Patricia's POV Isang madilim na lugar ang aking nakita. Tila isang kwarto na kung saan ay walang bintana at pinto. Nakaramdam ako ng matinding sakit sa aking puso at halos hindi makahinga. Ipinikit ko ang akin mga mata hanggang sa makarinig ako ng isang pamilyar na boses ng isang bata. "Are you ok?" Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko ang isang bata na nag tanggol sa akin sampung taon na ang nakalilipas. Tinitigan ko ito, hindi pa rin sya nagbabago. "O-oo." Isang malakas na ihip at malamig na hangin ang dumampi sa aking balat. Nagtataka akong napatingin sa paligid. Bakit nandito kami sa harap ng Drevillo University? Ramdam ko ang paghawak nito sa aking kamay at pumasok sa loob. Nakita ko ang mga nagpapatayang estudyante. Ang naggagandahang kapaligiran noon ay nawala at nabalu

