Patricia's POV Habang nanunuod si Kriz at Joanna ng tv sa labas ng kwarto, magisa lang ako dito at nakadapa sa kama habang kinukuting ting ang files na kinopya ko galling sa computer ni Brent. 'Loves' "Loves? Endearment ba nila 'yon? Corny corny naman ng endearment nila" bulong ko habang nags-scroll ng files. Ini-open ko muna ang mga pictures nila. May stolen ni Brent, merong magkaholding hands sila, nakangiti na tila wala nang bukas. Iyong ngiti ni Brent na dito abot langit, ngayon ngiting hindi na aabot sa sukdulan ng kanyang mata. You know what I mean. Hindi ganitong Brent ang nakikita ko ngayon. Mukhang ibang iba sya noong nabubuhay pa si Tricia. When she's with her, it's like she's his world. A world that he wants to protect, a world that makes him happy, a world that makes him sp

