Patricia's POV "Aray! Dahan dahan nga!" iritang sigaw ko kay Brent na ngayo'y nilalapatan ng gamot ang sugat ko dito sa Clinic. Ala-sais na din pala ng gabi. Mamaya pa namang alas-dose ang pagsasara ng dorm kaya ok lang na magpagabi ako sa ngayon. Pagkatapos nyang lagyan ng benda ang braso ko ay inis kong inilayo 'to sa kanya. Ang higpit magtali ng isang ito. Di naman sya galit e' no? Pinukulan ko sya ng masamang tingin at inilahad sa kanya muli ang braso ko. Napatigil sya sa pagsasalansan sa medicine kit at nakakunot-noong nakatingin sa braso ko. "Luwagan mo pa ng konti." Saad ko at ginawa naman nya ang sinabi ko. "Anong nangyari?" kalmadong tanong nya habang inaayos ang benda. I take a deep breath. "Nandidito lang ako sa clinic tapos ayun pagmulat ko nasa harapan ko na yung lalakin

