Ramdam ko na tila ba may malambot na bagay na dumdampi sa buong mukha ko. Paminsan minsan ay may naiiwan pang basa iyon. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata sa kalagitnaan nang pagkahimbing kong matulog. Isang lalaking nakangisi at walang saplot pang-itaas ang bumungad sa aking mga mata. Hindi muna ako bumangon dahil baka nanaginip lang ako o di kaya imahinasyon ko lang siya. Kinusot ko ang aking mga mata ng ilang sandali ngunit lahat ng aking mga nakikita ay hindi imahinasyon o panaginip lamang. Natauhan ako nang muli niya akong ninakawan ng halik sa aking labi kaya mabilis akong napabangon. "What the hell are you doing here?!" Galit na sigaw ko sa kanya at tinakpan ng aking kamay ang dibdib ko. Wala akong suot na bra at tanging manipis na tela lamang ang nakatabon roon. "Good m

