AOI'S POV Natigilan ako sa kanyang sinabi. Sandali lamang iyon na agad na napalitan ng ngiti saka pilit na tumawa. “Ikaw? Nakatadhana sa akin? Baka nakatadhana talagang maging pasyente ko. Huwag mo ko masyadong jinojoke, Eoghan. Alam ko naman na sinasabi mo lamang iyan para palubagin ang aking loob at para hindi ako magalit sa pamangkin mo. Well, walang magbabago at impossibleng hindi ako magtanim ng galit kay Zyran dahil sa ginawa niya sa akin. Sinayang ko lang naman ang limang taon ng buhay ko sa kanya,” sabi ko rito habang pilit na tumatawa ng mapakla. Kung sinasabi niya lamang ang bagay na iyon para iligtas ang kanyang pamangkin ay nagkakamali siya. Walang kahit anong bagay ang posibleng makapagpawi ng sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa ginawa nilang panloloko sa akin. Hindi

