Sa pagkakataong ito, nahagip ng malalaking kamay ni Jerod ang braso ni Kriz at pinaikot ito. Nais nyang kumawala sa mga bisig nito pero di nya magawa. Mas hinigpitan pa ni Jerod ang pagpilipit sa braso nito at napadaing naman si Kriz sa sakit. Laking gulat ko sa paghugot ng baril ni Jerod mula sa likod nya. Bago pa man 'to maitutok sa kanya, pilit nitong kumawala sa mga kamay niya. Pero bago pa man ang muling pagsugod ni Kriz, sinipa sya ni Jerod sa bbandang tyan dahilan para tumalsik si Kriz. Napaubo ito nang may kasamang dugo. Pilit pang babangon si Kriz nang tapakan ni Jerod ang kamay nito at ipinutok ng padaplis doon ang unang bala ng baril. "AHHH!" napadaing si Kriz sa sakit. Agad akong napatayo at kinuha ang pana at palaso. Walang nakapansin sa akin dahil tutok na tutok sila sa dal

