TWO: First Kiss

2251 Words
Perrie.  Sa dami ng makakalimutan at maiiwan sa mga sandaling iyon ay talagang ‘yong pinakamahalagang bagay pa sa akin? Oo, mahalaga ‘yong cellphone ko kahit second hand lang iyon dahil hindi na ako makakabili sa ikalawang pagkakataon. Wala na akong pera pambili kapag nawala pa ‘yon! Importante rin ang napkin na ‘yon dahil ayoko namang magkalat ng karimlan sa hotel room namin at baka mapatapon ako sa labas ng mga kasamahan ko. At saka ang mahal-mahal kaya ng bili ko ro’n! Nagpalinga-linga pa ako sa kaliwa at kanan ko bago walang ingay na bumalik sa pinanggalingan ko kanina. “Sandali, nasaan na ‘yon? Dito lang naman ako nanggaling, ah?” bulong ko sa sarili habang nagpapaikot-ikot malapit sa fire exit. Mabuti na nga lang dahil wala na ‘yong dalawang nag-iinit na mga pusa, este tao pala. Malay ko bang makakakita pala ako ng live action? Mabuti sana kung suntukan e, okay pa sa akin ‘yon pero salpukan ng mga kalamnan ang mapapanood ko! Diyos ko! Sa tanang buhay ko ay hindi ko naman pinangarap na makapanood ng ganoon! Hindi ako kailanman tinamaan ng kuryosidad kahit na ang mga kasabayan ko noong nag-aaral ako ng college ay puro iyon ang bukam-bibig. Noong una ay nabibigla pa nga ako kapag nag-uusap sila tungkol sa kung gaano kalaki ang hinaharap noong babae at kung gaano raw ito kagaling umibabaw. Hanggang sa nakasanayan ko na lang na ganoon mag-usap ang mga taga-Maynila dahil dito naman ako nagkolehiyo noon sapagkat wala sa probinsya namin. Kapag makakarinig ay pasok sa tainga, labas sa kabila na lang ang ginagawa ko. Kahit anong linga ko sa paligid ay hindi ko makita ang hinahanap. Unti-unti na akong kinakabahan dahil sa magkahalong dismaya at panghihinayang. Walang bakas ng naiwang gamit ko. Pero imposibleng mawala iyon nang walang kumukuha. Balak ko nang tumigil dahil hindi ko naman ito makikita kung mayroong nagtago—hindi sa nagbibintang ako pero kung walang kumuha ay nandito pa sana ‘yon, kaya tumalikod na ako at akmang aalis na lang nang sa pagharap ko ay hindi na lang ako ang nandito sa hallway. “Hala ka!” Naghahalo ang gulat at kaba sa aking dibdib nang makita kung sino ang dumating. Namimilog ang mga matang napaatras ako habang nakatingin sa lalaking naka-ball cap. Kung hindi ako nagkakamali ay siya iyong lalaking may mahaba at malaking sanda—teka nga, bakit ba ‘yon talaga ang naisip ko na gamiting pang-describe sa lalaking ito? “Are you searching for this?” Itinaas niya ang pamilyar na brown paper bag at ang cellphone ko na kanina ko pang hinahanap. Napatikhim ako. “A-akin na ‘yan!” Humakbang ako palapit sa kanya pero bago ko pa maabot ang mga gamit ko ay umatras na siya at agad niyang itinaas ang kanyang kamay. “Akin na sabi e!” Masama ang loob na tiningnan ko siya, pero hindi ko pa halos maaninag ang kanyang mukha dahil nakababa ang kanyang sombrero at medyo madilim sa parte kung saan naroroon kami. Muli akong sumubok na kunin ang cellphone pero walang kahirap-hirap na nailalayo niya iyon sa akin. Bakit ba ayaw niyang ibigay? Akin naman ‘yon. Kailangan ko pang tumingkayad o hindi kaya tumalon, pero hindi ko rin naman halos maabot dahil ang tangkad ng lalaking ito. Tumatagaktak na ang pawis ko at noong nakaramdam ng pagod ay napapadyak na lang ako. “Ano ba?! Sa ‘yo ba ‘yan, ha?!” inis na bulyaw ko sa kanya. “Akin na nga!” Bumuntong-hininga na inilahad ko ang aking palad. Nagsisimula nang maubos ang pasensya ko. “Not too fast, kitten.” Bahagya akong natigilan nang marinig ang kanyang boses. Malalim ito. Buong-buo. Lalaking-lalaki. Dahil nakatingala ako sa lalaki ay bahagya kong nakita ang pag-angat ng sulok ng kanyang labi nang ngumisi siya. Bigla akong kinabahan nang magsimula siyang umabante, kasabay noon ay ang pag-atras ko naman. Hinabol ng mga mata ko ang kamay na may hawak ng mga gamit ko nang itago niya iyon sa likod niya. Pag-angat kong muli ng tingin sa kanya ay nagulat ako nang magtama ang mga mata namin. Sa gulat ko ay napalunok ako at napakurap ang mata. Pakiramdam ko ay nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan at hindi na alam ang sunod na gagawin. Ngayon ko lang napagtanto na kaming dalawa lang pala ang nandito, ang nasa isip ko lang kasi kanina ay makuha ang cellphone at ‘yong binili ko. Hindi ko agad naisip ‘yon… kaya nagpasya na akong umalis. “M-makaalis na nga lang! B-bahala ka na, k-kung ayaw mong ibigay! Tsk!” Dinaan ko na lang sa pagsusungit ang kabang nararamdaman. Akmang aalis na ako pero halos manlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong bahagyang umangat ang katawan ko. Nang magbaba ang tingin ko ay yakap na niya ang bewang ko at walang kahirap-hirap na hinila muli paatras hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa aking likod. