Kung magkakaroon ka ba ng pagkakataong takasan ang reyalidad, gagawin mo? Kung oo, bakit? Para saan? Siguro kung ako ang tatanungin, gagawin ko. Gagawin ko dahil pagod na ako, dahil ayaw ko nang maramdaman ang hampas ng reyalidad, ang sakit, ang lungkot, ang hirap. Kung magkakaroon ako ng pagkakataon ngayon, gagawin ko.
“We’re very sorry Ms. Mendoza, kailangan na talagang mag bawas ng empleyado ang kompanya—“
Agad kong pinutol ang sinasabi ni Ma’am Prixie, “Eh bakit ako? Bakit kailangan kasama ako? Ginawa ko naman ang lahat ha, tatlong taon ko din ginugol ang oras at pagod ko sa kompanyang ‘to, hindi pa ho ba sapat iyon?”
Napahingang malalim ni Ms. Prixie, bakit pa nga ba ako nagtatanong? Alam ko na rin naman ang sagot, alam ko na rin naman ang dahilan kung bakit ako kasama sa mga papaalisin na empleyado.
“Sa tingin mo Ms.Mendoza, hindi na lingid sa kaalaman mo kung bakit. Alam mo, na ang mga inaalis naming mga empleyado ay mga...” tumikhim muna siya bagong muling magsalita
“mga... hindi naman talaga kagaligan.”
Ramdam ko ang pagbagsak ng balikat ko, kahit alam ko na ang sagot, masakit paring tanggapin. Hindi ako ang magaling, hindi sapat ang kakayanan ko sa kompanyang ‘to o sa kahit saan pa man. Sa loob ng tatlong taon, alam kong ginagawa ko ang gusto ko, masaya ako pero hindi pala iyon sapat.
My mom texted me earlier na umuwi muna ako saamin dahil may sasabihin daw si kuya. Anong mukha ang ihaharap ko sakanila ngayon, sigurado akong madi- dissapoint ko na naman si Daddy.
At dahil wala akong choice, sumakay na ako nang kotse dala lahat ng gamit ko sa kompanyang iyon, bitbit pati sama ng loob. May condo ako kaya minsan lang ako umuwi saamin, kapag pinapa uwi ako o kapag may sasabihin si Daddy pero hindi ako umuuwi doon kapag gusto ko dahil kahit isang beses, hindi ko ginustong umuwi sa bahay na iyon.
Ilang oras pa ay nakarating na ako, medyo mabagal talaga akong mag drive dahil nag-isip pa ako ng sasabihin. “Anak, kanina kapa namin hinihintay”
Niyakap ako ni mommy, halatang miss na miss niya na ako. Well, miss ko na rin naman siya sadyang may dahilan ako kung bakit hindi ako bumibisita man lang sakanila. Pumunta na kami sa dining tablle, nandoon na si kuya at dad, masayang nagtatawanan pero nang makita na akong daddy ay bigla siyang sumimangot. Hays, what are you expecting self? Kala mo ba yayakap din siya sayo? Haha never.
Nag mano ako sakanya kahit parang wala siyang pakialam na nandito ang anak niya. I sat next to mom, nakita kong ngumiti saakin si kuya pero hindi ko siya pinansin. Lagi naman siyang gayan, mabait at sa sobrang bait nakakasit na.
“Okay, since you are all here sasabihin ko na ang big announcement” sabi ni kuya na todo ngiti.
Tuwang-tuwa naman sina daddy at mommy dahil mukhang magiging proud na naman sila, bago magsalita si kuya ay tinignan niya muna ako.
“I’m getting married!”
Lahat kami nagulat, wala kaming kaalam-alam na may girlfriend pala siya o kahit anong connection man lang sa mga babae. Alam naming lahat na hindi naging parte ng mga plano niya ang magka girlfriend pero ngayon binigla niya kami ng kasal?
“Paano? Sino?” tanong ni daddy na gulat din pero halata sakanya ang saya.
Nasa tamang edad na rin naman kasi si kuya, okay na ang trabaho niya at mukhang kaya niya nang mabuhay at magkaroon ng sariling pamilya.
“Actually, kilala niyo siya. She’s my bestfriend since highschool” mahinahon na sagot ni kuya
Napatakip naman si mommy ng bibig gamit ang kamay niya at maya-maya’y inalis din para magsalita “Si Hazel?”
Oo nga pala, may bestfriend si kuya mula highschool hanggang ngayon. Mabait si ate Hazel, minsan mas nakakasundo ko pa siya kesa sa sarili kong pamilya.
