Patricia's POV Nakafocus lang sya pagmamaneho habang ako naman ay nakatingin lang sa paligid. Naging pamilyar sa akin ang daang tinatahak namin patungong Drevillo. Ito nga yung daan kung saan ako dinala ni Tyron. Mukhang liblib at malayo ang lugar kung saan ito nakatayo. Isa lang talaga sa nakakapagtaka e bakit ni-isang impormasyon ay wala akong makita sa internet? Ano yun? Hindi gumagawa ng blogs or eklabush articles ang mga estudyante doon? O baka naman gaya sa mga nababasa kong libro e 'once you enter, there's no turning back' thingy doon? Geez. Pansin ko namang napakatahimik ng isang 'to kaya ako na ang bumasag sa katahimikan. "Hoy . Malayo pa ba tayo?" di sya umimik ng mga ilang segundo. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nito. O namimiss nya lang yung baby motor chuchu nya? Ha

