I so damn weak? Napansin ko na napatigil si Mr. Peligro sa pagtakbo at nag-aalalang tumingin saakin. He was about to ask me but I cutted him off immediately. "Don't worry about me, please hurry po, habulin niyo siya hangga't hindi pa siya nakakatakas." sabi ko at sinenyasan ko rin yung sila na mauna na. Hinabol ko yung hininga ko, for the second time I experienced this kind of feeling and it's freakin' sucks. Nasa kamay ko na siya kanina, hawak ko na pero nakawala pa rin. Damn. Maya maya may mga mabibilis na yapak akong narinig, nakita kong tumatakbo si Ian, Nef, and Vin dito sa hallway. Napatigil sila nang mapansin ako, "Lily, what happened to you? Nasaan na sila? Nahabol na ba?" nagmamadaling tanong ni Vin. "Nakita ko na lumiko sila, let's go" sabi ko at mabilis na muling tumakbo nang mahismasmasan ako mula sa pagkakasipa ng lalaki saakin. Mga matatangkad ang mga lalaki ito, malalaki ang mga biyas kaya malalaki din ang bawat hakbang nila pero nagawa ko pa ring makipagsabayan. Buti na lang talaga mahilig ako maglaro dati ng habulan kasama yung mga lalaki kong kaibigan no'ng bata. "Ayun sila!" sabi ni nef, papaakyat sila ng hagdan ngayon. Unfortunately, Hindi pa rin nila nahahabol, mukhang natrain itong lalaki na ito masyado sa mga situation na ganito. He is really prepared for this. Umakyat kami ng mabilis na hagdan. Nasa 12th floor na kami ngayon ng first building. Anong naisip siya bakit dito niya naisipang tumakbo? Ang alam ko hanggang 12th floor lang itong building... So it means... "Wala ka ng kawala, sumuko ka na." narinig ko sabi ni Mr. Van. Hinihingal kaming tumigil apat, pagakyat namin dito bumungad saamin ang madilim na kalangitan. Nasa pinakatuktok na kami ng building, sa rooftop. Inabot na kami ng gabi sa paghahabol sa kaniya. "Don't come near me, or else I will jump here" the boy said, umakayat siya sa rail ng rooftop at tumayo. Nagpanic bigla kami dahil sa ginawa niya. "Please, bumaba ka d'yan Miko. Hindi ka naman namin sasaktan, we just want you to say about those evil dreamers" sabi ni Ms. Martinez, trying to persuade him. "All we need is a peaceful life, gusto lang namin matapos ang gulo na ito. Ang dami ng naaapektuhan, ang dami ng nasasawi so please..." sabi naman ni Mr. Van. "Natitiis ba ng sikmura mo na pumatay ng tao? Isa lang ang kondisyon namin, tell where those evil dreamers hides. After that, papakawalan ka na namin" sabi naman ni Ian. Ngumisi lang siya saamin, tumawa siya ng malakas. Pinanood lang namin siyang ganoon, para siyang nababaliw umeecho ang bawat pagtawa niya. Maya-maya nagbago yung emosyon niya. May mga luha na tumutulo sa kaniyang mga mata. "I'd rather jump here than say any words against to those evil dreamers. 'Pag sinabi ko sa inyo ito, they will also kill me. So I had no choice" sigaw niya, para siyang sinasapian ng demonyo ngayon. Tumatawa ulit siya habang may tumutulong luha sa mata. Tila nawala siya sa sarili sa mga oras na ito. Mukhang mahihirapan kami na kumbinsihin siya. "Bakit hindi mo na lang sabihin saamin kung ano ang nalalaman mo? at after that, pwede ka ng tu---" sarkastikong saad ni Mr. Delubyo na sinuway agad namin. Ano ba itong pinagsasabi niya? "What are you talking about Mr. Delubyo, you're not helping," bulong sa kanya ni Ms. Martinez. "ANO AKO TANGA PARA GAWIN YANG SINABI MO?" sarkastikong sabi din nito. "Miko, please. We are willing to risk our lives to you, we will going to protect you. You can be our allies too kaya sabihin mo na at bumaba ka na d'yan, " sabi muli ni Ms. Martinez. "Hindi niyo alam ang sinasabi niyo, they are too strong at hinding-hindi niyo sila matatalo. Kahit pagsama-samahin niyo pa ang lakas niyo" Biglang umihip ang malakas na hangin. Pinanood lang namin ang bawat paghalakhak niya, ano ang gagawin namin para maconvince ito? "What do you want us to do? to convince you?" tanong muli ni Mr. Van pero umiling-iling lang yung lalaki sa kaniya. "Nagsasayang lang kayo ng oras, wanna some advice? Give up and accept that you are all defeated." "MIKOOOO! NOOOOO!" Sabay-sabay kaming tumakbo ng bigla siyang tumalon sa building, sinubukan naming kunin yung kamay niya ngunit huli na. Halos manghina ako nang makita ko siya. Nasa ibaba siya ngayon at nagkalat ang dugo niya sa lapag. Nanginig bigla yung buong katawan ko, this is my first time seeing like this, in reality. It will probably stuck in my mind. In a snap of a second, nagkumpulan ang mga tao sa daan kung saan siya nahulog. Napuno ng takot at sigawan sa baba ng building. "T-this can't be happening..." I said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD