•Felicity's Pov• Isang linggo na ang lumipas. Sa isang linggo na yon walang ibang ginawa si Easton kundi dumalaw. Nakakakilig naman pero walang ibang ginawa kundi mukbangin ako. Medyo okay na ang aking pakiramdam, kaya balik na agad ako sa trabaho baka tanggalin na niya ako bilang sekretarya. Inayos ko ang aking sarili nang tumunog yung elevator. "Magandang umaga Mr. Harrison, ngumiti ka naman dyan paano tayo aasenso sa buhay kung nakasimangot ka, smile sir sayang yang maputing ngipin hindi nakikita." Masiglang sabi ko sa kanya dahil seryoso na naman siya. Simula nung nagtrabaho ako dito, hindi ko na nakita ang mga ngiti niyang tulad nung nasa baguio kami. "Sa wakas Miss Murray pumasok ka na, ang lungkot dito kapag wala ka." Nakangiti namang sabi ni Mr. Flores sa dalaga. Para namang wa

