AOI’S POV Parang nawalan ng lakas ang aking mga binti nang magsarado ang pintuan ng elevator. Mabuti na lamang ay nahawakan ako kaagad ni Eoghan. Agad nitong ipinulupot ang kanyang mga braso sa aking balakang at inalalayan ako sa pagtayo. “Don’t worry, you did a great job,” anito na tila ba nababasa nito ang nilalaman ng aking isip. Nanghihina ako hindi dahil sa paghaharap namin ni Zyran kung hindi sa nangyari sa amin ni Louisa. Hindi ko inaasahan na ganito ang kahahantungan ng pagkakaibigan namin. Ang akala ko ay tunay ang pakikipagkaibigan nito sa akin kagaya ng turing ko sa kanya pero mukhang ako lang ang umasa. Kaibigan ang turing ko pero siya ay mortal na kaaway ang tingin sa akin. Ang sikip sa dibdib dahil siya lang ang sinandigan ko sa tuwing nahihirapan ako, kapamilya na ang tu