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi agad nakahuma habang kumakabog ng malakas ang aking puso. Itinuon pa niya ang kaliwang kamay sa pader sa gilid ng aking ulo na tila ikinukulong ako. Ngayon ay kitang-kita ko ang itim na tinta na halos bumabalot sa kaliwang braso niya. Kailangan ko pang pigilan ang sarili para hindi iangat ang kamay at tusukin ang braso niya na humahapit sa manggas ng kamisetang suot. Siguradong sobrang tigas noon. Teka nga… bakit ba ‘yon ang iniisip ko?! Naipilig ko ang ulo sa mga ideyang hindi dapat pagkaabalahan. Tumikhim ako at pilit na tumayo nang tuwid. “A-ano bang kailangan m-mo? Ibigay mo na lang sa akin ‘yong mga g-gamit ko p-para makaalis na ako!” Sinubukan kong patatagin ang boses pero natatalo pa rin at halata ang panginginig nito. “Did you know that… you interrupted something very important, kitten?” Ngumisi siya pero agad ding nagseryoso kaya mas lalo akong kinabahan. Namimilog ang mga mata ko. Ang ibig ba niyang sabihin ay ‘yong… Hindi ko naman sinasadya! “W-wala akong alam sa sinasabi mo at l-lumayo ka nga!” Itinulak ko siya pero pakiramdam ko ay nakuryente ang kamay ko nang hawakan ko ang kanyang dibdib. Pero mas naramdaman ko ang tila kuryenteng dumadaloy pababa sa aking braso at buong katawan nang hawakan niya ang kamay ko at iangat iyon sa itaas ng ulo ko. Hirap na hirap akong huminga nang mas inilapit pa niya ang sarili sa akin. Kulang na lang ng halos dalawang pulgada ang espasyo sa pagitan naming dalawa. Ngayon ay mas kitang-kita rin ang pagkakalayo ng aming height. Pakiramdam ko ay may toreng nakatayo sa harap ko. “Do you want me to make you remember it, hmm, kitten?” Napasinghap ako nang ang pulgadang natitira sa pagitan namin ay tuluyang naglaho. Ang katawan niya ay halos yumakap sa katawan ko. Pigil ko rin ang hininga nang maramdaman ang matigas na bagay na tumatama sa aking tiyan. Halos manigas na ang ulo at leeg ko para lang hindi tumingin sa ibaba dahil ayokong isipin kung ano ang bagay na iyon. Nakailang lunok ako ng laway. Biglang uminit ang paligid. Ramdam ko ang pamumuo ng pawis ko sa noo. “C-close ba tayo? L-lumayo ka nga!” Gamit ang isang kamay ay itinulak ko ulit siya ngunit walang kahirap-hirap niyang nahuli muli ang palapulsuhan ko at itinaas iyon. Walang kahirap-hirap na nagapos niya ang mga kamay ko gamit lang ang kaliwa niyang kamay. Ngunit bago pa mangyari iyon ay narinig ko rin na parang may nahulog sa ibaba. Bago ko pa tingnan kung ano iyon ay nahawakan na niya ang baba ko at inangat ang tingin ko para muling magtama ang aming mga mata. Sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay tila nawala ako sa huwisyo. Mayroong kung ano sa mga mata niya na makakalimutan mo ang dapat na sasabihin. Tila kumikinang ito. Hindi ko alam kung tama ba ang tingin ko na kulay green ang mata niya, o kulay gray? But one thing is for sure—he had beautiful pair of eyes. The kind that could get you lost in… and I think I did. “So what, kitten? Do you want me to remind you what happened a while ago?” Nawala lang ako sa iniisip nang muli siyang magsalita. Ngayon ay tila may nakaloloko nang ngisi sa kanyang mga labi. Paanong remind? ‘Wag mo sabihing—God, no! “Wala akong planong makipaglaro sa ‘yo, lalaki! Pakawalan mo ako!” I tried wiggling my hands but his grip was too tight. Para rin akong bulateng naglikot para makaalis mula sa pagkakahulagpos niya pero halos nakasiksik ang sarili niya sa akin. “Nagmamadali ako! Akin na ‘yong mga gamit ko! Kung ayaw mo ay sisigaw ako rito!” Pananakot ko pa sa kanya pero ako pa ang kinabahan nang ngumisi siya. “Stop, kitten!” Pinipigilan niya ako sa paglilikot pero hindi ako nakinig. Patuloy lang ako sa paghuhulagpos