Title: WITH YOU
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04
EPISODE 1
TUM
Dati akong mahiyain, tahimik or in short introvert na klase ng tao. Mayroon akong dating mga kaibigan, sina Jump, Pond at ang pinakamalapit sa akin, si Tian. Maaaring bias ako pagdating sa kanilang tatlo dahil bukod sa mas malapit ako kay Tian ay lihim ko rin siyang nagugustuhan.
Yes! For 3 years, lihim akong nagkagusto sa kaniya at ni isa'y walang nakakaalam 'nun. Itinago ko sa lahat ang totoo at tanging ang Diary ko lamang ang may alam sa tunay kong nararamdaman. Hanggang isang araw, naiwan ko ito sa loob ng aming classroom at nabasa ng mga kaklase ko ang laman nito. Ang masakit, nalaman ni Tian ang totoo. Ngunit imbes na maunawaan at tanggapin ako, pinagtabuyan niya ako. Pinahiya niya rin ako sa harap ng aming mga kaklase. Iyon na ata ang pinakamasakit na parte ng aking buhay. Bukod sa matalik ko siyang kaibigan, siya rin ang unang taong aking nagustuhan.
Pagkatapos ng pangyayaring 'yun, hindi na ako pumasok at sa halip lumipat ako ng ibang paaralan. Mabuti nalang sa paaralang aking nilipatan ay nakilala ko agad si Kittakorn Jutamat o mas kilala sa tawag na Kit. Naging malapit kami ni Kit sa isa't isa at sa kalaunan ay naging matalik na magkaibigan. Dahil sa kaniya, unti-unti akong nakalimot at binago ang aking sarili.
Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan bago bumaba ng sasakyan. Ngayon ang unang araw namin ni Kit sa Thammasat University.
"Nakahanda ka na?" tanong niya sa akin habang pinagmamasdan namin ang kabuuan ng unibersidad.
"Umm." maikli kong sagot ngunit ang totoo, kinakabahan ako.
Medyo kasi naninibago ako ngayon. Malaking mundo na ito kumpara sa mundo ko noon. Alam kong hindi madali ang maging college student ngunit naniniwala ako na habang katabi at kasama ko si Kit ay magiging maayos ang lahat.
"Tara!" aya niya sa akin at sabay lakad.
Tahimik naman akong sumunod sa kaniya habang binabaybay namin pareho ang kahabaan ng hallway papuntang lobby. Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang makarating kami ng field kung saan gagawin ang orientation. Pagdating namin doon ay naupo kami sa likurang bahagi ng mga estudyanteng mas nauna pa sa amin.
"Hello freshmen." nagagalak na sabi ng isang senior na nasa gitna. "Ako si Pring at ako ang presidente ng ating faculty. So itong mga katabi ko naman ay ang mga seniors niyo. Habang nasa ilalim namin kayo, huwag kayong magdadalawang isip na lapitan kami just in case may mga problema kayo lalo na pagdating sa academics."
Nang marinig iyon ng lahat, nakita kong natuwa sila sa sinabi ni P'Pring. Ako man din ay masaya rin dahil bilang freshman, alam kong hindi madali ang maging medicine student. Lalo pa't alam kong mahirap ang aming kurso.
"Siguro naman ang iba rito sa inyo ay aware narin sa patakaran ng skul. Sa unang dalawang linggo ng pasukan, tradisyon na ng ating unibersidad na magkakaroon ng Freshy Day. Isa ito sa napaka-exciting na moment niyo bilang college student. Kaya dapat i-enjoy niyo ang oportunidad na ito. Hindi lang ito basta isang aktibidad na magpapasaya sa ating lahat. Bagkus magiging daan din ito para mas makikilala pa ninyo lalo ang inyong mga sarili. Freshy Day aims to promote camaraderie among students. Not only in our faculty but to the entire university. So ang bawat faculty ay maglalaban para sa mga activities na gagawin. But the main essence of the said competition is to promote sportsmanship, unity and solidarity. Alam kong marami dito ang excited na, tama?" wika ni P'Pring.
"Chai khrap/kha." sabay na sagot naming lahat at sabay palakpak.
"Pero, mas lalong ma-eexcite kayo sa magiging finale ng Freshy Day dahil magkakaroon tayo ng King and Queen 2020."
Biglang nagbulong-bulungan ang lahat matapos sabihin iyon ni P'Pring. Kami naman ni Kit ay nagkatinginan lamang.
"Pipili kaming mga seniors kung sino ang magiging representative ng ating faculty. Sa ngayon, i-enjoy niyo muna ang araw na ito. Puwede niyong ikutin ang buong unibersidad para naman mas lalo kayong ganahang mag-aral dito. You are very lucky freshmen na pinili niyo ang Thammasat University. TU is one of the best universities in our country. Your brighter future starts here." nakangiting pahayag pa ni P'Pring.
Napahanga niya kaming lahat pagkatapos niyang magsalita sa gitna. Napaka well-spoken niyang tao. Bagay nga sa kaniya ang maging presidente ng Faculty of Medicine.
Naging masaya ang unang araw namin sa Thammasat University. Pagkatapos magsalita ni P'Pring ay nagpakitang gilas ang ibang seniors ng kanilang mga talento. Mayroong sumayaw at mayroon namang kumanta.
"Magpapatalo ba ang mga juniors?" tanong ni P'Pring pagkatapos sumayaw ng ibang seniors.
Biglang naghiyawan kaming mga juniors.
"Ok, kailangan natin ng volunteer from the juniors na sasayaw ng chicken dance."
Nagkatinginan ang lahat sa kani-kanilang katabi.
Biglang lumingon sa amin ni Kit ang isang estudyante. Tiningnan nito ang name tag ko at pagkuwa'y nagtaas ng kaniyang kamay.
"P' khrap mayroon dito, si Tum." sabi nito at sabay turo sa akin na labis kong ikinagulat.
"Huh?" gulat na sambit ko.
"Wow! Hali ka N'Tum." tawag sa akin ni P'Pring.
Napakamot na lamang ako ng ulo na tumingin kay Kit. Bigla tuloy akong kinabahan. Hindi pa naman ako marunong sumayaw.
Biglang nagtaas ng kamay si Kit nang mapansin nito ang kakaibang reaksiyon ko.
"P' khrap, puwede ko bang sabayan ang kaibigan ko sa pagsayaw ng chicken dance?" tanong nito.
"Chai kha." agap naman na tugon ni P'Pring.
Hinawakan ni Kit ang aking kamay at sabay tayo. Awtomatiko rin akong tumayo at sumunod sa kaniya papuntang harapan kahit pa ramdam ko ang malalakas na kabog ng aking dibdib.
Habang papunta kami ng harapan ay biglang nagpalakpakan ang lahat at dinig kong may nagtitilian pa.
"Woah! Ang cute naman nila pareho." sabi ng grupo ng mga babaeng estudyanteng nasa unahan.
"Sa tingin ko mukhang magiging famous itong dalawa." ani P'Pring habang pinagmamasdan kami ni Kit.
Ngumiti ako nang tila pilit ngunit pansin kong mukhang balewala lamang iyon kay Kit. Palibhasa'y sanay na siya sa mga ganitong eksena. Hindi narin bago sa kaniya ang hangaan siya. Bago pa ako dumating sa dati naming eskwelahan, ay sikat na siya at tinitilian.
"Ok N'Tum, N'Kit, sabayan niyo kami." si P'Pring at sabay bilang. "Neung, sung, sawm." tapos sabay sayaw ng chicken dance. Ang iba naman ay kumanta.
Agad ding sumabay si Kit sa pagsayaw, samantalang hindi naman agad ako nakasabay sa kaniya. Sobra talaga akong nahihiya ngayon. Naramdaman kong umiinit na ang aking pisngi at tiyak akong namumula na ito ngayon.
Ngunit nang hawakan ni Kit ang kamay ko habang sumasayaw, ay napapasabay narin ako sa kaniya. Dahan-dahan sa umpisa ngunit sa kalaunan ay napapaindak narin ako lalo pa't nakita kong nag-eenjoy ang lahat.
Pagkatapos naming sumayaw..........
"Woah! Ang gagaling niyo pala Nong." nakangiting sabi ni P'Pring. "Nagustuhan niyo ba?" kapagkuwa'y tanong nito sa iba.
"Khrap/Kha." malakas na sagot ng lahat at sabay palakpak.
"Khaawp khun khrap." mahinang sabi ni Kit at pagkatapos ay bumalik na kami sa likuran.
