"I don't want to dance. Madaming babae dyan, sila nalang Mr. Sandevelera." pagtanggi ko sa kanya at sumimsim ng wine. Wala akong pake kung mapahiya man siya. Kita kong umupo nalang ito at uminom ng tubig. Napatingin naman ako kay Zyco na seryoso lang nakatingin sa paligid. "Guys, di ba kayo sasayaw?" saad ni Kriz na kagagaling lang sa pagsayaw kasama si Tyron. Napatingin ako kay Zyco na tila walang pake sa nangyayari sa paligid nya. Masyadong seryoso ang taong ito. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at nagtatakang napatingin naman siya dito. Kita ko ang mga titig nina Kriz sa akin lalong lalo na si Zero. Hindi dahil sa gusto kong maisayaw ng isang ito kundi ang gusto ko lang makita nang malapitan ang pwesto ng mga espesyal na taong iyon. "Dance with me, Butler." Akala ko ay kukunin nya

