Hinila ko na sya paalis sa mga kabataang iyon at inirapan sila. Mas okay na 'yong alam nila. Ke bata bata pa yun agad mga nasa isip, puro kalandian. At ano? HA! Irereto pa sa ate nya? Ganoon na nga ang itsura paano pa kaya ang kapatid nya. Chix siguro, basa nga lang. Kita ko ang pagngisi nya habang nakatingin sa paligid. Di ko nalang 'to pinansin at tumungo sa mga ice cream. "Ate, dalawa nga pong Vanilla flavor." "Sa cup po ba o sa sweet cone?" "Sweetcone." Napatingin naman ako sa kanya at kita ko pa rin ang mga guhit nito sa labi. Humalukipkip ako at tinitigan sya. "Ngiti ngiti mo dyan?" pagsusungit ko "I just like it," saad nito habang nakatingin sa cone na nilalagyan ng ice cream. "Like what?" "Kapag nagseselos ka." "Excuse me. Hindi ako nagseselos" Nakangiti nyang tinanggap a