Nag explain pa si kuya kung paano, matagal niya na rin palang gusto si ate hazel, at halos eight months na silang may relasyon. Madami pang kinuwento si kuya at halatang tuwang-tuwa sina mommy at daddy.
Maya-maya pa ay nagulat ako nang magsalita si mommy, “Ikaw, Wendy? Kumusta ka anak?”
Natahimik sila, maging mga ngiti sa mga labi ni daddy ay nawala. Hindi ko alam ang isasagot, kumusta nga ba ako? Natagalan bago ako sumagot, “O-okay lang po”
Sarcasting namang tumawa si daddy sabay tingin ng diretso sakin, “Akala mo ba hindi ko malalaman?”
Lahat kami ay napatingin sakanya, anong alam niya?
“Napasama ka sa mga tinanggal na empleyado sa kompanyang pinagtatrabahuban mo, hindi ba?”
Si mommy at kuya ay halatang nabigla, madaming connection si daddy at sigurado akong doon niya na naman nakuha ang mga iyon. Hindi ba siya nagsasawang sumabaybayan ang pagbagsak ko?
“Yan ba ang napapala mo sa pangarap mo? Yan ba ang pinagmamalaki mo sa pagiging arkitekto? You’re such a dissapointment.”
Napayuko na lang ako, ramdam ko ang paghigpit ng kapit ko sa kutsa’t tinidor. Pakiradam ko ay sasabog ako, pakiramdam ko punong puno na ako. Ramdam ang tensyon sa pagitan namin ngayon, walang kahit isa man ang nagtangkang sumabat sa sinasabi ni daddy.
“Kung sinunod mo lang sana ang sinabi ko sayo, kung nagdoktor ka lang sana hindi yan ang inabot mo. “ patuloy niya pa.
Hindi naman kasi talaga pagdodoktor ang gusto ko pero dahil iyon ang gusto niya para saakin at hindi ko iyon sinunod kaya galit na galit siya saakin.
“Palibhasa matigas ang ulo, bakit hindi ka gumaya sa kuya mo? Ang ganda na ng trabaho niya, magpapamilya na nga eh. Ikaw ba? Ano na ba napala mo—“
“Wala pa!” agad kong pinutol ang sinabi niya, binitawan ko nang padabog ang kutsa’t tinidor sabay tayo.
“Iyan po ba ang gusto mong marinig? Wala! Wala akong napala! Kasi tanga ako, kasi hindi ako magaling katulad ng panganay mo, kasi kahit kailan hindi naman talaga ako naging magaling sa paningin mo!”
Nagsimula nang tumulo ang luha ko, hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko pero punong-puno na talaga ako, hindi ko na kaya kung hindi ko pa sasabihin.
Tumayo si daddy at lumapit saakin, namumula na siya sa galit dahil sa mga pinagsasabi ko.Agad namang yumukap si mommy kay daddy pero tinabig lang siya ni daddy, tumayo na rin si kuya para pigilan si daddy.
“Wala ka talagang respeto, hindi ka marunong tumanaw ng utang na loob. Ako ang nagpaaral saiyo at kung wala ako, wala ka rin diyan sa kinatatayuan mo!” tinuro turo niya ako habang nakahawak si mommy sa kabilang braso niya na umiiyak na rin.
“Hindi na kita kikilalanin na anak, hindi na kita ituturing na pamilya!”
“Bakit? Nagkaroon ba ng kahit isang beses na kinilala mo akong anak? Nagkaroon ba ng pagkakataon na minahal mo ako bilang anak mo? ‘di ba wala? Kahit kailan wala---“
Isang malakas na sampal ang nagpatigil saakin, maging sina mommy at kuya ay natigilan dahil sa ginawa ni daddy.”Lumayas ka!”
“Dad, tama na” hinawakan na rin ni kuya si daddy dahil mukhang kulang pa ang sampal para sakanya.
Napaatras na ako habang hawak ang pisngi ko, buo na ang desisyon ko. Hindi na ako kahit kailan pa magiging parte ng pamilyang ‘to. Ako na ang lalayo, ako na ang iiwas. Siguro ito na ang pinaka mabuting gawin, ang takasan ang buhay. Tumakas sa reyalidad na anak ako ng mga mendoza, na nabubuhay akong puno ng galit at puot, nang walang nararamdamang pag-mamahal at pagtanggap. Gusto kong tumakas at kahit imposible, gagawin kong posible.