Kumuha ako ng panyo sa bag at nagpunas ng pawis sa mukha. Medyo kasi pinagpawisan ako dahil sa pagsasayaw ng chicken dance.
"Hindi ko alam magaling ka palang sumayaw ng chicken dance." nakatawang saad ni Kit.
"Ai'Kit..." maktol kong sabi at sabay simangot sa kaniya.
"I'm just kidding." aniya at sabay tapik sa aking balikat.
Pagkatapos ng orientation ay pumunta kami sa ikalawang palapag ng eskwelahan para tingnan ang aming magiging classroom.
"Alam mo Tum, nag enjoy ako kanina." sabi niya habang paakyat kami ng hagdan.
"Ummm..kahit ako rin." nakangiti kong sang-ayon sa sinabi nito.
"Pero napansin mo ba habang papunta tayo sa harapan kanina, lahat sila ay nakatingin sa atin at nagtitilian,"
"Aww! Sanay na ako dun. Ganun talaga pag kasama kita."
"Aww! Hindi lang 'yun dahil sa akin. Dahil din 'yun sayo. If I know, marami ring nabighani kanina sayo."
"Nabighani? Mukhang wala naman." kumunot pa ang noo ko sa huli.
"Bakit ba kasi hindi mo matanggap na guwapo ka. Alam mo, sa lahat ng naging kakilala ko noong high school, ikaw ang pinaka-cute na nakita ko lalo na noong nakasalamin ka pa."
"Ai'Kit...Huwag mo nang ipaalala sa akin 'yun. Alam kong pangit na ako nun."
"Hey! Bakit ba kasi ayaw mong maniwala na napaka-cute mong tingnan pag nagsasalamin ka?"
Hindi na ako nag insist pa dahil alam kong hindi rin naman maniniwala itong kaibigan ko.
Dati kasi akong nakasalamin dahil medyo malabo ang aking paningin pag hindi ako nakasuot niyon. Pero simula noong nangyari sa amin ni Tian, sinubukan kong magsuot ng contact lens para baguhin ang look ko. Naging maayos naman ang prosesong yun. Yun nga lang kailangan kong magtiis sa paglalagay nito.
Pagdating namin sa tapat ng Room 205 ay binuksan namin nang bahagya ang pinto nito. Bahagya naman kaming napasilip sa loob niyon.
"Ang ganda." sabi ko pagkatapos kong sumilip. Nakakamangha ang loob ng nasabing silid.
Actually, gusto lang naming maging pamilyar sa magiging classroom namin kung sakaling magsisimula na ang regular class.
"Punta tayo ng canteen." aya sa akin ni Kit pagkatapos.
Agad din naman kaming umalis at tinungo muli ang hagdanan para bumaba. Nasa ibabang bahagi na kami nang makasalubong namin si Jump. Natigilan siya nang makita nito ako.
"Tum?!" gulat niyang sambit nang mamukhaan ako.
Halos nanlaki ang kaniyang mga mata ngayon. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa.
"Ju-Jump -." nauutal kong sambit sa kaniyang pangalan. Hindi ko inaasahan ang pagkikita namin ngayon.
"Ikaw nga! Woah! Nakakagulat naman ang bagong look mo ngayon. Napaka-guwapo mo na." sabi niya at sabay iling pa.
Bahagya lamang akong ngumiti sa kaniya.
"Ahhmm...sino naman siya?" tanong niya nang tumingin kay Kit.
"Err...siya si Kit, Kit, siya si Jump." pagpapakilala ko.
"Boy - ." hindi na natapos ni Jump ang kaniyang sasabihin.
"Mai chai! Mai chai!" biglang tutol ni Kit. "We're just friends,"
"Ahhhh...akala ko mag boyfriend kayo." si Jump na napapakamot pa ng ulo.
Nagkatinginan lamang kami ni Kit at bahagyang ngumiti sa isa't isa. Pagkatapos ay nagkamayan din naman silang dalawa.
"Ahhmm...puwede ko bang mahingi ang number mo?" tanong ni Jump at sabay abot ng kaniyang telepono.
"Chai!" tugon ko at sabay kuha ng telepono niyang inabot sa akin.
Pagkatapos kong mag type ng numero ay binalik ko rin ito agad sa kaniya.
"Sige Tum, tatawagan nalang kita." sabi niya na mukhang nagmamadali.
"Okay!" maagap ko rin namang tugon.
