Labis ang tuwa ni Eli dahil nakita na niya yung lalaking hinahanap. "Ikaw ang mag-interview sa akin?" Masiglang tanong ng dalaga, hindi pa rin siya makapaniwala na dito niya makikita si Easton. "Hindi, ikaw na ang magiging bagong sekretarya ko." Seryosong sagot ng binata. Nagtaka naman si Eli, dahil bigla itong naging seryoso. "When it comes to work, I expect you to be fully focused on your tasks. You have a three-month training period, and it is crucial that I see improvement during this time. Unfortunately, if I do not witness any progress, I will have to make the difficult decision to terminate your employment. I hope you understand, Miss Murray." Seryosong tono ng pananalita niya sa dalaga kaya medyo kinabahan si Eli. Hindi niya inaasahan na matatakot pala ang binata. Para siyang na