sa pagkakaipit niya sa akin. At teka nga, bakit ba kitten ang tawag niya sa akin? Sa ganda kong ‘to, mukha ba akong kuting?! Wala sana akong planong pakinggan siya pero nagulat na lang ako nang bigla niyang bitawan ang kamay ko. Akala ko ay tuluyan na niya akong pakakawalan nang mahigpit na hawakan niya ang aking bewang at halos ipinid pang lalo sa pader. “I’m having a hard on, kitten. Kung hindi ka titigil sa paglilikot mo, tayo ang magtutuloy nang ginagawa namin kanina.” Ramdam ko ang gigil sa bawat bigkas niya ng mga salita, pero hindi lang iyon dahil mas lalo kong naramdaman ang naghuhumindig na bagay na kanina pang tumutusok sa tiyan ko. Tila mas lalong lumaki iyon. Oh, God… Pagtingin ko sa kanya ay kita ko ang biglaang pagdilim ng kanyang mukha. Umiigting ang panga na tila hindi natutuwa. Pero ngayon ako nagkaroon ng pagkakataon na makita nang maayos ang kanyang mukha. Tama ako… berde nga ang kulay ng kanyang mga mata. His pair of green eyes were deep and could make you lost in thoughts once you stared long enough. It was paired with thick eyebrows and long eyelashes. Dinaig pa yata sa haba ang pilik-mata ko. At ang ilong niya… damn! Tila nagmamalaki sa sobrang tangos nito! There are some stubble beards that highlighted his perfect jawline. It looks so neat and it made him look matured and masculine. Mukhang hindi ko masisisi ang babae kanina kung bakit halos mag-enjoy siya sa pagluhod sa lalaking ito. He is good-looking! There is no doubt! This guy is… dangerously handsome! At teka nga, ano raw ang sabi niya? Bakit ba mas inuna ko pang suriin ang kabuuan ng lalaking ito? “Anong itutuloy?! Nababaliw ka na bang kumag ka?! Bastos ka, ah!” Napahiyaw ako, kahit na late na ang reaksyon ko. “No, kitten. I’m just h*rny,” walang kaabog-abog na saad niya. Napaawang ang aking labi, pero agad ding naitikom iyon. Hindi ko tuloy alam ang isasagot. Sobrang straightforward niya! Paano niya nagagawang sabihin iyon nang ganoon lang kadali? “H-hoy…” Halos isiksik ko ang ulo nang ilapit niya ang mukha sa akin. Halos maduling ako sa sobrang lapit niya. Amoy na amoy ko ang kanyang hininga. Naghahalo ang minty na amoy at ang sigarilyo. “You are too loud. It annoys me,” aniya sa mababang boses na nagpakunot ng noo ko. “Ako pa talaga?!” Siya pa ang naiinis sa akin dahil maingay ako? Samantalang kung ibinigay niya sa akin ang gamit ko ay tapos na kami kanina pa. “But your lips could be the payment for annoying me.” Kung may ilalaki pa ang mga mata ko ay siguro nandoon na ito sa estadong iyon. Ang mga mata niya ay nakatutok sa labi ko na siguradong nanginginig na ngayon. Napatingin din ako sa kanyang labi na tila mas mapula pa sa labi ko. I wonder how it tastes? Mali! Teka nga, saan ba nanggagaling ang mga ideyang ito?! Hindi pwedeng na-corrupt na agad ang utak ko sa nakitang k*halayan kanina?! “I want to ravish that lips of yours until it bleeds.” His lips formed into a thin line. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking puso. Kinakabahan ako... pero alam kong hindi sa takot, kung hindi sa antisipasyon. Oh God! This is wrong? “Ipapapulis kita kapag… kapag g-ginawa mo ‘yon!” My voice is trembling so as my hand when I put it on his shoulder. Nagsubok akong itulak siya kahit na sobrang tatag nang pagkakatayo niya sa harap ko pero natigilan din ako nang maramdaman ko ang palad niya sa likod ng aking ulo. Kasabay rin nito ay ang pagkabig ng batok ko palapit sa kanyang mukha hanggang sa isang iglap ay maramdaman kong may dumamping malambot sa aking labi. Tila nabalot ng ulap ang aking utak at nakalimutan kong mag-isip pansamantala. A rush of dopamine, oxytocin, and serotonin hits my system when our lips met. Pero sandali lang iyon dahil nang mag-sink in sa utak ko ang nangyayari ay mabilis na umigkas ang kamay ko para itulak siya, na parang ngayon lang bumalik ang lakas. I succeed on making him pulled away. Kasabay noon ay ang pag-igkas din ng palad ko at ang malakas na pag-alingawngaw nang lumagitik ang palad ko sa kanyang pisngi. “Bastos!” sigaw ko bago nagtatakbo paalis sa lugar na iyon nang hindi siya nililingon. That damn h*rny guy just got my first kiss! Nakakainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD