Tahimik na kumakain si Eli, ilang araw na niyang iniisip kung sino ba yung family doctor nila Easton. Napapansin naman ng ginang ang pagiging tahimik ni Eli, nagaalala siya baka may nangyaring masama sa pinapasukan nitong kompanya. “Ayos ka lang ba Eli, ilang araw na kitang napapansin na laging tahimik. May problema ba sa kompanyang pinapasukan mo?” Nag-aalalang tanong niya sa dalaga, napatingin naman si Eli sa kanya. Ngumiti siya para hindi na ito mag-alala, meron nga siyang problema si Aubree lagi siyang pinagiinitan ng dalaga. Kahit anong iwas niya ay gumagawa pa rin ng paraan si Aubree para magkrus ang kanilang landas. “Okay lang po ako Manang wala ka dapat ipag-alala, marami lang trabaho nakakapagod pala.” Nakangiti niyang sagot hindi naman kumbinsido ang ginang sa pinapakita ng d

