"Ano ba itong pinaggagawa mo Veron? Bakit ang dami mong mali sa mga files na sinesend mo sa akin?! Pinagmamayabang pa naman kita sa board na ikaw ang pinaka matalino kong empleyado!" Dismayadong sabi sa akin ni Mr. Rascal habang hinihilot ang kanyang sentido. Hindi ako makasagot sa kanya at napayuko nalang ako. I'm so disappointed with my self kasi hindi ko rin napanindigan na mas lalo kong gagalingan ang aking trabaho bilang isang Manager sa bangko. Gusto kong maiyak ngayon, sa loob ng isang dekada na nagtatrabaho ako ngayon lang ako nakadinig ng sermon mula kay Mr. Rascal. "Ayusin mo itong trabaho mo Veron." Malumanay na sabi niya sa akin bago ako iniwan sa sarili kong opisina. Pabagsak akong umupo sa chivel chair. Bakit ba ako nagkaganito? Dahil ba kay Richard? Oo, dahil sa kanya lah