Kapagkuwan ay nagmamadali itong umalis samantalang kami naman ni Kit ay nanatiling nakatayo habang pinagmamasdan siya. Nagulat din ako sa aming pagkikita. Mahigit dalawang taon din na wala akong balita sa kaniya.
"Hindi ko alam ang guwapo pala ng mga kaibigan mo." napapailing na sabi ni Kit at pagkakuwa'y tumingin sa akin. "Kung guwapo si Jump, sigurado ako mas guwapo si Tian." dagdag pa niya.
Tinitigan ko siya ng may kataliman.
"Hey! Hindi naman sa pinapaalala ko sayo ang lahat. Nakita ko lang kasi na guwapo si Jump kaya alam ko mas guwapo pa si Tian sa kaniya."
Nakuha ko rin naman ang nais niyang tukuyin. Oo, inaamin ko ngang mas guwapo si Tian kumpara kay Jump. Actually, sa kaniya lang umikot ang mundo ko noon. Wala na akong ibang makitang mas guwapo pa sa kaniya at para sa akin siya na ang perfect guy noon.
Perfect guy? Hmmmmmm......
Pero iba na ngayon. Hindi na gaya ng dati ang paghanga ko sa kaniya dahil ang totoo galit ako sa kaniya ngayon. Kung puwede nga lang, ayaw ko na siyang makita pa kaya hanggat kaya kong umiwas ay iiwasan ko ang pagtatagpo naming dalawa.
Dumiretso kami ng canteen para mag miryenda. Pagkatapos naming bumili ng pagkain ay naghanap kami ng bakanteng upuan at mesa. Sa isang sulok kung saan may grupo ng mga babaeng estudyanteng nakaupo kami pumuwesto.
"Alam niyo, ang guwapo ng representative ng Faculty of Engineering sa King and Queen 2020." sabi ng isang babaeng estudyante na agad naman naming ikinaintriga.
Nakikinig lamang kami ni Kit sa kanilang usapan.
"Chai! At sa tingin ko siya ang mananalo ngayong taon." agad namang sang-ayon ng isa pang babaeng estudyante.
Nagkatinginan na lamang kami ni Kit at pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain.
"Sa tingin ko Tum, bagay sayo ang maging King." sabi niya pagkatapos nang unang subo nito.
Halos mabilaokan naman ako nang marinig ko iyon.
"Huh! Ako?" labis akong nagulat.
"Umm...Bagay sayo ang maging King."
"Ayoko nga! Wala akong hilig diyan saka wala akong alam tungkol sa pageant." kunot-noo kong tutol sa sinabi niya. "Mas bagay sayo 'yun!"
Tumawa nang bahagya si Kit.
"Tapos na ako sa mga pageant na 'yan. Panahon narin para ipakita mo yang guwapo mong mukha"
Napailing ako at sabay tawa nang may kalakasan.
"Alam mo Kit, malabo yang iniisip mo. Saka ang mga seniors natin ang pipili ng magiging representative natin. Imposibleng pipiliin nila ako."
"Awww! Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Nakita mo ba kanina kung paano ka nila tinilian?"
"Para sayo ang mga tiling 'yun. Hindi 'yun para sa akin." naka-pout kong saad.
Pabiro niya akong pinalo sa ulo.
"Bakit ba kasi ini-insist mo na para sa akin 'yun? Look Tum, simula nang lumipat ka sa school natin naging usap-usapan ka ng lahat. Kanina, ikaw ang pinili ng isang estudyante na sumayaw ng chicken dance hindi para ipahiya ka kundi dahil humanga siya sayo. Masyado ka lang kasing humble."
Napaisip akong napatingin sa kaniya.
Ayaw ko kasing isipin ang mga bagay na 'yun. Binago ko ang sarili ko hindi para sa ibang tao kundi para kay Tian. Gusto kong ipamukha sa kaniya na heto na ako ngayon, ang taong minsang pinahiya niya at pinagtabuyan. Lahat ng ito ay para sa kaniya. Gusto kong pagsisihan niya ang lahat nang ginawa nito sa akin.
"Ah basta! Ayaw kong sumali kung saka-sakali man." giit ng aking isipan.
To be continued.......................
Author's Note: Feel free to write your comments. Don't forget to vote each episode.
Khaawp khun khrap
No copyright
This is a work of fiction
Plagiarism is a crime
#cttophotonotmine